Day 1 Champagne's POV Gumulong gulong ako sa kama para mailabas ang aking frustrations na di ko alam kung saan nagmumula. Basta ang alam ko, nawalan ako ng gana simula nung..... Argh. Nevermind. "Chammy! Anong nangyayari sayo?" natigil ako ng makitang gising na rin si Carlie. "Ahhh, eh. Ano. Nag eexer....cise lang!" sabay unat ng aking mga braso. Mukhang hindi kumbinsido ang aking bestfriend kaya naman dumapa ako sa sahig at nagpatuloy. "1, 2, 3, 4." bilang ko kada taas at baba ng aking katawan sa pamamagitan ng paggalaw ng aking mga braso. "Ka....." napalingon ako sa bumukas na pinto at agad napaupo sa sahig ng makitang nakatitig sa akin ng husto ang lalakeng kagabi ko pa iniisip. Teka?! No. Di ko siya iniisip! Sadyang ginugulo niya lang ako! Stupid Champagne. "Kakain na." saa

