Crimson Cafe Prente akong nakaupo mula sa pagkakabagsak ko mula sa langit. Ang sakit ng ulo ko at parang nawala ang kalahati ng buong lakas ko. Ugh. "Ho.....oy! Uma.....lis nga ka....yo sa akin!" agad akong tumingin at nakita ang aking sarili na nasa itaas ng aking mga kasama Lahat sila ay nakadapa at nakahiga. Tumalon ako paibaba at tinulungan silang makatayo. "Okay ka lang Silver?" I asked him. Siya kasi ang pinaka nadaganan. "Masakit lang ang likod." sagot niya at nag unat unat. "Let's go." utos ni Teal. Nakakainis na talaga ang isang ito. Hindi man lang muna pagpahingahin si Silver at ang iba pa. Sumunod kami sa kanya. Akala mo naman alam na alam niya ang lugar na ito. Magdusa siya. Makipot ang daang tinatahak namin. Madilim at puro ilaw lamang mula sa nagsisitaasang istru

