Moiran Champagne's POV Kahit pa nanginginig ang aking nanghihinang katawan dahil sa sakit at takot ay nagawa ko pa ring buhatin ang aking Scepter. Pinilit kong higpitan ang aking hawak mula doon at itinutok sa parteng pinanggagalingan ng anino. Nagsimulang gumalaw ang anino ngunit taliwas sa aking inaasahan ay hindi nakakayanig ang mga hakbang nito. Ni hindi nga rin iyon malakas. Nakakapagtaka. Bumukas ng todo ang pabagsak ng talukap ng aking mga mata ng matanggal ang sungay ng anino. At halos mahulog ako sa sahig ng isang matinis na boses ang gumulantang samin. Lumabas mula sa kwartong may kaunting na ilaw ang isang maliit na nilalang. May hawak hawak itong gunting gamit ang nanginginig nitng kamay. Nagtagpo ang mga titig namn na nabitawan niya ang kanyang dala. Mula sa pagkakun

