Silver Ereth
3rd Person's POV
Confusion is within his system but when he saw her face, calmness invaded him.
Pumikit siya at bumalik sa kanyang isipan ang itsura ng taong iyon sa aking panaginip.
Hindi niya malaman kung nakita na niya ba siya o nakasalubong na niya sa kung saan. Pero ang nasisiguro niya lamang ay naging mahinahon siya dahil sa kanya.
Winasiwas niya ang kanyang espada at hinati iyon sa dalawa ng tuluyan niya iyong naitaas sa ere.
Tagatak na ang pawis ni Silver kahit na kasisilay pa lamang araw.
Pabagsak siyang naupo sa damuhan at tumusok sa ang kanyang mga sandata sa lupa.
"She's really beautiful, I wonder if her existence is real." iyon ang naibulong niya sa kanyang sarili.
"Huy sinong kausap mo?" nagitla ang binata ng tumabi sa aking Carlie, dala dala ang kanyang baril.
"Ah wala." hindi naman manhid si Silver, alam niya kung ano ang pinapahiwatig sa kanya ni Carlie pero sadyang kaibigan ang lang ang maituturing niya sa dalaga.
Tumango lamang siya at natahimik silang dalawa.
"Your swords' too heavy for you." umento niya.
"That's why I'm practicing real hard." sagot niya at tumayo siya.
"Then let's have a duel." he frowned at her.
"You don't have to do this." umiling siya at inasinta si Silver gamit ang kanyang Vermilion Gun.
"I insist." nagpaulan siya ng mga balang nasa lima ang bilang ngunit lahat iyon ay naiwasan ni Silver.
"Stop this Carlie. I can't see you the way you're looking at me. I can't give back to you whatever it is that you are offering to me. I'm sorry." bakas na bakas ang gulat sa kanyang mga mata.
Namumuo ang mga luha doon at naikuyom ni Silver ang kanyang kaliwang kamay.
Kung hindi pa siya titigil ngayon, mas masasaktan lamang siya ni Silver. Iyon ang naiisip ng binata.
"Anong ginawa mo?" nagulat sila ng tumama ang kamao ni Teal sa mukha ni Silver at napaatras siya dahil sa ginawa ni Teal.
"Wa....wala siyang kasa....lanan Teal! Tama na!" awat ni Carlie ng muling tangkaing sugurin ni Teal si Silver.
Love is a simple word, but people can feel and think complicatedly.
"You'll pay for this!" nakita ni Silver na hinigit ni Teal ang namumulang si Carlie at hinayaan niya na lamang sila.
Parang gusto na lamang niyang matulog muli upang makita niya ang babaeng iyon.
Kaso hindi niya iyon maaaring gawin kaya naman muli siyang tumayo at pinag isa ang kanyang magkahiwalay na espada.
Lumipad siya gamit ang kanyang pakpak na manipis at kulay puti.
Sumugod siya sa isang malaking taniman ng asukal kung saan malapit ang bahay na tinutuluyan nila pansamantala.
Mabilis niyang natabas ang halos ikaapat na hati niyon ngunit hindi pa iyon sapat sa kanya.
Tatlong segundo siyang huminga ng malalim saka muling umatake. Paikot ikot sa kamay niya ang kanyang napakabigat na espada at halos kalahati na ang natapos niya.
Tumalon si Silver ng mataas at saka niya pinaghiwalay ang aking sandata.
Hindi siya lumapag sa lupa bagkus ay nanatili lamang siya sa ere at nagpaikot ikot habang naka extend ang kanyang mga braso at kamay kasama ang kanyang mga espada na binabalot ng liwanag.
"Anong karapatan mong paiyakin siya?" napalingon siya kay Teal matapos niyang maputol ang huling sugar cane na doble ang taas sa kanya.
"Sinabi ko lang ang totoo sa kanya! Ayoko uma...." hindi na natuloy ni Silver ang sasabihin ng panain siya ni Teal.
Agad niyang naiharang ang kanyang mga espada at mabilis siyang lumipad paitaas.
Nilabas rin ni Teal ang pakpak niya at nanlaki ang mga mata ni Silver, parang bukod sa puting aura ay may kulay asul at berde rin doon.
Nagbalik lang sa kanyang ulirat ng maramdaman niyang dumaplis sa kanyang braso ang isang pana ni Teal.
Tumulo mula doon ang kanyang kulay puting dugo.
Agarang sumugod si Teal sa kanya at binalak pang ihampas kay Silver ang bow nito pero madaling napag isa ni Silver ang kanyang dalawang espada at nagawa niyang salagin ang atake ni Teal gamit iyon.
"Fight with me you fvcking bastard!" sigaw niya kay Silver.
He loves Carlie, kitang kita iyon sa mukha at kilos ni Teal.
Napapikit si Silver ng mariin ng tamaan siya ng isa pang arrow.
Teka bakit ang babaeng iyon na naman ang kanyang nakikita? Takang taka na si Silver. Tila hindi siya nilulubayan ng babaeng iyon.
"Is that what you've got?" Teal smirked at him.
Tingin ni Silver ay magkakalamat na ang kanilang samahan ng kanyang kaibigan na kapwa Wisp niya rin.
Hindi naman siguro kasalanan ang pag amin sa katotohanan, pero naiintidihan pa rin ni Silver si Teal, mahal ni Teal ang babaeng napaiyak niya. He can't blame him.
Nagpaulan si Teal ng Light Spears at Arrows pero sinalag ni Silver ang lahat ng iyon at hinati hati.
Bakas na bakas ang gulat sa mga mata ni Teal. Marahil ay akala nito, magpapatalo si Silver sa kanya.
He did nothing wrong. Hindi niya kasalanan kung hindi niya mahal si Carlie.
He can't force himself to love her, he really can't.
Parehas silang sumugod at itinutok niya kay Teal ang kanyang espada saka iyon pinaghiwalay sa kanyang harapan.
Nakakasilaw na liwanag ang nagmula doon at pagkatapos, nakita na lamanh ni Silver na sira na ang pang ibaba na suot ni Teal.
Nahati niya iyon at nagkasugat siya sa kanyang binti.
"Teal! Silver! Stop that! Alam mong walang kasalanan si Silver! Don't be too biased Teal! Open up your nasty mind!" nakita nila si Chammy na kasunod si Azure.
Ngumising muli si Teal pero halata ang pait sa kanyang mukha.
"You don't deserve her, she doesn't deserve someone like you." akmang tatalikod si Teal ay natigil siya ng magsalita si Silver.
"You're right. I told her the truth and I made her cry so just go on and focus on her. You're the one who can heal her heart. She deserves someone who truly loves her, and I know that it will be you Teal. Cause you love Scarlet more than yourself." sinabi nito sa kanya at naramdaman na ng binata ang pagod.
Walang imik na umalis si Teal habang si Silver ay nanatili sa kanyang pwesto.
Nawala ang kanyang mga pakpak at tila ba mas bumigat ang aking mga espadang dala dala.
Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagkakaroon ng ibang kulay sa kanyang papawalang aura, kulay itim iyon ngunit kakaunti lamang.
Alam niyang lupa ang babagsakan niya ngunit sa malalambot ng bulaklak tumama ang kanyang likuran
Bubblegum.
Naalimpungatan si Silver at nakaramdam ng kirot.
Minulat niya ang kanyang mga mata na kulay pilak at nakita niya si Bubble na matyagang naglalapat ng gamot sa sa sugatan niyang katawan.
"You're awake!" ngumiti siya sa kanya.
"Gusto mo bang kumain?" tanong nito at ipinakita ang table na maraming pagkain sa kanyang likuran.
Does he really need to break two hearts in a day?
Umiling siya sa kanya at nagpatuloy ang dalaga sa kanyang ginagawa.
"I've heard what happened." tumingin si Bubblegum sa kanya at sumilay ang kanyang matipid na ngiti.
"Who's the lucky girl?" tanong muli nito.
"Posible bang magkagusto ka sa isang taong hindi mo pa nakikita ng personal?" tanong ni Silver sa kanya at napatigil siya sa pagbebenda sa kanya .
"Hmmm, maybe attraction with looks. Ganun sa mga libro eh." sagot ng dalaga.
Nagsimula ng mag imis ng kanyang mga kagamitan si Bubblegum.
"Saan mo nakita iyang babaeng tinutukoy mo?" tanong muli ng dalaga.
"Sa panaginip ko." tila nag-isip muna siya bago bumuntong hininga. Halata ang gulat sa kanyang mukha.
"Baka makikita mo palang siya in the future? Sabi kasi ni Lady Lachise, either nakita mo na noon ang mga tao sa panaginip mo o makikita mo palang." Silver unconsciously nodded.
Parang biglang nabuo ang excitement sa binata. Gusto niya siyang makita, malaman kung totoo nga ba talaga siya. Kung kagaya ba ni Teal ay ipagtatanggol niya rin ng buong puso ang babaeng iyon.
"Hey you're blushing." puna ni Bubblegum sa kanya.
Nakakahiya. Alam naman ni Silver na tila may gusto rin sa kanya si Bubble. Pero masaya siyang iba ang naging reaksyon nito, hindi gaya ng kay Carlie.
"So I guess, I'll stop bugging you too. Alam ko namang aware ka sa nararamdaman ko para sayo hindi ba?" kaswal na tanong ng dalaga.
"Ugh. I'm sorry Bubble." he said sincerely ngunit narinig niya ang pagtawa ni Bubble ng mahina.
"Why are you laughing?" tanong ng binata sa kanya.
"Ingat na ingat kasi yang itsura at pagkakasabi mo. Para bang ayaw mong mabasag ako." tumawa siyang muli.
May kabaliwan din talaga ang isang ito.
Pero buti siya, naiintindihan niya si Teal. Hindi tuloy malaman ng binata kung paano niya haharapin si Teal, lalo na si Carlie.
"Carlie will surely understand you later on. Goodluck with that girl Silver." ngumiti muli sa kanya si Bubblegum.
Tumayo ang dalaga at nagpunta sa kanyang gilid saka inilahad ang kamay nito.
"I thought I will cry because of rejection, but I know that I can't command you to like me back. That will be rude and unfair to you. Acceptance is really the key. So, friends?" nakangiti niyang saad at buong sayang tinaggap ni Silver ang kamay ng dalaga.
Nagulat lamang ang binata sa sunod na ginawa ni Bubblegum. Hinigit siya nito at niyakap ng mahigpit.
"Just this one, wag kang magagalit." tumawa siyang muli bago pinakawalan si Silver.
"Ipakilala mo sakin yung babae kapag nakita mo na." saad ni Bubblegum bago nagtungo sa may pintuan.
"Sure. Bubble, ugh, try to acknowledge Rouie." he grinned at her at nakita niyang namula ang pisngi ng babaeng Pixie.
So she's aware.
Bigla na lamang naging maliit si Bubblegum at mabilis na lumabas sa siwang ng pinto.
Silver finds Bubblegum's reaction too cute.
Infatuation lang naman, magbabago pa iyon. Ang mahalaga ay malinaw na sa kanilang dalawa ang lahat. At ang maganda pa doon ay lubusang iyong nauunawaan ni Bubblegum. Wala naman sigurong magbabago sa pagkakaibigan nilang nagsimula pa noong mga bata pa lamang sila.
He's hoping that Carlie will be alright and befriend with him again. He got Teal from the very start, anyway. She will cope up.
Pumikit muli ang binata ng makaramdam muli ng antok.
There are people who loves the one that ignores them and ignores the one who loves them. Some people likes the thrill and chase but then again, love is always followed by word pain. It will be just worthy to feel it if you'll end up with the right person.
Muli na namang rumehistro ang mukha ng misteryosong dalaga sa utak ni Silver.
"Who are you?" tanong ni Silver at lumapit sa kanya ang dalaga.
Mas maliit lamang ito ng kaunti kay Silver, makinis at maputing balat, may mga pisnging matambok, labing mamula mula at mga matang may pagkasingkit. Ang kakaiba sa dalaga ay lima ang kulay ng mga pakpak niya, bughaw, luntian, dilaw, pula at rosas na kagaya rin ng mga mata nito.
"Ylonna...." sagot nito at lumipad papalapit kay Silver.