TOM - 24

1507 Words
Sturdy Golwik Champagne's POV It's been two days since my cousin and Silver had their fight. Kitang kita kong nahahati na ang grupo namin, kahit pa wala pa itong official name. I envy Mamay and Tito Frost's group. Parang never kong narinig na nagkaganito sila. Carlie seems to be not quite happy, brokenhearted ata talaga dahil kay Silver. Mabuti pa si Bubblegum na tinanggap ang katotohanan. "Pahinga muna tayo?" tanong ko pero ni isa walang sumagot. Mabuti na nga lamang at nakikiayon si Azure sa nangyayri, hindi siya pasaway di tulad ng mga nakaraang araw. "No need Chammy." latang lata na naglakad si Carlie at kabuntot niya si Teal na hindi ngumingiti. Hindi ako sanay. "Guys ano ba? Gagayahin niyo ba yung mga nasa libro na hinayaang masira ng friendship na binuo for years dahil sa iringan na yan?" nagtigil si Carlie sa paglalakad at namumulang humarap sa nagsalitang si Myrtle. "You don't know anything." cold na sabi nito at ngumiti si Myrtle sa kanya. "I know everything. And it's like I'm watching a movie version of a romance novel." sarcastic na saad ni Myrtle at kumuyom ang mga kamao ni Carlie. "Give her time Myr. Maiintindihan niya rin si Silver." pagsingit ni Bubblegum. "Andali kasing sabihin para sayo. Palibhasa you only like him, but mine is different, I love Silver." lahat kami ay napasinghap ng tumulo ang mga luha sa mga mata ng aking bestfriend. "You're not helping her! Shut your fvcking mouth guys!" niyakap ng pinsan ko si Carlie na umiiyak pa rin. "Respect each one of us and accept the bittersweet truth of reality." napalingon ako sa nagsalita. "Oh a preach coming from a certified playboy." napairap si Myr sa kay Flax na sumimangot. "What? A playboy? As far as I know you're my last gi....." agad tinakpan ni Myr ang bibig ng nagsasalitang si Flax at pinandilatan iyon ng mga mata. What's going on? "Flax nailed it. If you can see a little hope, then pursue for it. But if there's none, better stop and put your attention to someone else." lumingon sa akin si Azure at kumindat. Holy Coonies! I'm not ready for that. Teka. Bakit ba apektado ako sa lecheng Undine na ito? "Carlie....." lumapit si Silver kay Scarlet ngunit agad humarang ang nakakunot noong si Teal. "Back off bastard." tinulak ni Teal si Silver. Nagtaas ng dalawang kamay ang huli bilang pagpapakita ng pagsuko. "I'm fine Silver. Just, ugh, give me time." tumango si Silver at lumapit sa akin. i patted his shoulder saka ako bumulong. "She'll be fine, Teal got her." Silver nodded at me saka kami nagpasyang magpatuloy sa paglalakbay. Nasa Vanilla Jungle kami ng Earthis Region dahil dito kami dinala ng Golden Compass. "Sht." Azure, who's beside me cursed in a low tone. Lumilindol! "Oh ghad!" bulalas ni Bubblegum na kumapit kay Myr. "Stop crying Carlie! For Arkaios' sake!" bulyaw ni Myrtle. Niyakap ko si Carlie at yumakap siya pabalik sa akin. Pahina ng pahina ang iyak niya ngunit palakas ng palakas ang paggalaw ng lupang aming nilalakaran. "Run guys! Run! There's a Golwik" at sumulpot nga mula sa mga hilera ng matatas na puno ang isang creature na malaki at bato bato ang itsura. "Come on!" hinila ako ni Azure at lumipad kami gamit ang aming nga pakpak, mahirap gumamit ng disc dito dahil dikit dikit at sadyang matatayog ang mga pumo dito. "Golwiks are attracted by the scent of tears!" saad ni Flax. Alam na alam niya iyon dahil ito ang naging training ground nila ni Tito Terran mula pa noon. Nakita ko ang mabilis na paglayo ng aking pinsan na yakap yakap si Carlie. Kailangan niyang kumalma. Hinarap namin ang galit na galit na Golwik. Agad kaming nagpakawala ng mga atake ngunit tila balewala iyon dahil sa kapal ng balat nito. "We can't kill this." nanlulumong saad ni Myrtle matapos niyang magpakawala ng isang malaking Tornado na nagpagulo ng kaunti sa buhol ng nilalang na kaharap namin. "It is also attracted by fire and light. You guys need to set a trap while me and my Poleaxe will bring its fatality." saad ni Flax. Mukha ngang ang kanyang Earthen Poleaxe lang ang makakatagos sa makapal na katawan ng halimaw na nasa harap namin. "We need Carlie and Teal." I muttered. "Here we are, sorry on what I've done earlier." nakatungong saad ni Carlie at tumango kami sa kanya. Ngumiti si Silver at nagkatinginan sila saka ko narinig ang tikhim ni Teal. "What are we going to do?" nasa malayo si Flax, nag aabang habang kami ay nagtatago sa mga puno upang makapag usap. "Set a trap?" pag-uulit ni Bubblegum at napaface palm ako. "What kind of trap?" tanong ni Teal. "Attract it by your powers, Teal, Carlie and Silver in one team but, guys please set aside your personal problems okay? I'll be sticking my gaze on you." I pointed at Teal. Alam ko namang nasasaktan siya for Carlie pero hindi niya dapat sisihin si Silver. Dapat pa nga siyang magpasalamat dahil hindi nagtake advantage iyong isa. "Got it." tipid na ngumiti sa akin si Carlie. "Okay, ang gagawin naman natin ay pahinain ang Golwik, attack it with full power." napalingon ako kay Azure. That's also the plan I am thinking, coincidence? Nah. "I'll go first." agad akong lumipad at halos maabot na ako ng malaking kamay ng Golwik. Flax' POV Nakita kong lumabas mula sa kanilang pinagtataguan si Chammy at agad sumugod sa Golwik. Inihampas niya ang kanyang Scepter sa mukha nito pero ganoon pa rin ang epekto, maliit. Sumunod si Azure na ibinato ang kanyang Ripple Edges at tumama iyon sa kaliwang tenga ng Golwik at umikot pakanan. Swertihang natapyas ang dalawang tenga ng higante at agad iyong napaungol dahil sa sakit. Nakita kong kinuha ni Bubblegum ang pagkakataong iyon at pinalusot sa dumudugong parte ng Golwik ang kanyang Forrest Pearls. They are trying to drain the Golwik's stamina. Good strategy dahil mawawalan iyon ng focus upang patigasin ang katawan at balat nito. Napansin kong pumupwesto na rin sila Teal, Carlie at Silver upang mapansin sila ng Golwik. I tightened the grip on my Earthen Poleaxe. "Myrtle!" napasigaw ako ng makita ko siyang sinasakal ng Golwik. Agad akong lumipad at naramdaman kong lumabas na aking aura. "Flax! Go back to your spot! Don't mind ugh, me!" sigaw ni Myrtle at hindi ko siya pinansin. "Change of plans!" I shouted at agad hinampas gamit ng aking sandata ang kamay ng Golwik na humawak kay Myrtle. Good thing is, Myrtle already damaged it that's why I was able to cut it. Muling pumalahaw ang ungol ng Golwik at bumagsak ang kamay niya kasama si Myrtle. Sinalo ko siya at hinawakan ko mula sa bewang. "Tsk. Bakit ang kulit mo? Change of plans pa." inirapan niya ako. "I'd rather change all the plans than to let that monster hold you too tight. I'm the only one who's allowed to that Myr." agad siyang lumayo at lumipad. Napangisi na lamang ako sa reaction niya. "Flax!" boses iyon ni Myr. Huli na ng makaiwas ako dahil tumama na ang kamao ng Golwik sa aking mukha. Sht. I'm losing my focus. Damn. Myrtle can only do this to me. Mabuti at napigilan ko ang aking pagtama sa isang malaking puno. Kaya naman agad akong lumipad at inatake ang Golwik na hindi malaman kung sino ang uunahin sa aming lahat. "You okay?" Myrtle sounds worried. I just nodded, baka mawala ulit ang utak ko sa laban. Pahina na ng pahina ang Golwik dahil pabagal na ng pabagal ang galaw nito. That's the weakness of a Golwik, slow pacing and little stamina. Tumatama na ang halos lahat ng atake namin pero mababaw lang talaga ang mga iyon. "Way to go!" I stabbed its back at halos magpagewang gewang iyon dahul sa ginawa ko. Dumiretso ako sa lupa at hinampas doon ang aking Poleaxs na nagsanhi ng pagkabitak bitak at pagyanig. Natumba ang umiiyak na Golwik. "Attract it now!" agad nagpakawala ng ray of light and fire ang tatlo pa naming kasama. Natuon doon ang atensyon ng Golwik at mabilis na gumapang papunta sa kanila. Hindi na nito inalintana ang mga sugat na natamo niya, lalo na ang malaking hiwa sa likod nito na hanggang ngayon ay tumutulo. "Hanggang saan ba kami magpapahabol?" tanong ni Teal habang panay ang iwas sa kamay ng Golwik. "Hanggang sa bangin!" mabuti at natanaw ko kanina ang bangin na malapit na sa amin. Tumigil na sa pag atake sila Chammy, mukhang pagod na sila. Muli kong ibinaon ang aking Poleaxe sa Golwik. Malalim ang inabot noon kaya naman nahirapan akong alisin iyon sa katawan ng nilalang na unti unting lumingon sa akin. "Dude!" boses iyon ni Silver. Naramdaman ko na lamang ang aking sarili sa mahigpit na hawak ng isa pang kamay ng Golwik. At sumunod ay ang pagkahulog namin sa bangin. "Flax!" tili ni Myrtle. Ungol ng ungol ang Golwik habang hinihila niya ako at titig na titig sa akin ang mga mata niyang malalaki at pulang pula. Isip Flax! You can't die! Buong lakas kong nahugot ang aking sandata kasabay ang paghigpit ng hawak sa akin ng Golwik. Natatanaw ko na ang aming babagsakan! Hindi pwede. Inihampas ako ang aking Poleaxe sa kanya gamit ang libre kong kamay at tumalsik ako sa ere dahil doon. Nakawala ako! But we need this creature dead. Mabilis akong sumakay sa aking Earth Disc kahit pa nanginginig ang aking buong katawan dahil sa pressure na binigay sa akin ng grip ng pesteng halimaw na ito. Hinabol ko siya at buong lakas kong itinusok sa puso nito na nakalagay sa kanang bahagi ng kanyang dibdib. Kita ko ang pagkahati ng kanyang balat at laman saka tumagos ang aking Poleaxe at tumama sa isang malaking bato sa ibaba. Bumagsak ang Golwik sa mga matutulis na bato, duguan at halos magkalasog lasog na ang katawan dahil sa impact ng pagbagsak nito. Pinuntahan ko ang aking Poleaxe upang kunin ngunit naunahan na ako ni Myr doon. "Kasama ba talaga sa plano mo iyon?" bulong niya at sinalubong ako. Napaluhod na ako sa aking Earth Disc dahil sa panghihina ngunit hindi nakaligtas sa aking peripheral view ang anino ng tila dalawang Elemental. "Did you see it?" mahinang tanong ko kay Myrtle. "See what? Tayo lang ang naririto. Are you having hallucinations? Come on you need treatment." nasira ang aking disc at inalalayan ako ni Myrtle saka kami lumipad paitaas. It can be hallucinations, but it can be not also.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD