Flax Craigen
3rd Person's POV
He's one of the oldest, and it seems hard for him to tie the bond again.
"Wala ba talaga kayong balak na magkaayos?" tanong ni Flax habang kumakain sila.
Tanging pagsiko ni Myr at tikhim ni Chammy ang naging responde sa kanya.
Napabuntong hininga siya.
Siguro ay kailangan ng mga ito ang mahaba haba pang panahon. He can't rush them.
Gaya na lamang ng nararamdaman niya kay Myrtle.
That girl always take his attention. Nababale wala ang mga babaeng nakakafling niya sa tuwing dadaan si Myr, o makakausap niya o kaya ay dadalaw sa kanyang isipan.
He thought it will just go off afterwards but hell he was so wrong, it got deeper.
Napatunayan niya iyon dahil sa lahat ng nakadate niya ay wala siyang niligawan.
Nagpatuloy siya sa pagiging playboy ngunit sa araw na umamin siya sa dalaga ay ititigil na niya iyon. He would stick to Myr no matter what. She's the last obstacle in his game, in his life.
Ang hindi niya lang alam ay kung seryoso din ba si Myrtle sa kanya.
The girl is a player too. Nauna lamang siya ng isang taon bago iyon napansin.
At halos magngingit ang buo niyang sistema sa tuwing nakikita niya ang dalaga na sumasama sa iba.
"What are going to prepare for the snacks?" tanong nito sa kanya.
Ang iba nilang kasama ay natutulog o di kaya ay nagpapahinga sa mga kwartong napili nila.
Malapit na sila sa Waterlus Region at katabi lamang nila ang kumikinang na asul na dagat.
"Wala pa akong maisip. Baka mag ensayo muna ako." iyon ang naging sagot niya.
Sa pakikipaglaban sa Golwik, napansin ni Flax na kulang sa pwersa ang bawat atake niya.
"Can I watch you?" tanong ni Myrtle at tumango na lamang siya.
Ilang matataas at malalapad na bato ang pinalabas ng binatang Gnome at sa isang hampasan sa lupa ay nasira ang mga iyon.
"This isn't enough!" gatil niyang sabi at muling nagpalabas ng isang higanteng istruktura na kawangis ng Golwik.
Tumalon siya ng mataas at humugot ng pwersa bago tumama sa bato ang kanyang Poleaxe.
Tumagos iyon, mabilis at pababa hanggang sa nahati iyon sa gitna.
"Perfect!" napalingon siya kay Myrtle na malaki ang ngiti at nakatayo.
Nagkatinginan sila sandali at nag iwas ng tingin ang dalaga sa kanya.
He's wondering, paano nga ba naging playboy ang noon ay mukhang nerd na si Myrtle?
Lagi lamang namang may hawak na libro ang dalaga pero a year after niyang umpisahan ang pakikipagdate sa iba't ibang babae ay naging playgirl na rin ito.
Mahilig pa rin naman si Myr sa libro ngunit mukhang naging hilig na rin ang mga lalake.
Napailing siya sa naisip.
She's insisting that their relationship will be temporary but he can see himself being with her for a never ending time.
"Are you cheering for me?" lumabas ang isang ngisi sa mukha ni Flax at umirap si Myrtle.
"Uh, don't be so assuming Flax." akmang aalis ang dalaga ngunit agad gumawa ng harang si Flax upang pigilan ito.
Inilabas naman ni Myr ang kanyang sandata at mabilis na nahawi ang mga bato sa harapan niya.
"We're still talking." niyakap ng binata mula sa likuran si Myrtle.
"Bi....tawan mo a...ko." napangisi si Flax sa sinabi ng dalaga.
"Why are you stuttering? And besides I'm your boyfriend so I'm allowed to do this." mas inilapit ng binata ang kanyang labi sa tenga ng dalaga.
"Makikita nila tayo!" ani Myrtle.
"So? Nothing's wrong with this." pinadausdos ni Flax ang kanyang kamay paibaba sa bewang ni Myrtle at iniharap niya ito sa kanya
"Ugh! I'm done playing with you! You're no fun at all!" tinulak ng malakas ni Myr ang nagulat na si Flax at mabilis itong naglakad papasok sa bahay.
Masakit. Laro lamang pala talaga ito para sa dalaga.
Naglakad rin palayo si Flax ngunit isang Siren ang kanyang namataan.
"Oh sht." mas lumakas ang pagkanta nito at alam ni Flax ang maaaring maidulot nito sa kanya.
Mula sa buhangin ay nagform siya ng dalawang maliit na bilog upang takpan ang kanyang mga tenga.
"Flax! Wag kang lalapit sa kanya!" hindi tatablan si Myrtle sapagkat parehas silang babae ng Siren.
This is his last shot. Kapag wala pa rin ay susuko na siya.
"You're done playing with me? So am I too." pinilit niyang maging seryoso at hindi maaawa sa naging reaction ni Myr.
May pag-asa siya, takot lamang siguro ito na masaktan.
Naglakad siya sa Siren na nakangisi at pula ang mga mata. Inaakala nitong nahulog na ang binata sa patibong.
"Flax!" sinampal siya ni Myrtle. Paiyak na ito.
Gustuhin man niyang yakapin ito bigla ay hindi niya ginawa.
Kaunting tulak pa.
"I love you okay? Mula pa noon! Nagpakaplay girl ako para malaman iyang laro mo! Para kahit papano kapag ako na ang biktima mo, makakabangon pa rin ako!" nagsimula ng tumulo ang mga luha ng dalaga at napahinto si Flax.
"I copied you! Para pag ako na ang napansin mo uunahan na kita sa plano mo! Imbis na ako ang masaktan ay ikaw na lamang ang sasaktan ko!" pagpapatuloy ng dalaga.
Napaupo na ito sa buhangin at taas baba ang mga balikat.
Hindi man malakas ang lahat dahil sa takip ng kanyang mga tenga, malinaw naman sa binata ang sinabi ni Myrtle.
Mahal siya nito.
Hindi na natiis pa ni Flax ang sitwasyon at niyakap si Myrtle.
"Mahal din kita Myrtle." mas humigpit ang yakap niya.
"I told you, I can see my love for you permanently. Please start believing in me." napatingala sa kanya si Myrtle ngunit agad napatili ng may tumusok sa balikat ng binata.
Isang malamig at mahabang sibat.
Napalingon sila sa galit na galit na Siren.
Sumigaw ito ng malakas at nagpatama ng isang malaking Water Ball at tumalsik si Myrtle sa may kalayuan.
"Myr!" pupuntahan sana ni Flax ang dalaga ngunit pinigilan siya ng Siren.
Lumingkis ito sa kanya at dinilaan ang kanyang leeg.
Nangilabot siya.
Pasimple niyang itinaas ang kanyang Polaxe at nasugatan niya ang braso at hita ng creature na nakakapit sa kanya.
Napasigaw iyon ng malakas at agad na pumunta sa tubig.
Nagpaulan si Flax ng maraming Earth Spears upang mas masaktan ang Siren.
Aalis na sana siya ng hindi na muling nagpakita ang nilalang na iyon ngunit napadapa siya dahil may tali palang naikabit sa kanya ang Siren!
Muli iyong lumitae at hinihila siya nito hanggang sa makarating siya sa mababaw na bahagi ng dagat.
"Myr! Dyan ka lang!" napansin ni Flax na mas nanlisik ang mga mata ng Siren.
Nilingon niya sandali ang babaeng Sylph na nakaupo sa sahig at nakahawak sa paanan nito.
Mukha na sprain siya!
He wants the Siren desd now! And to do so he needs to cut off her tail!
Ibinato niya ang kanyang Poleaxe paitaas at agad hinawakan ang magkabilang pisngi ng Siren.
Unti unti lumambot ang itsura ng Siren.
Nandidiri man, ay inilapit ng binata ang kanyang mukha sa Siren.
Napapikit ang nilalang at hinintay na dumapo ang labi ng binata sa kanyang labi.
Subalit bago pa man mangyari ang inaasahan ng nilalang na iyon ay tumama na ang sandata ni Flax sa buntot ng Siren.
Nayanig ang parte ng dagat na iyon at naramdaman iyon ni Flax.
Lumakas ang bawat atake niya!
Napahiga ang Siren sa buhangin sa ilalim ng mababaw na parte ng dagat habang nangingisay at humalo ang dugo nito sa tubig alat. Maging ang mga laman mula sa katawan nito ay nadala ng alon.
Itinusok pa ni Flax ang sandata niya sa ulo ng Siren upang masigurong patay na talaga ito.
Agad siyang tumakbo patungo kay Myrtle at lumuhod upang buhatin ito.
"I thought you're already under the Siren's power." mahinang saad ni Myr.
Inalis ni Flax ang pinangharang niya sa kanyang mga tenga at hinampas siya ng Myrtle.
"So you're acting?!" galit ang tono nito ngunit bago pa man ito tuluyang may masabing iba pa ay inangkin na ni Flax ang malambot labi ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Myrtle ngunit hindi na siya nakapalag sa ginawa ni Flax.
"But this isn't an act anymore. Be serious with me and I'll be only yours Myr." tumitig ang binata matapos ang halikan nila ng Myrtle
Namumula man dahil sa hiya ay tumango ang dalaga bilang tugon.
Nakangising bumalik sa bahay si Flax at nakasalubong nila si Chammy na sinusundan ni Azure.
"What happened?" tanong ni Chammy.
"One of the best moment in my life." buong sayang tugon ni Flax at nakunot ang noo ni Chammy.
Si Azure naman ay ngumisi sa binata.
"Ugh, wag mo siyang intindihin. May Siren na nakapasok kanina dahil nagkabutas iyong shield." mas lalong nag alala si Chammy sa kanya narinig.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni Azure.
"More than okay dude." ngumisi rin si Flax at tila ba nagkaunawaan ang dalawang binata.
"Come on Ast, I'll accompany you while fixing the hole." hinawakan ni Azure ang kamay ni Chammy at saka ito hinila palabas ng bahay.
Nagkatinginan muli sila Flax at Myrtle bago hinalikan ng binata ang noo ng babaeng Sylph.
"Maybe I should teach you more complicated meals, after all you're going to be my wife." hindi na napigilan ni Flax ang paghalakhak ng mamula ng labis ang mukha ni Myrtle.