TOM - 26

1485 Words
Beautiful Kramaid Champagne's POV Mula sa bintana ng kwartong pinagsasaluhan namin ni Carlie ay natatanaw ko na ang papasikat na araw. Gaya ng dati ay pula pa rin ang kalangitan ngunit ngayon ay napupuno na ang pag-asa ang aking isipan. "Two more regions after this." sambit ko habang nakatitig sa Corbisla na nasa likuran ng trinket ni Mauve. Nadatnan ko sa ibaba sila Flax at Myrtle na nagluluto. "Good morning Chammy!" nakangiting bati sa akin ni Flax. He seems to be in a good mood. Hindi nakaligtas sa akin ang paghahawakan ng mga kamay nila kaya naman natawa ako at napapitlag si Myrtle. "Sorry! Didn't mean to bother!" tumakbo ako at sinilip kung naayos ko ba iyong butas sa shield. "Kung naiiinggit ka sa kanila, hold my hand instead. Hindi iyong nanggugulo ka sa dalawang iyon." napalingon ako kay Azure na nakangisi sa akin. I felt those effin flying creatures in my stomach that I immediately decided to jump and get rid of them. "You're crazy but cute." bago pa ako mahawakan ni Azure ay nagtatakbo ulit ako paakyat. Natigil ako ng marinig ang kalabog sa loob ng kwarto at narinig ko ang boses ng aking pinsan. "It's always been Silver! That Silver Ereth who only caused you pain! You're too focused on him that you can't even notice me! I'm always here for you, since then! I'm always waiting for my time cause I'm so ready to catch you! But heck you never give me the chance Scarlet!" bumukas ang pinto at lumabas doon ang namumulang si Teal. Dali dali akong pumasok sa loob at niyakap ang luhaang si Carlie. "Shhhhh you'll get through this okay?" naramdaman ko ang marahan niyang pagtango. Matapos naming kumain ay nagpahinga kami agad saka nagpasyang lumusong sa Waterlus Region. Si Teal na walang imik ay nasa malapit sa amin ni Carlie habang si Silver ay nasa kabilang dulo ng aming grupo. I really wonder if these two can fix their friendship. Bawat isa sa amin ay nasa loob ng Air Bubble na ginawa ni Myrtle. Saka ko iyon nilagyan ng Black Shield upang mapagtibay habang si Teal at Silver ang nagbigay sa amin ng Light Torch upang magsilbing ilaw. We are going deeper. Excited ako dahil kadiliman ang naroroon, gaya ng kapangyarihan ko. "Welcome to Hanashien Trench." iyon ang saad ni Azure. Iilang Glolly Fish ang nakikita namin doon na agad ring nagsialisan ng makalapit kami ng tuluyan sa kanila. *(Glolly Fish - Glowing Jelly Fish)* "Saan ka pupunta Silver?" tanong ni Bubblegum. Napalingon ako at napansin ang paglayo ni Silv sa aming pangkat. "Uy magandang babae!" puna ni Flax at nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Myrtle. "Guys, we need to back off." halata ko ang kaba sa salita ni Azure. "Silver layo!" hihilahin sana ni Bubble si Silver ngunit nahuli siya. Nasilayan ng aking mga mata ang isang babaeng maganda, maputi, may maalon at mahabang kulay itim na buhok. Nakangiti ito sa amin ngunit bigla akong napatili ng mapansin ang higanteng galamay na unti unting pumupulupot sa Air Bubble ni Silver. Mula sa dilim na nasa likuran ni Silver ay lumabas ang isang nakakatakot na nilalang! Hindi ko inakalang ganito ito kalaki! Kung sa mga kwento ay nakakatakot ito, mas nakakagimbal itong makita sa malapitan! Isa iyong malaking halimaw na nakatira sa kailaliman ng dagat. May patulis na ulo at mahahaba at maraming mga galamay. Ang pinaka ulo nito ay mayroong nakadikit na kalahating katawan ng tao sa likod. Ito ang nagsisilbing utak at puso ng halimaw na nasa harapan namin. Ito ang tinatawag naming Kramaid. Sinira si Azure sa kanyang Air Bubble at inilabas ang kanyang Undine's Tail. Mabilis siyang lumangoy at ibinato nito ang kanyang Ripple Edges ngunit naisubo na ng Kramaid si Silver ng buong buo. "Sht!" usal ni Azure at nagmamadaling sinugod ang Kramaid. "Hayaan mo na sila Carlie! You can't use your power here!" narinig ko ang sigaw Teal. "Then what? Manonood lang tayo?!" inis na tanong nito. "We'll protect them from other creatures. Ikaw ang magiging mata ko." walang nagawa si Carlie kundi ang sumunod na lamang. Isa isa na kaming sunugod sa Kramaid. Sa sobrang laki nito, halos hindi ko na makita minsan ang mga kasama ko. Pinahaba ko ang aking Scepter at tinusok ang kanang mata ng Kramaid. Kinuha ko ang tyempong iyon ng masugutan ni Myr ang isang galamay nito. Sinundan ni Azure ang aking atake at natapyasan niya ang mukha ng Kramaid. "You can't beat me fools!" nakakakilabot ang boses na iyon. Humarap sa amin iyong kalahating babae sa likurang ulo ng Kramaid. Nanlilisik ang mga mata nito. Sinubukang hatiin ni Flax ang kalahating babae subalit nakaiwas iyon at sa isang iglap ay napalibutan narin ng galamay. Bago pa makalabas sa Air Bubble si Flax ay nakain na rin siya ng Kremaid. "Flax!" sumugod si Myrtle ngunit maging siya rin ay nakain na! Halos mapatili ako ng sa Air Bubble ko na kumapit ang galamay ng Kramaid. Nagpakawala ako ng maraming Black Aura Balls ngunit hindi natinag ang Kramaid. Ang sumunod na eksena ay nakita ko na lamang ang aking sarili na napalibutan rin ng galamay at unti unting papasok sa bunganga ng Kramaid! Azure's POV "Astrid!" hindi ko naabutan si Astrid. Dammit! If I can't save her how can I show her that I really love her? Dahil sa inis ay naramdaman ko ang paglabas ng aking aura. Sumugod ako kasabay ni Teal at nagawa naming mabigyan ng maraming sugat ang Kramaid. Carlie's near us to give more light dahil kapag si Teal ang gumawa noon ay baka kapusin siya sa lakas. "Aaaaaah!" humampas ang isa pang galamay ng Kramaid kay Carlie at tumalsik siya. Inatake kong muli ang Kramaid habang si Teal ay dinaluhan si Carlie. Isa malaking Waternado ang pinakawalan ko subalit kauti lamang ang epekto noon sa Kramaid. I need to chop off that half human on its back! "Crap!" nakain na rin sila Teal at Carlie. Now I'm all alone. I need to save them, especially Astrid. Mula sa mga kamay ko ay lumabas ang maninipis na tubig na unti unti ay nagpopormang kadena. Panay ang iwas ko sa atake ng Kramaid habang ginagawa ko iyon. Natapos ko ang Water Chain at agad ko iyong ikinabit sa aking Ripple Edges. Lumangoy ako paikot sa Kramaid ng mabilis saka ko ibinato ang ang sandata. Sa ilang sandali lamang ay napalibutan ng aking kadena ang Kramaid. Nagwawala ito at nakatitig ng masama sa akin. Humarap muli sa akin iyong kalahating babae at hindi na siya nakangisi. Wala na akong mabasang ekspresyon sa kanya! Iniangat niya ang kanyang kamay at bigla na lamang nagpaulan ng Air Balls! Crappy sht! Kramaid can use the power of its food! Nalintikan na! Unti unti na nitong nakukuha ang mana at kapangyarihan ng nga kasama ko! Sumunod na atake niya ang malalaking Earth Rocks at natamaan ako ng mga iyon. "Aaah!" sigae ko ng tamaan ng isang Light Spear sa aking likuran! Ginagalit talaga ako ng isang ito! Mas hinigpitan ko ang aking Water Chain na nakapalibot sa Kramaid. Hindi ko na inalintana ang sariwa kong sugat at ang dugo kong humahalo sa tubig. Kahit pa humahapdi iyon dahil sa alat ay wala na akong pakialam. Ng hindi na makakilos ang Kramaid ay agad akong lumangoy patungo sa kalahating babae. Mas naging pula ang mga mata nito at agad akong gumawa ng Water Sword upang mapatay siya. "Nah uh." ngumisi siya na nagdulot ng kilabot sa akin. "Fvck!" isang galamay nito ang tumama sa akin at tumalsik ako! Ang sakit ng kalamanan ko! Tumama pa ako sa isang malaking coral reef! Papatayin ko na talaga ito eh! Kahit papano ay nagawa ko pa ulit na lumangoy at kinuha ko ang aking Ripple Edges. Pinagtali ko ang dalawang dulo ng chain ng mas mahigpit. Binalingan ko ang galamay nito na libreng nakakagalaw, iyong tumama sa akin. Humugot ako ng malakas ng bwelo saka ko iyon hinampas at pinutol! Finally! Sumigaw ang Kramaid sa sakit dahil this time, nawalan na siya ng isang parte ng kanyang katawan. Nagpakawala muli ng mga atake ang kalahating babae, isang malaking Tidal Attack. Napakalawing wave ang nanggaling sa halimaw na iyon. Subalit agad kong pinaikot ang aking sandata upang maging pananggalang. At ang mas nakakamangha ay ang sinabi ng Infinitius na kaya nitong higupin ang anumang fluid matter. Lumiwanag ng todo ang aking Ripple Edges at naramdaman ko ang malakas na pwersang nais kumawala mula doon. Itinapat ko iyon sa Kramaid at biglang lumabas ang isang Water Beam na tumama sa Kramaid! Tumama iyon sa dibdib niya at napaatras iyon ng malayo! Tinungo ko agad ang babae at pinadaan sa katawan niya ang umiikot kong Ripple Edge. Kung hindi ko iyon gagawin ay magreregenerate lamang ang Kramaid at mabubuoong muli ang katawan niya! "Akkkkk!" daing niya at kitang kita ko ang sakit sa kanyang itsura pero wala akong choice. It will always be Astrid over everything. Tumalsik ang mga dugo at laman nito at saka ko pinadausdos ang aking sandata sa sikmura ng halimaw. Kailangan ko na silang maialis doon bago pa sila mawalan ng lakas at bago pa ako tuluyang manghina. Ilang ulit kong pinadaan doon ang aking Ripple Edge. Sa huling pagtama ng aking sandata ay nawala na rin ang aking tail. Hindi ko na iyon pinansin dahil nasilayan ko na ang aking mga kasama. "Sabi sa inyo eh!" boses iyon ni Flax. "Nice bro!" sabat ni Silver. Pero bakit tila wala siya? Hindi ba siya natutuwang nailigtas ko sila. O baka naman sugutan siya?! Nahuli ba ako ng dating?! Agad hinanap na aking pumupungay na mga mata si Astrid. Hindi ko malaman kung dahil ba sa panghihina kaya hindi ko siya matagpuan. I wanna see her face, I wanna know if she's alright. "It's you who always protects me, now let me save you." bago tuluyang magdilim ang mga paningin ko ay naramdaman kong niyakap ako ni Astrid at lumangoy siya ng mabilis paalis ng Hanashien Trench.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD