Catley POV " Anak nandito si Akio gusto ka daw nyang makausap." si Nanay. Nakauwi na ako dito sa Isla, halos isang buwan na rin na pumupunta araw-araw dito si Akio para bisitahin daw ako at makausap. Ang balita ko ay sya ang nakabili sa malapit na Isla dito sa amin. Hindi pa ako handang makausap sya kaya palagi akong tumatanggi kahit na nakiusap sa akin si Nanay na kausapin ko na sya. Alam kong alam nya na rin ang tungkol sa kambal naming anak. Baka yun ang dahilan kung bakit gusto nya akong makausap. Bulag ako kaya mas malakas ang laban nyang makuha ang mga anak namin. Sa tuwing naiisip ko yun mas lalo akong nanghihina. Wala n syang karapatan sa mga anak ko. " Nanay paalisin nyo na sya." sambit ko. Wala namang nagawa si nanay kundi iwan ako sa kwarto at puntahan si Akio. I'm totally bli

