Catley POV " Nanay sorry di ko po sinasadya. Kamusta na po si Akio?" Tatlong araw na pero ang huling balita ko sa kanya ay sinugod sya sa Hospital at nawalan ng malay dahil sa ginawa ko. " Anak wag mo na syang isipin. Di ba galit ka sa kanya? Nag-aalala ka ba sa kalagayan nya?" Tanong ni Nanay. Alam kong masama rin ang loob nya sa akin. Di naman ako masamang tao para maka sakit ng iba pero dahil sa galit ko halos ma patay ko na si Akio. " Nag-aalala po ako nanay." mangiyak ngiyak na sabi ko. Na guiguilty ako sa nangyari. Nawala bigla ang galit ko sa kanya, napalitan ito ng awa at pag-aalala. Sino kaya ang nagbabantay sa kanya sa hospital? Wala na syang magulang, wala rin syang kamag-anak dahil tinakwil sya ng mga ito. Ang tanging kasa-kasama nya lang noon ay sina Troy at Vincent pero a

