CHAPTER 17 ARZIEL’S POV Mainit ang sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kusina. Pero hindi ‘yon ang dahilan kung bakit mainit ang pakiramdam ko ngayon. Nakahilig ako sa balikat ni Gideon habang kumakain kami ng agahan. Pancake at kape—simple, pero ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito sa umaga. "Naalala mo 'yung science project mo noong Grade 5? ‘Yung bulkan na sumabog sa loob ng sala?" natatawa niyang sabi habang inabot ang syrup para sa pancake. “Excuse me, sinadya ko ‘yon para makita mo kung gaano ako katalino,” sabi ko habang nakapamewang. “Ah gano’n? So sinadya mo rin bang basagin 'yung vase ni Mama para mapagalitan tayo pareho?” Napatawa ako, malakas, at napapikit pa. “Hindi ko sinasadya ‘yon, pramis. Tapos pinagtakpan mo pa ‘ko, kahit alam mong ikaw ang mas galit n

