CHAPTER 28 ARZIEL POV Hindi ko akalaing darating ang araw na ganito kami—malaya, masaya, walang takot, walang iniisip na ibang tao o lihim na kailangang itago. Nasa gitna kami ng resort garden habang nakahiga sa duyan, si Gideon nakaupo sa tabi ko at nilalaro ang mga hibla ng buhok ko. May hawak siyang malamig na coconut juice habang ako nama’y pinagmamasdan lang ang langit na bughaw na bughaw, parang sumasalamin sa katahimikan ng puso ko. “Ang tahimik dito, no?” bulong ko. “Mm-hmm,” sagot niya, sabay sandal at pinikit ang mga mata. “Tahimik... tulad ng pag-ibig ko sa’yo. Tahimik pero malalim.” Napangiti ako at marahang sinuntok ang braso niya. “Ang corny mo talaga.” “Pero kinilig ka, amin na.” Tatawa na sana ako nang biglang tumunog ang speaker ng resort—isang mellow na kanta, per

