CHAPTER 4
ARZIEL'S POV
Matapos ang nangyari sa kusina, nagpaalam si Kuya Gideon na aalis muna para mag-gym. Ako naman, umakyat pabalik sa kwarto at humilata sa kama. Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si Marianne—ang kaibigan kong bigla na lang gusto sumali sa Hilarious Flower Organization. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ng babaeng 'yon at pinili ang grupo na ayon sa kanya ay "makakatulong daw para matutunan niyang kontrolin ang emosyon, tumibay, at maging mas malakas na babae at higit sa lahat para mahanap Ang kakambal niya."
Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.
“Hello, Arziel!” masiglang bati niya. “Ano? Sasamahan mo ba ako pumasok at magtraining sa Hilarious Flower Organization?” agad na bungad niyang tanong.
Napairap na lang ako. Walang palya—tuwing tatawag ako sa kaniya, HFO agad ang bukambibig.
“Pinag-iisipan ko pa,” kunwaring sagot ko. Pero ang totoo, ni hindi ko iniisip na pumasok sa Organizationg samahan na 'yan.
“Wag mong sabihing tumawag ka para mag-kwento na naman tungkol kay Kuya mo?”
“Exactly. May point ako, kaya wag mo muna isingit 'yang organization na 'yan,” sabi ko, sabay buntong-hininga.
“Wala namang bago, delulu ka pa rin.”
“Hoy, bruha ka! Hindi ako delulu, no!” depensa ko agad.
“Sus, deny ka pa.”
“Hindi nga talaga!” sabay upo ko sa kama, parang bigla akong naasar sa tono niya.
“So ano ngang chika? Nahalata ka na ba ni Kuya Gideon?”
“Umm… ewan. Pero may sinabi siya nong nakaraan araw na nagpa-isip sa’kin kung bilang kapatid lang ba ang tingin niya sa’kin... o higit pa doon.”
“AS IF naman!” sabay tawa ni Marianne. “Na magustuhan ka ng kuya mo? Girl, kapatid ka niya. Minsan ang boba mo din.”
Parang may humigop sa hangin sa paligid ko. Ang gaan-gaan ng tono niya, pero ang bigat ng dating. Masakit. Parang bigla na lang akong binalikan ng katotohanan—na baka nga ako lang ang nakakaramdam ng ganito, at si Kuya... baka wala siyang alam, at wala siyang balak na malaman.
“Na-hurt ka na naman, 'no? Hindi ka na makasalita,” pang-aasar pa ni Marianne.
“Hindi naman,” pilit kong sagot. “Tingin ko may gusto rin si Kuya. Tinatago niya lang. Kasi nga… kapatid niya ako.”
“Delulu ka na talaga, girl. Pero alam mo, para mawala na 'yang nararamdaman mong ‘yan, sumali ka na lang tayo sa organization nila Christina at least magkakasama pa tayo, Diba exciting yon. Sabi ko naman sa’yo, malaking benefits nito. Lalo na sa tulad mong hopeless romantic.”
“Naku, Marianne... wala akong hilig sa ganyan. Saka na siguro. Pag-iisipan ko pa,” sagot ko, kahit alam kong wala talaga akong balak.
Ngunit kahit paano, hindi ko maitanggi—sa dami ng tanong sa puso ko, baka kailangan ko nga ng kahit kaunting sagot… o kahit distraction man lang.
Pagkababa ko ng tawag, napabuntong-hininga ako. Tiningnan ko ang kisame habang nakahiga sa kama, pilit iniintindi kung bakit ba hindi ko kayang bitawan ang nararamdaman ko para kay Kuya Gideon. Sa dami ng pwedeng mahalin, bakit siya pa?
Biglang may kumatok sa pintuan.
Tok. Tok. Tok.
“Arziel, baba ka muna. Nagpadeliver ako ng brunch, baka gusto mo,” sigaw ni Kuya mula sa labas.
Agad akong bumangon. Bahagyang kumabog ang dibdib ko—hindi dahil sa pagkain, kundi dahil sa boses niya.
Pagbaba ko, naka-ayos na ang mesa. May croissant, scrambled eggs, at dalawang tasa ng kape. Naka-tank top pa rin siya at bagong ligo, basang-basa ang buhok. Inilagay niya ang isang tasa sa harapan ko.
“Alam kong late ka nag-breakfast pag weekend. Kaya sinabay na kita,” sabi niya, sabay ngiti.
Napaupo ako. “Wow, thanks. Bihira ka mag-effort ng ganito.”
“Special occasion,” sagot niya.
Napakunot ang noo ko. “Anong okasyon?”
“Wala lang. Gusto ko lang… mapasaya ka ngayong araw,” sagot niya, habang nakatitig sa akin.
Boom.
Gusto ko man pigilan, hindi ko kayang itanggi—unti-unti na naman akong lumulubog. At mas mahirap nang makawala.
Hindi ako makapagsalita. Napatitig lang ako sa kanya habang tahimik niyang inaayos ang kutsilyo’t tinidor sa gilid ng plato. Parang normal lang ang lahat sa kanya, pero sa puso ko, may kumakalabog na hindi ko mapigilan.
“Wala lang. Gusto ko lang… mapasaya ka ngayong araw,” ulit niya, at sa pagkakataong 'yon, para akong nalusaw.
“Ah... okay,” mahina kong sagot, sabay lagay ng asukal sa kape para hindi niya mahalata ang pagkalito ko.
Tahimik kaming kumain. Hindi awkward, pero may tension sa pagitan namin na parang parehong hindi namin alam kung saan ilalagay. Napapatingin siya minsan, ako naman, kunwaring abala sa pagkain.
Hanggang sa biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Napatingin siya rito, agad na kinuha at sinagot.
“Hello? Oh, hey! Ikaw pala ‘to… Yeah, yeah, nasa bahay ako ngayon. Sige, punta ka na lang dito.”
Nagpalit ang tono ng boses niya—naging mas magaan, mas masigla.
“Okay, see you.”
Pagkababa niya ng tawag, agad siyang tumingin sa akin. “Arz, may darating akong bisita. Kaibigan ko sa gym, si Lea. Baka dito na rin siya mag-lunch.”
Para akong sinabuyan ng malamig na tubig.
“Ah, okay… kaibigan?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang tono ko.
“Yeah. Actually… matagal na rin naming kakilala ang isa’t isa. Nagkakasabay lang ulit recently. Mabait siya,” sagot niya, habang nag-aayos ng mga tasa sa lababo.
Tumango lang ako. Pero sa loob-loob ko, nagsimula na namang gumulo ang damdamin ko.
Kaibigan? Talaga lang? O baka… babae na pinaplanong ilapit sa kanya?
At kung sakali man... anong karapatan kong magselos? Eh kapatid lang naman ako, ‘di ba?
Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Marianne. “As if naman na magustuhan ka ng kuya mo. Minsan shunga ka rin.” Masakit, pero baka totoo.
“Gusto mo bang samahan ako sa grocery mamaya?” tanong ni Kuya, habang pinupunasan ang mesa.
Tumingin ako sa kanya, medyo natigilan.
“Ah, hindi na siguro. May kailangan akong tapusin sa laptop,” palusot ko, kahit wala naman talaga.
Tumango siya. “Sige. Text na lang kita pag nakaalis na si Lea.”
Bigla akong tumayo. “Kuya, salamat sa brunch. Masarap ‘to. Nakakagaan ng pakiramdam.”
Ngumiti siya, pero para sa akin, may halong lungkot iyon. “Basta para sa’yo, laging may oras.”
Tumalikod ako agad. Ayokong makita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga kami. Pero ang sigurado ko, ayokong makitang mahalin niya ang iba habang ako, heto—pilit kinakalimutan ang damdaming hindi dapat.