"Furies Club" mahinang sambit ko nung umangat ako sa taas ng bar na sinabi nga nung driver na isa sa pinakasikat at pinupuntahan daw talaga ng mga taong ka-edad ko lang. I scan around at marami nga akong nakikitang naglalambingan sa kahit saang sulok and when I say naglalambingan alam niyo na kung ano kasunod nung salitang yun. Nasa labas pa nga lang ako ganito na yung mga eksenang nasaksihan ko, ano pa kaya kung tuluyan natalaga akong makapasok sa loob ng club na'to.
Habang dumadaan ako sa maliit na hallway dahil sa madaming nakatambay at sobrang dilim dahil kakaunti lang yung ilaw at patay sindi pa, marami akong eksenang nasubaybayan. May mga naghahalikan, naninigarilyo, sumasayaw kahit wala naman sa tamang lugar, may mga sadyag lasing na talaga, at nagsisigawan na sa tingin ko ay mukhang nag-aaway na.
"Aabangan kita dude!"
"Anu ba! Tama na nga yan!"
"Pwede ba?! Umalis ka na!"
"Go lang! Kaya mo yan!"
"Dare lang naman to ah!"
"Ewan ko sayo!"
"Bruha talaga kayo!"
Sari-saring usapan ang narinig ko kaya wala talaga akong maintindihan. Kanya-kanyang topic kasi yung bawat grupo. Yung iba parang naglalaro ata, yung iba nag-babangayan, yung iba basta, nandito na ata lahat kaya siguro madalas puntahan. Wala atang bawal sa lugar na'to, naku-curios nga ako kung pwede bang pumatay ng tao dito dahil mukhang lahat sila dito walang pakialam at busy sa kanya-kanyang buhay.
I'm not new with this kind of environment, nasanay rin ako ng ganito sa States yung mga scenario. Walang pinagkaiba but maybe yung language lang na gamit yung iba doon. My smile widened when I finally inside welcomed by neon lights. Now I know why a lot of them wants to be here, explanations are in the atmosphere already.
I was about to step in when two girls blocked my way. They looked at my wholeness na para bang sinusukat yung kagandahan ko. Tiningnan ko rin sila pabalik, sinusungat kung gaano sila kapangit. Even make ups won't make them pretty, a piece of clothes didn't made them sexy. Nakakasuka silang panuorin! Kahit na maghubad pa ata itong dalawang kutong lupa na'to wala pa rin sila sa kaseksihan ko.
"Excuse me?" I raised my brow when I said that two words.
"Oops girl, ine-englishan kah. It looks like bagong salta itong isang to." Pabalik-balik yung tingin niya sa mukha at katawan ko. For sure, naiinggit lang ang isang ito, palibhasa wala siyang curves.
"Didn't you know kung anong ginagawa sa mga bagu pa lamang sa lugar na'to?" Sabi naman nung isa na akala mo nananakot.
"Bago pa nga so malamang hindi pa. But in addition to that..." I trailed off first bago tiningnan yung paligid namin. Bumalik yung tingin ko sa dalawang babae na'to bago nagsalita ulit. " The place was new but the atmosphere wasn't." I smiled bago ko sila dinaanan.
"At saan ka pupunta?"
"Sinong nagsabi sayong welcome ka na agad dito? You'll suffer first dahil sinasagot mo kami." Nanggangalaiting sigaw ng isa sa kanila kaya narinig ko pa rin kahit malakas yung sound.
"Don't. Masyado nakayong nag-effort para sa akin kanina. Hinarangan niyo pa ako, sinayang niyo pang laway niyo pero natalbugan ko pa rin kayo sa beauty niyo. Tanggap-tanghap girls. Now welcome na ba ako?" Open arms na tugon ko. Instead na malulutong na salita yung dapat na marinig ko ay malutong na sampal yung naramdaman ko dahil sinugod na ako ng isa.
Dalawang mala-chitcharong sampal rin ang ipinabaon ko pabalik sa isa. Si pusit naman, susugurin na rin sana ako nung mas naunahan ko pa yung kamay niya at naitulak ko siya ng malakas. Hindi ko namalayang marami na rin pala kaming avid fans na nanunuod.
Napatingin ako kay pusit kung saan siya nilipad ng pagkakatulak ko sa kanya. Natabig niya pala yung lalaking may dala-dalang wine kaya napunta sa t-shirt nito na ngayon ay basang-basa na. I expect na magagalit yung lalaki sa kanya but instead I heard the otherwise.
"Who did pushed you?" I know he is gretting his teeth when he said those lines. Wait? Kasalanan ko pa ngayon? Yung babaeng yun yung lalampa-lampa kaya nabasa siya at hindi ako! Ang bobo naman niya!
I saw fire in his eyes nung nagtama yung tingin namin nung lalaki. Did he think na madadaan niya lang ako sa killer eyes niya? Sinu siya? Si Sakuragi? I was about to spoke when he dragged me out from the club then pumasok kami sa parang eskinita na nasa gilid ng building ng bar. Konting ingay na lang ang maririnig mo mula dito kaya pwede ka nang di mag-effort na sumigaw pa para magkarinigan kayo ng kausap mo.
"Anu ba! Bitawan mo nga ako! I don't know at kung saan-saan lang dumapo yung kamay mo!" Naiinis na sabi ko nung binitawan na niya ako saka ko kinuha yung alcohol mula sa bag ko.
"Don't act like you're too clean. And hindi ako humahawak kung kani-kanino lang." Hindi daw, hinawakan niya nga ako. Ang bobo talaga.
"That's great, I just thought baka may bacteria ka at mahawa pa ako. Mabuti nang sigurado." I smirked.
"Don't dare to change the topic, I know what you are trying to do. I can't forget that you made a scene at dahil dun nabasa mo ako. You know what? This shirt cost much than your life." Napaawang yung baba ko dahil sa narinig kong sabi niya. How dare he! Ang kapal!
"Excuse me? Kapal mo rin ano? I can pay you, I'm as well a fortunate."
"No need. And plus, huwag ka na ulit bumalik dito, nakakasira ka lang ng gabi. Nakakabad mood ka. Panira talaga." Sabi pa niya na may bahid na inis, galit at ewan ko ba. Madali lang mag-init ang ulo ko kapag ako nayung iniipit nila, so without a clue sinampal ko siya katulad ng ginawa kong malachitcharon kanina sa babae.
"Ahh! Anu ba!" I shouted nung kinuha niya yung braso ko tsaka inikot ito dahilan para sumigaw ako sa sobrang sakit. Bakla ba siya? Pumapatol kasi siya sa babae.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka iiyak sa sakit. You know what? I could kill you here right now. No one dares to slap me before." Sabi niya na nasa galit na tono.
"My pleasure. There's always first time for everything. And I'm not no one-- ahh!" Napasigaw na naman ako sa sobrang sakit na pagkakahawak niya sa braso ko. I know, I am near to crying but I won't let him see me in that situation. Never!
"Aray!" I groaned into pain nung mas nilakasan pa niya yung pag-ikot sa braso ko but kasabay nun ang narinig kong tunog na sa palagay ko ay mula sa patrol car.
"f**k!" He hissed then let go of me. Pababalabas na sana siya ng eskinita when we saw a police coming towards us. Kinabahan ako at baka madamay pa ako sa rade na'to. s**t! Anong gagawin ko ngayon. I looked at him then an idea hit me para magmukha akong biktima. I was born having no hearts.
"You're arrested dahil nandito kayo sa club na ito. You know it's illegal. Wala itong permit." I cried when I heard what one of the police man said. I must be a good actress.
"Please help me, he almost raped me." Pagmamakaawa na sabi ko habang tinuturo pa yung lalaki. Ito lang yung tanging ideya na naisip ko para hindi ako madamay dito, magpapanggap na lang akong biktima.
"What?! No! Hindi ko papatulan yang babaeng yan!" sigaw pa niya nung pinusasan na siya at dinala ng pulis while me ay tinulungan akong akayin nung pulis na babae. I am still crying dapat lang yun sa kanya. Makakapag-pyansa naman ata yun, marami naman ata siyang pera.