Masakit pa yung mata ko pero pilit ko pa rin itong idinilat. Kasabay ng pagmulat sa aking dalawang mata ay ang pagbalik na namang ng mga ala-ala sa aking isipan. Iyon ay ang mga ala-alang nangyari kagabi. Tumatatak pa rin hanggang ngayon ang sinabi ni Mommy. Hindi ko nga alam kung ina ko ba talaga siya. O gusto ko pa siyang tawaging ina. Unti-unti ko na sanang binubukas ang puso ko para sa pagpapahupa sa galit na ikinikimkim ko sa loob ng mahigit labindalawang taon. Subalit ay binigyan na naman niya ako ng rason para kasuklaman siya. Wala nang luha ang gustong lumabas sa mata ko. Inubos ko iyon siguro kagabi. Parang namamaga yung mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko pa rin. Tanggap kong malaki ang kasalanan ko. Alam kong mali pero pumatol ako. At ang mas mabigat pa dun ay ginawa

