Tila nakapako ang paa ko sa lupa nung titigan kami nang maigi ni Daddy. Paulit-ulit ang tingin niya sa aming dalawa ni Xylan at naghihintay lamang ng sagot. Narinig niya ba lahat nang yun? Halos mangatog ang binti ko kapag iisipin pa lang iyon. "I am asking for some pardon." Ang palaging nakangisi na si Daddy ay di na halos maipinta ang mukha sa di ko mabatid na ekspresyon. "Is it true?" Ang tanong niya ang para sa aming dalawa. Subalit wala ang gustong sumagot. "Sabi ko naman kasi sayo Daddy! Kuya had changed a little bit!" pareho kaming lumingon sa papalapit na Step-dad ko at si Seff. May dalang baso ng gatas si Seff. Nagmadali siyang lumapit sa amin at sinalubong ng tanong agad si Xylan. "Kuya! Diba you love babies na? Para ka ngang makaasta na Daddy ni Ethan kanina eh!" nat

