Nakalutang sa hangin ang utak ni Celestine. Ni bye or kaway ay wala man lang pabaon ang asawa niya sa kanya bago tuluyang magkahiwalay. Opsss dating asawa pala. May notification na natanggap si Celestine sa kanyang cellphone. Isa itong message alert kung saan may malaking perang itinransfer papasok sa banko niya. Agad tinawagan ng dalaga ang dating asawang si Hayden dahil sigurado s'yang ito ang naglagay ng pera through wireless transfer. Ngunit bigo s'yang matawagan ito dahil nakapatay ang numero na gamit ng binata. Kaya naisipan niyang kunin ang mga natitirang gamit sa hotel nilang dating mag-asawa para masilip man lang si Hayden saglit kung sakaling nagpapahinga ito sandali doon dahil may natitira pa itong business deals kinabukasan. But unfortunately, agad hinarang ang dalaga sa mga

