"I advice you to go home Mr. Williams." Nakangiti mang sabi ni Johanson pero halata sa mga mata nito ang panganib na banta. "Sounds great man, but sorry, Im extending my stay here. " "Hayden!" Mabilis nalapitan ni Celestine ang dating asawa at hindi niya sinasadyang mahatak ang braso nito. Alam kasi n'yang nagpipigil lang ito ng galit dahil kilalang-kilala n'ya ang bawat bigkas nito ng salita. Kalmado man tingnan ito pero sa mga nakakakilala kay Hayden, alam nila na may dalang apoy na ang mga titinig nito sa galit. Hindi ito umimik at lumingon lang kay Celestine ns hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa braso nito. "Please?" Puno ng pagsusumamo ng pakiusap nito kay Hayden. Gusto sanang niyang hilain pauwi ang dating asawa para mailayo ito sa gagong Yale pero ayaw niya itong ilag

