Matapos magfit ni Celestine at makapili ay tumuloy ang magnobyo sa isang exclusive restaurant na pag-aari ng mga Williams para magdinner. Pagkatapos ay inihatid ito ng binata sa bahay nila at nakipagbiruan saglit sa ama ng dalaga. Kinabukasan ay maaga at masayang pumasok si Celestine. Naks! Iba talaga kapag inspired. Agad naman itong ipinatawag ng binata sa loob dahil sa mga kailangan ihanda nito bago bumyahe patungong France. Habang seryosong nag-uusap ang dalawa. Ms. Monica! Saglit lang po!" Malakas na awat ng sekretaryang si Skyra sa kararating lang na si Monica. Tuloy-tuloy lang kasi itong pumasok at dumeritso agad sa opisina ng boss nilang si Hayden na animo'y asawa kung maka-asta na maglabas-masok sa opisina nila. Ngunit huli na dahil nabuksan na ng seksing dalaga ang pintuan ka

