Nagising si Celestine na masakit ang ulo. Una nitong napansin ang hindi pamilyar na paligid. Nasa loob s'ya ng kulay "navy blue" at may accent ng gray na silid. Napabalikwas ng bangon ang dalaga dahil naalala nito ang huling nangyari. Pinakiramdaman nitong mabuti ang sarili baka may gumalaw sa kanya habang nawalan ito ng malay. Much to her relief na mukhang wala naman dahil kahit suot n'yang pantalon at blusa ay maayos pa at wala rin s'yang nararamdamang kakaiba sa sarili n'ya. Pero kinakabahan pa rin ang dalaga dahil bakit s'ya dinukot, hindi naman s'ya mayaman kung gusto ng mga ito ng malaking ransom. Click! May nagbukas ng siradora ng pinto mula sa labas kaya agad inihanda ng dalaga ang sarili na makipaglaban sakaling gahasain muna s'ya bago ipapatay o ipatubos. "Babe!" Puno ng p

