Nagising ako dahil sa malakas na katok galing sa pinto. Bakit ba ang aga ni Xander magising? Hindi ba siya natulog
Medyo may pagka inis ko siyang hinarap ngunit nginitian ko din naman siya kaagad. Biglang na bahala ako nang pumasok siya kaagad.
"X-Xander?" Nauutal ko siyang tinawag dahil naramdaman ko na may mali.
"May problema tayo... ako," aniya at pinunasan ang mga luha na nagbagsakan galing sa mga mata niya.
"Huh? Ano iyon? You can tell me, huwag mong suluhin," sagot ko at naupo sa tabi niya.
"May sakit si mommy, at may taning na ang buhay niya. I want you to day with us because she needs young I want her to be happy until her last day on earth," bigkas niya na ramdam ko hanggang sa kaibuturan ng puso ko ang pagmamahal ng isang anak.
Pero, paano na misyon ko? Huminga ako ng malalim at nginitian siya.
"I will stay, and don't worry... gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mapasaya si mommy."
"Akala ko lahat magagawa ng letching pera na iyan! Bakit hindi nila kayang gamutin ang mommy ko sa taas ng offer ko sa kanila! Damn it! " Nagsimula siyang magmura pero nabigla ako sa sarili ko nang niyakap ko siya.
"That's what I'm telling you. Hindi lahat kayang gawin ng pera. Sa ngayon Xander, manalig ka sa Diyos ay ipagkatiwala mo sa kaniya ang iyong ina. This time, makinig ka sa akin. There is a time for everything. A time to live and a time to die. Lahat tayo doon patungo, hindi lang sabay sabay. I know mahirap tanggapin, dahil maski ako mahirap para sa akin ang mawalan ng minamahal. Pero hiram lang natin ang buhay natin, we are strangers in this world," payo ko sa kaniya. Kumalas ako sa yakap.
"I hug you to comfort you," dagdag ko pa kaya tumingin siya sa'kin.
Huminga siya ng malalim. "Bakit ka ba ganiyan? Naniniwala ka sa Diyos?"
"Oo, naniniwala ako. At totoo ang himala. My grand grandmother survive from her cancer by the grace of God. Saksi din si mama at Papa kung gaano kabuti ang Panginoon. Nasa iyo lang iyan kung maniniwala ka ba o hindi," paliwanag ko ngunit umiling lang siya.
"Walang Diyos." Diretso niya akong tinitigan sa mata at tumayo siya. "Mag ayos kana, babalik na tayo sa bahay. I will hire you as my new secretary upang magkaroon ka ng rason na manatili sa amin," aniya kaya nagulat ako.
New secretary? Hindi ko ang trabaho na iyan, sapagkat ang pagiging agent ang gusto ko.
Naalala ko tuloy ang mga bilin nila mama at papa. I am an agent, an agent of God pero sinayang ko ang opportunity. Tumakas ako at lumihis ng landas. Ngayon, wala na akong mukhang ihaharap pa sa mga magulang ko. Maski sa Diyos at nahihiya na ako.
Iniwan ako ni Xander saglit sa kuwarto kaya nag ayos ako kaagad. Matapos kong ayosin ang sarili ko ay hinanap ko siya. Natagpuan ko siyang umiiyak sa tabing dagat.
Umiiyak pala ang isang Xander na bakal ang puso? He really loves his mom. Sino ba naman ang hindi iiyak sa lagay na ito?
Hindi ko muna siya nilapitan. Gusto kong ilabas niya ang emosyon niya. Tiyak na kapag nakita niya ako ay pipigilan niyang umiyak.
"Hindi ko alam kung paano babawi sa kaniya. I love her more than anyone. Kahit ramdam ko na ayaw niya sa akin, mahal ko siya. Ayaw kong mawala si mommy. Letching pera, inutil!" Nagdabog siya ng nagdabog pero naupo lang ako sa bench na hindi niya nakikita.
Alam ko na darating ang araw na maiintindihan niya ang lahat.
Nang makita kong tumayo na siya ay dali-dali akong naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
"Let's go," malamig niyang wika.
Sumunod akong sa kaniya at sumakay sa kotse. "Xander, hindi ka nag iisa. Alam kong galit ka sa akin dahil napunta sa akin ang attensiyon ng mommy mo. Maniwala ka, mahal ka niya. Mother's love is the best!"
Tumango lang siya ngunit hindi nagsalita. Para bang nasugatan ang puso ko sa mga nangyayari.
Nakarating kami sa bahay nang walang imikan. Pero sinalubong kami ni Mommy na may ngiti.
"Mga anak!" Niyakap niya kami pareho ngunit halata na nagpipigil si Xander ng kaniyang emosyon.
"Mommy, kumusta kayo dito?" tanong ko kaya tumawa si mommy.
"Maayos naman Hija. Bakit maaga kayong bumalik?" Nagtataka siya sa maaga naming pagbabalik. It's not planed kasi.
"Ipapasok ko siya sa kompanya ko," ani niya Xander at humarap sa amin.
"She can stay here naman without working."
"Naku. Okay lang po sa akin na mag trabaho mommy. Iyon po talaga ang gusto ko," sagot ko upang hindi na siya mag alala pa.
"Sige kung iyan ang gusto mo. Xander, let's talk," ani ni Mommy at inakbayan ang anak niya.
"Bakit itinatago ni mommy ang karamdaman niya?" Napatanong ako sa sarili ko.
"Alam mo ba, kalunos-lunos ang nangyari sa isang misyonaryo na pumasok sa lupaing ito. She suffered persecution hanggang hindi na niya nakayanan at namatay siya." Narinig kong nag-uusap ang mga katulong kaya tumigil ako.
"Totoo ba iyan?" Nakisali na ako sa kanila kaya nagulat sila.
"O-opo. Balitang-balita na sa lungsod ang tungkol doon," ani ni Freya.
Kung ganoon, hindi ako p'weding lumantad. Ano'ng gagawin ko? Itatagao ko ba ang ilaw na dala ko?
"Why are you here?" Nadaanan ako ni Xander na nakikipag-usap sa mga katulong nila. Galit na galit siya na para bang dragon na uusok na ang ilong.
"May mali ba?" mahinahon kong tanong pero imbes na sumagot ay hinila niya ako.
"Ano ba ang mayroon ka at umaamo sa iyo ang lahat?!" Galit siya, galit na galit. Hindi ko alam ang dahilan.
"X-Xander, huminahon ka. Wala naman akong ginagawang masama. I'm living naturally. Ganito lang ako, napaka simply, " sagot ko.
"Lahat sila gusto ka. Sino ka ba talaga? Anghel ka ba? Pagalingin mo si mommy."
Hindi ko alam kung maiinis of matutuwa ako sa sinabi niya. Ano'ng pinagsasasabi niya? Ano ba ang pinag-usapan nila ng mommy niya?
"Kung aalukin kita ng kasal, papayag ka ba?" Laking gulat ko nang marinig ko ang mga katagang iyan na galing mismo sa kaniya.
Ano ba ang nangyayari?