Chapter 8

283 Words
"Huwag mo ng intindihin ang  sinabi ko. Simula bukas ay papasok ka na sa opisina ko. Naiintindihan mo ba, Erich?" niya kaya napakurap ako at tumitig sa kaniya. "O-oo. S-sige, magpapahinga na muna ako," sagot ko na nauutal pa. Nagbuntong hininga siya at imbes na hayaan akong umalis ay hinigit niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung may nasabi na naman ba akong mali o ano. "Okay, pero kausapin mo muna si mommy." Malamig niyang wika saka pinakawalan ang kamay ko. Minsan nakakatakot siyang kausap, pero bakit ba ganito nalang ang nararamdaman ko sa tuwing kausap ko siya? Natatakot nga ba ako talaga? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naglakad ako patungo sa sala kung saan nakaupo si mommy habang nakatanaw sa malayo. Pumikit muna ako saglit bago ko siya nilapitan. "Mom, ayos lang po ba kayo? Gusto mo po masahiin ko kayo?" Nilambing ko siya at niyakap. Agad naman siyang napangiti at niyakap ako pabalik. "Ang sweet naman ng Prinsesa ko. Ayos lang ako, maupo ka lang dito sa tabi ko." Tinapik niya ang katabi niyang upuan kaya naupo ako. "Hija, naniniwala ka ba sa Langit?" Ang tanong niya ay malalim ang kahulugan. Gusto ko ng maniwala sa sinabi ni Xander. May dinaramdam nga siya. "Opo. Totoo ang Langit at hindi lang ito kathang isip. Alam mo po ba kung paano mapunta doon?" Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay. "Hindi. May daan ba patungo roon?" Seyosong tanong niya kaya para bang natuwa ang puso ko dahil nakita ko ang pag asa sa mga mata niya.  It's not late for her to accept Christ. Habang may panahon pa siya ay kailangan niyang magbago at magsisi sa  mga nagawa niyang kasalanan. "Mom, pray, repent and accept Jesus. Iyan lang ang paraan upang makarating ka sa kaharian ng Langit. " *** Lumipas ang araw na puno ng lung kotse ang buong bahay. Nakangiti man kaming tatlo, halata pa rin ang lungkot sa kaloob-looban, lalo na sa mag-ina. Pabalik na ako ngayon sa kuwarto ko, kaya lang ay napansin ko na nakabukas sa silid ni Xander. Dahan-dahan ko itong sinilip ngunit nabigla ako nang makita siyang nakatitig na pala sa'kin. "Ano'ng sinisilip  mo? Once you enter my room, there is a consequence." Natigilan ako nang magsalita siya. He is smirking at me at napalunok ako nang makita na half-naked siya. Tukso, lumayo ka sa akin! "Isasara ko sana, akala ko tulog ka na," pagkukunwari ko ngunit halata naman na hindi siya naniwala. "Gusto mong pumasok? Halika, at ipadadama ko sa iyo ang... sige na bumalik ka na sa silid mo." Para siyang natauhan bigla at umayos sa pagkatayo. "Bakit ka ba ganiyan?" Sino ba naman ako para mangahas na tanungin siya ng ganiyan? "Don't ask me anymore. Bumalik ka na sa silid mo habang kaya ko pang magpigil.  Pa salamat ka itinuturing kita na kapatid!" Nang sumigaw siya ay kusang gumalaw ang mga paa ko. Tumalikod ako sa kaniya ngunit hinila niya ako pabalik. Hindi ako nakagalaw at walang nagawa nang ilapat niya ang labi niya sa labi ko. We kissed! "What have you done?!" "Good night. Huwag ka ng magbabalak pa na pumasok dito dahil mas malala pa sa halik ang gagawin ko sa iyo," aniya at isinara ang pinto. Ang lalaking ito! He is a certified kiss stealer! Nagmadali akong pumasok sa kuwarto ko at padabog na humiga sa kama. Nagsimula akong umiyak. Bakit ba ang OA ko masyado. Halik lang iyon, mas importante doon ang virginity ko. Iyon ang dapat kong ingatan. Sa kalangitan ng pagpapahinga ko ay nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako saglit para uminom ng tubig ngunit laking gulat ko nang makita ko si Xander na nagbibilang pa ng pera. Busy siya masyado at panay compute siya kaya hindi niya ako namalayan na dumaan. Seryoso? Sa ganitong oras iyan pa ang ginagawa niya? "Saan ka galing?" Pagbalik ko ay tinanong niya ako. Akala ko lang pala, napansin niya naman pala akong dumaan. He just ignored me kanina. "Uminom ako ng tubig," sagot ko at pilit na iiiwasan na tingnan siya. "Erich, come here," tinawag niya ako kaya mas nainis pa ako. Lord, ano ba ang binabalak ng lalaking ito sa akin? "Bakit?" Walang gana kong tanong pero hinila ako nito paupo sa tabi niya.. "Masdan mo, hindi ba't nakakhumaling ang kintab ng ginto? " aniya at itinuro ang isang kaban na puno ng ginto. Tama ba ang nakikita ko? Napakaraming ginto. "Am I dreaming?" tanong ko at kumurap-kurap. "Totoo iyan. So now, ano ang masasabi mo? Lahat ay kaya kong makuha, pati ikaw," aniya kaya tumayo ako. "Diyan ka nagkakamali. Hindi mo ako madadala gamit ang pera at kayamanan na iyan!" singhal ko. "Ngunit iyon ang hiling ni mommy. Aayaw ka ba? Hahayaan mo siyang mamatay na malungkot?" Natigilan ako sa sinabi ni Xander. Tama ba ang nga naririnig ko? "Gusto niya na ikasal tayo?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko. "Oo, pag-isipan mong  mabuti. This is not  for me, para kay Mommy ito. Siguro after her death, pwede tayong mag file ng anulment paper kung talagang ayaw mo sa'kin. Ayaw ko rin naman na mag asawa," paliwanag niya kaya naoabuntong hininga ako. Misyon ang dahilan kung bakit ako umalis sa amin, ngunit bakit dito ako bumagsak? Ito na ang kabayaran sa kasalanan ko. Lumihis ako ng landas, at ngayon ay kailangan kong harapin ang mga problema na dadaanan ko. Papayag ba akong magpakasal sa isang lalaking pera ang Diyos? It's not my ideal type of man, ang gusto ko ay may takot sa Diyos at katulad ko. "You don't have any choice. Once you reject my offer, gagawa at gagawa ako ng paraan para mapapayag kita." Sa pananalita ni Xander ay nabatid ko ang ibig niyang sabihin. Hindi. Hindi maaari. "Can you give me time to think about it? Sa ngayon ay matutulog muna ako," wika ko at nag unat ng kamay. "Your answer will be yes or yes only.  Ganoong kadali, " aniya at mas hinigpitan ang pagkahawak sa kamay ko. "Xander, akala ko ba ayaw mo sa'kin?  Akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin?" Nagsimula akong mag drama baka sakaling maawa siya sa'kin. "Para kay Mommy lahat gagawin ko. Kahit kapalit pa ang buhay ko. Ngayon, sumagot ka!" "Paano kung ayaw ko?" "Ayaw mo?" aniya at dahan-dahan na hinawakan ang baywang ko at hinagod paitaas. "Stop it! Okay fine! Papayag na ako basta bigyan mo ako ng respeto!" "Good. Iyan lang naman ang hinihintay kong sagot mo, maaari ka ng matulog at managinip na kasama ako," aniya at ngumisi. This is pretty not good! Ano'ng gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD