Natatawa akong nagtungo sa kuwarto ko. Bakit naman ako magseselos? Do I need to? Why would I? Kakaiba din pa lang mag isip ang isang Xander Gill. Mas gusto ko nga iyon eh. Ngayon na bumalik na ang ex-girlfriend niya, maaaring hindi na kami ikasal at maaari na rin akong umuwi sa amin. Uuwi nga ba ako, o tutuloy sa Campbell Town? Kung kunin na ng Panginoon si Mommy, aalis na ako dito, total siya lang naman ang may gusto sa akin na manatili. Xander has his own life at pera ang mahalaga sa kaniya. I can never be part of this family. Narito lang ako marahil upang magtanda at malaman ang mga pagkakamali ko. Mabilis na lumipas ang mga oras at nang magising ako ay kaagad akong nag-ayos upang hindi na magalit pa si Xander. After naming mag-usap kagabi ay iniwan ko siya sa rooftop nang magtanong

