Hindi ko nalang namamalayan ang oras. Kinalabit ako ni Xander at itinuro nito ang kaniyang relos kaya nalaman ko na kanina pa pala kami dapat umuwi. Sa tingin ko ay kaming dalawa na lang ang naririto. "Xander, hindi pa ba kayo lalabas? Hindi pa ba kayo uuwi?" Mali pala ako. Narito pa pala si Larry and maybe he is waiting for us to come out. Nilock kasi ni Xander ang pinto upang hindi daw manggulo itong kaibigan niya. Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Bagong bili lang ito ni Xander. Mabilis ko itong pinulot kaya naman ay napalingon siya sakin. "Who is it?" He asked me while raising his brows. "It's Jade. Now, can I answer his call?" Siguro naman ay papayag na siya. Lahat naman ng gusto niya ay ginagawa ko, I should have my freedom too. Tumango lang siya sabay ku

