Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko nalang namalayan na mas minamahal ko pa ng lalo si Xander. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero isa kang ang sigurado ako. Mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya. "Ready ka na ba Señiorita? Malamang hinihintay ka na ngayon ni Señiorito," ani ni Fiona na inaayusan ako. This day is our wedding day. Ang bilis at hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na excited. Narito pa rin kami sa isla, at tanging maids lang namin ang mga bisita. Kumuha sila ng pari na magkakasal sa'min ni Xander. Wala ng formal program, wala ng maid of honors echos ganito ganiyan kasi secret wedding lang ito. I mean, partial wedding kumbaga. Gusto kasi naming makasal muna bago bumalik sa syudad. Sabi nga ni Fiona, dapat civil wedding na lang daw mu

