Naiilang akong tumingin kay Xander. Huminga ako ng malalim kinalma ang sarili ko. "Xander, manuod ka dito. Tandaan mo lahat ng gagawin ko para sa susunod ikaw naman ang magluto," ani ko at binuksan ang gas. Ngumiti lang siya at tumango. "Hindi ko ipinapangakong maisasaulo ko lahat," ani ni Xander na kumakamot sa ulo. "Ayos lang, atleast may idea ka na," sagot ko at sinimulan ang magluto. Nanatili siyang seryoso sa panunuod at tinitulungan akong kunin ang mga panhalo. "Madali lang pala," komento niya nang matapos na akong magluto. He immediately taste my dish kaya kabado ko siyang tiningnan. Alam ko naman na masarap ang luto ko, pero hindi ko alam kung magugustuhan niya. "Wow, ang sarap! Ang galing mo talagang magluto!" aniya at ginulo ang buhok ko. "What if magtayo tayo ng restaura

