Dahil kaunti na lang ang stock sa ref, napagdesisyunan namin ni Xander na kami na ang mamalengke. Actually, gusto kong makita kong ano ang nasa islang ito. Malawak daw ang buong isla at maraming kabahayan sa kabilang dako. "Handa ka na ba? Isuot mo itong jacket, malamig sa labas. Palitan mo iyang 3/4 shorts mo. Wear your pants," ani ni Xander kaya hindi ako kaagad nakasagot. Seryoso? Ayos naman ang suot ko. Hindi naman kami pupunta sa syudad at isa pa mamamalengke lang kami. Bakit ba pinagbibihis pa niya ako? "Hindi ka ba kikilos? Ako na lang ang magbibihis sa'yo." Nabalik ako sa huwisyo nang lumapit siya sa'kin. Ngumiti ako at inawat ang kamay niyang hahawakan na sana ako. "No. Ako na, sige hintayin mo ako rito!" Kaagad akong tumakbo sa k'warto at gaya ng utos niya, isinuot ko ang pa

