[Erich’s Point of View] Ang akala ko ay madali lang akong gagaling sa sakit ko, pero habang tumatagal ay mas lumalala ang kalagayan ko. Madalas na akong mag nosebleed at madalas akong mawalan ng malay. Sobrang naaawa ako kay Sophie kapag nakikita niya akong nahihirapan ay umiiyak siya. Minsan tumatakbo siya papalayo dahil sa sobrang takot niya sa mga nangyayari. I’m so sorry anak. “Erich, may gusto akong sabihin sa iyo.” Pumasok si Larry at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at huminga ng malalim. “Magpagaling ka hya, mahal na mahal kita. Si Xander na ang bahala sa medication mo,” wika niya kaya nagulat ako. Bakit si Xander? “Erich, mahal!” Biglang pumasok si Xander at kaagad na lumuhod sa harap ko. “Patawarin mo ako, baby. Please give me a chance na bumawi. I can’t live wi

