Chapter 5

1496 Words
Habang papauwi ay may humarang sa akin na isang babae na tila takot na takot kaya maging ako ay kinabahan na rin. " Miss tulungan mo ako. " umiiyak na wika nito at akmang hahawakan ako sa kamay pero nakaiwas ako kaagad at bumaba ng motor. " Miss tara na, umalis tayo dito please. Tulungan mo ako. " pagmamakaawa nito na ikinakunot ng noo ko. " Bakit? " tanong ko. " Binubugbog ako ng asawa ko, kailangan kong makaalis dito dahil baka mapatay niya ako. " takot na takot na sabi nito kaya agad akong sumakay sa motor. " Sakay n- " " Arayyyy aaaaah... " napalingon ako sa babae at nasa likod na nito ang isang lalaki at hawak hawak siya sa buhok, agad akong napababa ng motor. " Ikaw na babae ka, akala mo matatakasan mo ako. " galit na galit na sabi ng lalaki. " B-bitawan mo siya. " nanginginig kong sigaw na ikinatingin niya sa akin ng masama. " Huy bata, wag kang makikialam dito. " sabi nito at hinila na yung babae papalayo na halatang nasasaktan na sa pagkahawak ng lalaki sa kanyang buhok. " Tulungan mo ako Acccck.... " pagmamakaawa ng babae, naikuyom ko ang aking kamao at hindi malaman ang gagawin. " Bitawan mo siya kundi tatawag ako ng pulis. " sigaw ko na ikinahinto ng lalaki at nilingon ako. Kinilabutan ako sa uri ng tingin nito, binitawan niya ang babae at bumagsak ito sa sahig marahil dahil sa malakas na pagtulak sa kanya ng lalaki. Nanginig ako nang maglakad ang lalaki palapit sa akin, napaatras ako at hindi malaman ang gagawin. Lord, tulungan mo ako. Ilayo mo sa akin ang demonyong ito. Sa laki niyang tao hindi ko kakayaning labanan ito, idagdag mo pang napakaliit ko. " Ikaw bata ka, sinabi kong wag kang mangingialam... " galit na sabi nito at susunggaban na ako kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, hinihintay kong may humawak sa akin pero wala. Pagmulat ko ng aking mga mata ay sinalubong ako ng mga matang kulay hazelnut, pamilyar sa akin ang mga matang iyon. Sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin habang ang aming mga mata ay magkatagpo. Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa aking mukha. Sobrang lakas at bilis ng t***k ng aking puso, bakit ganito? Marahil ay sa takot lamang ito. He has a thick eyebrows and long eyelashes, bagay na bagay sa hazel eye color niya. Matangos ang ilong at makinis ang mukha, bumaba ang aking tingin sa kanyang labi. Maninipis ang mga ito at mapupula. " Hey... " napapikit pikit ako nang marinig ang boses nito. Nagulat ako at natauhan nang pitikin niya ang aking noo, mabuti na lamang at nakasuot ito ng gloves. Agad akong napaiwas ng tingin at kulang na lamang ay sapakin ang sarili sa kahihiyan. " Jusmiyo, kailan ka pa nahumaling sa kagwapuhan ng isang lalaki? " bulong ko sa sarili. " Alam kong gwapo ako pero sorry, i have no time para makipagtitigan sayo. " sabi nito, nakakahiya yun. " Go home, gabing-gabi na gumagala ka pa. Tignan mo muntik ka pang mapahamak, bakit ba hinahayaan ka ng magulang mong bata ka? " sabi nito at sumakay na sa kanyang motor na nasa tabi na ng motor ko at diko alam kung paano ito nakalapit sa amin ng ganun kabilis kanina at di ko naramdaman. " And you! " lingon niya kay ate kanina na ngayon ay nakatayo na, hinanap ko yung lalaking demonyo kanina at nakita ito sa sahig na nakahandusay, patay na ba siya o tulog? " Come here, dadalhin kita sa police station. Dapat dyan sa asawa mo pinapakulong. " sabi ng lalaki, tumango naman yung babae at sumunod. " T-teka... " pigil ko nang paandarin niya yung kanyang motor. Kunot noong lumingon ito sa akin. " What? " iritadong tanong nito, napalunok ako at di malaman ang sasabihin. Dapat akong magpasalamat at malaman ko man lang sana ang pangalan niya. " Paano ako? " agad kong natakpan ang aking bibig sa sinabi. Bakit yun ang nasabi ko? dapat thank you e. " Huy bata, tinulungan na kita. Problema mo naman na kung paano ka uuwi total may motor ka. " sabi nito at inikot na ang kanyang motor. Sumakay naman ang Ale kanina. " Hindi na ako bata.. " sigaw ko, di ko alam kung narinig pa niya dahil mabilis na itong pinaharurot ang motor niya. Napahawak ako sa aking dibdib, bumalik na sa normal ang t***k ng puso ko. Sumakay na ako ng aking motor at umuwi, masyado nang gabi at kailangan ko pang pag-aralan ang mga librong bigay ni Elji. Pagdating sa boarding house ay napatingin ako sa first floor ng boarding house ko, mukhang may tao na dito. Ilang araw na ring walang tao dito e. Ang paalam ng matanda noong isang linggo ay pupunta siya sa anak niya sa ibang bansa at magbabakasyon doon. Marahil ay dumating na ito. Umakyat na ako sa aking tinitirahan ay nagbihis ako kaagad at sumalampak sa sofa. Kinuha ko notebook at ballpen at sinubukang gumawa ng outline. Pakiramdam ko drain na ang utak ko pag sinusubukan kong bumuo ng plot. Tiniklop ko ang notebook at itinabi saka binalikan ang mga naisulat kong libro. Ngayon ko lang narealize na puro sad ending pala ang mga libro ko. Para akong bumuo ng sarili kong mundo kung saan ginawa ko ang mga dapat gawin sa mga taong nanakit sa akin. Parang yung karanasan ko lang ang dahilan kung bakit ko naisipang maging manunulat. Ginusto ko nga ba ang pagsusulat dahil dito ako masaya? O dahil dito ko naibubuhos ang paghihiganti ko sa mga demonyong tao? FLASHBACK.... " Calli, may problema ba? " nag-aalalang tanong ni Elji nang bumungad sa tinitirahan ko. Tinawagan ko kasi ito at sinabing pumunta rito dahil may sasabihin ako. " Maupo ka muna, parang pagod na pagod ka. " saad ko, naglakad naman ito paalapit sa sofa at ako ay kumuha ng tubig. Pagbalik ko ay nakaupo na ito at inabot ko ang isang basong tubig. " Pagod talaga ako Calli, nagmadali lang naman akong magpunta dito dahil sa pag-aalala ko sayo. " napakamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti, ininom nito ang tubig saka inilapag ang baso sa maliit na mesa. " Now, tell me. What's wrong? " umupo ako sa tabi niya. " Gusto kong maging manunulat. " napatitig ito sa akin at tila hindi makapaniwala. " G-gusto mong maging manunulat? " tanong nito, malawak ang ngiting tumango ako. " Teke Calli, akala ko ba gusto mong maging Psychiatrist? " tanong nito, napaisip ako. " Gusto ko talaga pero gusto ko ring maging manunulat. Hindi ko ba pwedeng pagsabayin yun? " tanong ko, napabuga ito ng hangin. " Bakit mo ba naisip maging manunulat? " tanong nito na ikinangiti ko. " I want to tell my untold stories in mind to the whole world. Gusto kong ma-inspire ang mga mambabasa. " sagot ko, tumango-tango ito. " Okay fine, let me think a way. Hindi naman kasi basta basta ang gusto. Ang mabuti pa, simulan mo nang magsulat habang naghahanap ako ng company na pwede nating pagpasahan ng mga gawa mo. " sabi nito. " Salamat! Salamat talaga! " masayang sabi ko na ikinangiti niya. " Sus, ikaw pa ba? Ang lakas mo sa akin e. " sabi nito na lalo kong ikinangiti. Kinabukasan ay sinimulan ko na agad magsulat ng kwentong nabuo sa isip ko. Habang ginagawa ko ito ay may ngiti sa aking labi, dito ko kasi naibubuhos lahat ng emosyon ko. Dito ay nagagawa ko ang lahat ng gusto kong mangyari na hindi ko magawa sa reyalidad. Matapos ang isang linggo ay pinapunta ako ni Elji sa bahay nila at kakausapin daw ako kaya agad akong nagtungo doon. " Nakahanap na ako ng pwede mong pasukang company. Baguhan pa lang sila kaya naghahanap talaga sila ng mga writer. It is an online platform kung saan online din nagbabasa ang mga readers at may posibilidad ding maipa-libro ang kwento mo. " balita nito na ikinatuwa ko. " Talaga? " hindi makapaniwalang tanong ko, ngumiti ito at tumango. Sa sobrang tuwa ay napatalon-talon pa ako. " Salamat! Salamat talaga! " saad ko. " Ops may isa pa! " napahinto ako at napatingin sa kanya. " Ano yun? " " Nag-apply din akong editor doon kaya ako na ang magiging editor mo. " " Yes! Kaya love kita e. " masayang sabi ko na ikinatawa niya, gustong-gusto ko na siyang yakapin buti na lang ay nakakapagpigil ako. " Kailan tayo magsisimula? " tanong ko. " Pwedeng ngayon na! " sabi nito. " Talaga? " " Uhuh! " End of FLASHBACK... Mula noon, nangarap na ako ng nangarap. Nais kong maging sikat na manunulat, nais kong mahalin ng mga readers ang aking bawat akda. Kinalimutan ko ang pagnanais na maging Psychiatrist at nagfocus sa pagsusulat para sa pangarap na iyon. Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya ko nga bang tuparin ang pangarap na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD