Janna, Vincent and i are childhood bestfriends. Sabay lumaki, sabay nangarap at sabay na nag-aral. Magkakasama sa kasayahan, sa kalungkutan o sa kalukuhan.
FLASHBACK....
" Oh my god! " bulalas ko nang makita ang test paper ko, may nakalagay dito na shared with Mr. Marquez tapos devided into two ang grades ko. Napatingin ako kay Vincent na katabi ko, may nakalagay ding copy with Ms. Enrique ang test paper niya at talagang hati kami sa grades.
Napalingon ako kay ma'am at akmang magrereklamo dahil hindi naman lahat ng sagot ko nakopya ni Vincent, oo pinakopya ko siya pero hindi lahat. Nahuli pala kami ni ma'am, ito kasing si Vincent nakakaloka mangopya, masiyadong halata. Buti pa itong si Janna at Oliver ay hindi.
" Ma'am! " tawag pansin ko sa aming guro, tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
" May reklamo ba Ms. Enrique? Don't tell me, i was wrong? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo ibigay ang sagot mo. " nakagat ko ang ibaba kong labi.
" Hayaan mo na. " bulong ni Vincent.
" Pero mam, hindi naman po lahat e. " sabi ko na lalong ikinataas ng kilay niya.
" Lahat man o hindi, kasalanan pa rin ang ginawa mo. Parusa mo na yan para sa susunod ay magtanda ka. " napairap na lang ako sa kawalan at napabuga ng hangin.
" Ms. Enrique, honestly i'm so disappointed with you. Matalino ka pa naman and i heard top 1 ka noong grade six ka. Sayang ang galing mo kung ganyan ka. Palagi kang pasaway at nagka-cutting classes ka pa. Kung inaayos mo lang ang pag-aaral mo for sure magagawa mong maging top one. " sermon nito.
" Magiging top one nga ako hindi ko naman mararanasang magsaya kasama ang mga kaibigan ko. Tapos ma-i-stress pa ako sa pag-aaral, aanhin ko ang medal na yun? " bulong ko.
" May sinasabi ka Ms. Enrique? "
" Po? Wala po mam, sabi ko po pasensiya na. " pagsisinungaling ko.
" Nakakabwisit! " inis kong sigaw nang makalabas kami ng classroom at nagpunta sa tambayan namin.
" Sinabi mo pa, ang sarap patulan ng matandang yun. " wika ni Vincent.
" Ikaw naman kasi, sobra ka mangopya. Sana man lang kasi binago mo yung sentence di ba? Para hindi halata. " wika ni Oliver, napakamit sa ulo si Vincent.
" Sorry Calli. " wika nito.
" Hayaan niyo na, pakialam ko ba kung mababa ang grades ko? Ang mahalaga ay pumasa, hindi naman big deal sa parents ko kung mababa ang grades ko e. " sabi ko.
" Saka ayaw mo yun Calli? Kapag bumagsak ka, magtre-trending ka sa lugar natin. Sasabihin nila "Ang kaisa-isang anak na babae ng magaling na gobernador natin ay bumagsak. Ibang-iba siya sa mga kapatid niyang lalaki, lahat sila ay nagtapos na halos kinuha lahat ng medalya sa school." Diba ang saya nun? " natatawang biro ni Oliver, binatukan naman siya ni Vincent.
" Puro ka kalokohan. " wika nito, natatawa na lang ako saka napailing. Nahuli kong nakatitig na naman si Janna kay Vincent, lagi niya iyong ginagawa na akala mo ay manghang-mangha siya sa ginagawa o kinikilos ni Vincent.
" Tara na nga! " aya ni Vincent.
" Ha? Saan? " tanong ko.
" Arcade tayo! " wika ni Oliver.
" Hindi na tayo papasok sa klase? " tanong ni Janna.
" Psh! Hindi na, babawi na lang tayo sa exam. " sagot ni Vincent.
" Wow! Pero kung wala si Calli, nganga tayo. " saad ni Oliver na ikinatawa ko.
" Pasmado lagi bibig mo e. Ano? Pupunta tayo o hindi? "
" Paano tayo lalabas? May guard. " wika ko.
" Kaming bahala sa inyo. " sabi naman ni Oliver at nag-apir sila ni Vincent.
" Tara! " hinila na nila kami ni Janna papunta sa likod ng school. Inalis ni Vuncent ang kanyang polo saka lumuhod sa gilid ng pader, umapak naman si Oliver dito at tumalon papunta sa labas.
" Calli, ikaw na! " wika ni Janna.
" Akin na bag mo! " wika ni Oliver kaya hinagis ko papunta sa kanya ang bag ko, nasalo naman niya ito at inilapag sa lupa.
Umapak ako sa balikat ni Vincent saka dahan-dahang umakyat sa pader, inabot naman ako ni Oliver sa kabila hanggang sa makababa ako. Ganun din ang ginawa ni Janna, nang si Vincent na ay hindi ko alam kung paano siya nakaakyat.
" Nice! Alisin ang uniform! " masayang wika ni Oliver at nagtawanan kami. Inalis namin ang mga school uniform namin. Pare-pareho naman kaming may panloob na white t-shirt at short. May baon din kaming tsenelas palagi kaya masayang naglakad kami paalis.
Nagtungo kami sa malapit na mall at nagpunta sa palaruan. Doon ay nagpalipas kami ng oras, nang mapagod ay nagtungo kami sa basketball court malapit sa amin at doon tumambay.
" Sana hanggang makatapos tayo ng college ay magkakasama pa rin tayo. " wika ni Oliver habang nakaupo kami sa bleecher tapos may hawak si Vicent na bola.
" Syempre naman noh! Bestfriemd forever tayo. " wika ni Vincent.
" Naku baka pag kayong dalawa naging police na e makalimutan niyo na kami. " wika ni Janna. Police kasi ang pangarap ng dalawa kaya siguradong iyon ang kukunin nilang kurso sa kolehiyo.
" Hindi noh! Pangarap ko ngang makasagupa si Calli e, isa akong police tapos siya mandurukot. " sabi ni Oliver na ikinatawa namin.
" Siraulo, bago mangyari yun si papa muna magpapahuli sa akin sa mga tauhan niya. " saad ko.
" Ako naman, pangarap kong maging pasyente kayo balang-araw. " sabi ni Janna na ikinatawa namin. Pangarap kasi ni Janna maging Psychiatrist, gusto ko rin maging Psychiatrist pero gusto ko ring maging manunulat.
" E ikaw Calli? Naisip mo na ba kung ano talagang gusto mo? " tanong ni Vincent.
" Hindi pa e, nahihirapan pa rin akong pumili. " sagot ko.
" Iba na talaga kapag matalino. " biro ni Oliver.
" Magaling ka sa history, ayaw mo bang maging professor ng history? Magaling ka rin sa Math. " sabi ni Janna.
" Ang sabihin mo, magaling siya sa lahat. " sabi naman ni Vincent. Ang OA, masiyadong matalino ang tingin nila sa akin.
" Bahala na, matagal pa naman. " sabi ko.
" Sabagay, ang mahalaga ay sama-sama pa rin tayo. " wika ni Oliver.
" Tara, isulat natin ang pangalan natin dito sa bola. Para walang iwanan. " suggest ni Vincent.
" Game! " wika nmjn, kumuha ako ng pentel pen sa aking bag at isa-isa naming isinulat ang aming pangalan doon sa bola.
End of flashback...
Akala ko, kaibigan ko sila. Akala ko sila yung handang promotekta sa akin, pero mali dahil sila pa mismo ang nagpahamak sa akin.
Matapos ang kaganapang iyon ay hindi ko na sila muling nakita pa. Ang sabi ni mama ay bumisita daw sina Janna at Oliver pero dahil ayaw kong makakita ng kahit sinong tao ay hindi nila pinatuloy.