Chapter 3

1536 Words
Ilang oras na akong nakatitig sa aking laptop pero wala pa ring pumapasok sa isip ko na plot para sa next story na gagawin ko. " Love.. Love.. Paano ba kasi mainlove? Ano bang feeling? " bulong ko. Napabuga ako ng hangin at nagpasyang isara na lamang ang laptop. Nagbihis ako at nagpasyang pumunta sa office ni Elji para kunin ang sinasabi niyang mga libro baka sakaling makatulong ang mga ito. Kinuha ko ang susi ng aking motor at mabilis na tinungo ang opisina ni Elji, kilala na rin ako ng mga tao dito dahil sa palagi kong pagpunta dito. Hindi rin naman kasi basta si Elji dito, sila lang naman ang may ari ng kompanya pero hindi siya agad binigyan ng mataas na posisyon, gusto nila tito at tita na matuto muna siya sa mas mababang posisyon. Kilala na ako ng magulang niya dahil sa halos limang taon naming pagkakaibigan. Madalas niya akong papuntahin dito, masaya rin naman ang magulang niya na makita ako at halos ituring na rin akong anak. Pagpasok ko ng kanyang opisina ay sinalubong ako nito ng ngiti. " Sit down! " wika nito. " Kunin ko lang yung mga librong sinasabi mo. " sabi ko dito. " Ah yeah! " wika nito at may kinuhang paper bag sa may gilid at inabot sa akin, may mga laman itong mga libro na agad kong hinalungkat at napangiwi ako nang mabasa ang mga title nito at makita ang book cover. Mga romance novel ang mga ito at karamihan ay mga lalaking may abs ang nasa cover photo. " You sure na may matututunan ako dito? " tanong ko na ikinatawa niya. " Yeah! pag-aralan mong mabuti kung paano sila bumuo ng mga romance novel. Yung feeling ng inlove, kung paano sila baguhin ng pagmamahal. " sabi nito. " Pwedeng iba na lang? " tanong ko na ikinakunot ng noo niya. " Calli, kung gusto mong pumatok ang nobela mo you should try to write a romance story. Dahil romance story ang pinakang patok ngayon sa mga readers. " sabi nito. " Okay, i'll try. " sabi ko dito na ikinatango niya. " By the way, wala ka bang kailangan sa school? " tanong nito. " Wala naman. " sagot ko saka inayos na ang mga libro. " How about your tuition fee? i heard, mahal daw ang tuition dun. " sabi nito, graduate na kasi ito at sa Meyers University siya nag-aral. I'm very lucky that i met her, mas matanda siya sa akin kaya para na niya akong kapatid kung ituring. " Well, kaya ko pa naman. Isa pa, pwede akong kumuha ulit ng sideline kung sakali or mag apply ng scholarship. " sabi ko. Noong highschool kasi hanggang makagraduate ay scholar ako dahil nga matataas din ang grades ko. Tapos noong graduation ko ang parents niya ang nag-akyat sa akin sa stage. Nag-offer din ang parents niya na sila na ang magpaaral sa akin, tinanggihan ko lang. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila, isa pa hindi na ako bata at kaya ko na ang sarili ko. Kailangan ko ring matutong tumayo sa sarili kong mga paa. " Calli ano ka ba naman, pwede kang magsabi sa akin. I can help you. " sabi nito na ikinangiti ko. She's the kindest person i know. " Thanks, pero kaya ko pa ang sarili ko. Isa pa, you know me very well. Hihingi at hihingi talaga ako ng tulong sayo kapag nangailangan ako ng tulong. " sabi ko na ikinangiti niya. " Basta kapag kailangan mo ng tulong, i'm here. " sabi niya, i just nodded. " By the way, i have to go. Para masimulan ko nang basahin ang mga ito at para narin makaagtrabaho kana. " sabi ko saka tumayo na. " Take care... " sabi nito bago ako tuluyang makalabas ng kanyang opisina. Pagkauwi ko ng aking boarding house ay agad akong sumalampak sa sofa at sinimulang basahin ang mga blurb ng libro, lahat sila mukhang magaganda talaga. Pumili ako ng isa at sinimulang basahin. Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito habang abala ako sa pagbabasa at nakitang lumihistro ang pangalan ni Janna. " Hello! " cold na bungad ko rito. " Busy ka? Pwede ka bang pumunta dito? " tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Janna is my ex-bestfriend, pakiramdam ko kasi ay pinagtaksilan nila ako at iniwan sa ere. Kita ko rin naman ang pagsisisi nila pero hindi ko pa rin siya magawang patawarin. " Bakit? " tanong ko rito. " He's drunk again at hindi ko siya mapakalma. He's crying and blaming himself on what happened. " tila naiiyak na sabi nito, i sighed. Kasalanan naman talaga niya e, kung hindi niya ako pinapunta nang araw na yun at pinaghintah. Sana hindi yun nangyari sa akin. " Ikaw lang ang alam kong makakapagpakalma sa kanya. " pagpapatuloy nito. I looked at my watch at nakitang alas nuwebe na ng gabi. " nasaan kayo? " tanong ko rito. " At Cauti Bar " sagot naman nito. " Okay, wait for me. " sabi ko at pinatay na ang tawag. Kinuha ko ang susi ng motor, ID ko at nagbihis din ako ng jacket at jogging pants. Nagsuot din ako ng gloves, incase lang na may kailangan akong hawakan. Ganito naman palagi ang outfit ko, itong motor na to ay regalo ni Elji at ng parents niya noong graduation ko. Gusto nga nila ay kotse, pero syempre tumanggi ako kasi masyadong malaki ang halaga nun. Wala akong hiningi o tinanggap na kahit singko sa pamilya ko. I can buy what i want sa perang pinaghihirapan ko. Ang dami ko ring pinasukang trabaho kaya kahit papaano ay may pera ako. Pagkasakay ko ay agad kong pinaandar ito at umalis. Pagdating ko sa bar ay katulad ng dati ayaw akong papasukin dahil sa pag aakalang minor de edad ako. Ang height kasi ay nasa 4'9 lamang. " Here's my ID! " inis na sabi ko sa guard. Kinuha naman nito at tinignan na tila hindi makapaniwala. " Maliit lang talaga ako, okay? " inis na sabi ko at hinablot ang ID sa kamay niya at nagmadaling pumasok. Nang makapasok ay kinilabutan ako nang makitang punong puno ng tao ang bar. Maingat akong naglakad papasok at sinisigurong walang makakahawak o makakabangga sa akin. Hinanap ko ang dalawang taong dahilan ng pagpunta ko rito, hindi nagtagal ay may nakita akong tila nagkakagulo sa may gilid. Nang makita sila ay agad akong lumapit dito. " Ang yabang nito pare, " inis na sabi ng isang lalaki. " Kuya, pasensya na talaga lasing lang po siya. " pakiusap ni Janna sa mga lalaki. " La-shing? Nooo! I'm n-not la-sheng! " sabi naman ng katabi niya. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa mga ito. " Kuya ako na po humihingi ng pasensya. Iuuwi na po namin siya, pasensya na po. " paumanhin ko sa mga lalaki na napatingin pa sa akin. " Mabuti pa nga, baka hindi kami makapagtimpi. " sabi ng isang lalaki at umalis rin sila agad. " Hey! Calli, you're here! Why? May problema ba ang bestfriend ko? " sabi nito at humagikhik pa at akmang yayakapin ako pero mabilis akong nakailag kaya muntik na siyang madapa buti at nahawakan siya ni Janna na ngayon ay tahimik lamang. " Vin, let's go! Lasing ka na. " cold kong sabi rito. He's Vincent Marquez, dati kong bestfriend. He and Janna are the reason kung bakit ako naging ganito. " Noooo! Hindi ako la-sheng, diba Janna? " sabi pa nito, napabuntong hininga ako. I'm tired. " Please! " nakikiusap na sabi ko rito dahil kung tutuusin ayaw ko na silang makita pa pero sa tuwing lasing ito lagi akong tinatawagan ni Janna dahil sa akin lamang ito nakikinig. Napatingin ito sa akin at kita ko ang guilt sa kanyang mga mata, agad akong napa-iwas ng tingin. " Bestfriend kita Calli kaya makikinig ako sha-yo! " tila batang sabi nito. " Alalayan mo siya! " utos ko kay Janna, tumango naman ito. Agad niyang inalalayan si Vincent at lumabas kami ng bar. " Calli, i'm sorry! " napatingin ako kay Vincent na ngayon ay nakaakbay kay Janna, naghihintay kami ng Taxi na mapapadaan. " I'm sorry kung hindi ako nakarating ng maaga nang gabing yun. Kung nakarating lang ako, s-siguro hindi ka galit sa akin ngayon... Siguro h-hindi yun nangyari sayo... Siguro hindi ako nagi-guilty ngayon.... Siguro bestfriend parin ang turing mo sa akin. " he said and i saw tears in his eyes. I can see his sincirity and guilt, I gulped and looked away. " Matagal ko na kayong gustong mapatawad pero masama ba ako kung nahihirapan akong gawin yun? hindi ko pa kayang nakikita kayo. Sana hayaan niyo na muna akong maghilom, kapag okay na ako, kapag kaya ko na kayong harapin na hindi naaalala ang nakaraan, ako mismo ang lalapit sa inyo. " sabi ko sa kanila. Pinara ko ang isang taxi na paparating at huminto naman ito. " Ihatid mo na siya, sana ito na ang huli! " sabi ko kay Janna at tumalikod na. Sumakay na ako sa motor ko at muling pinaharurot ito. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Muli kong naalala ang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD