" Sa wakas! Tapos na ang tatlong subject. " tila nakahinga ng maluwag na sabi ni Sophie matapos ang exam sa huling subject namin ngayon. " Tara, uwi na tayo, gusto kong i-relax ang katawan ko. " pagod na pagod kong sabi, ngumiti si Sophie sa akin. " Weh? relax or gusto niyo lang mag lovey-dovey ni Ivo. " napatawa ako sa sinabi nito, anong words tun? " Siraulo ka! hindi noh! " sabi ko dito, pinaningkitan niya ako ng mata. " I can see it in your eyes. " sabi nito, napangiti na lang ako at napailing. " Baliw hindi, isa pa magrereview pa ako para bukas. " " Sige na nga, mauna kana. Pupunta na muna ako sa library para humiram ng libro. " inayos na namin ang aming mga gamit. " Samahan na kita para sabay na tayong lumabas. " " Wag na, baka magtagal din ako doon. Magbabasa basa muna ako ba

