Sophie " Let's talk! " hindi ko pinansin si Zach, nasa library ako at kumukuha ng libro para sa pagrereview ko mamaya. " Sophie! " agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil sa kanyang sigaw, napatingin ako sa paligid at nakatingin na nga sila sa amin. Hinila ko siya sa gilid at hinarap, nakita ko ang maliit nitong ngiti. " Ano bang problema mo? " inis kong tanong na ikinanguso niya, cute pero galit pa rin ako. " Mag-usap na kasi tayo. " sabi niyo, i rolled my eyes. " Nag-uusap na tayo oh, anong lag-uusap pa ang gusto mo? " napangiti ito ng matamis. Ngayon ko lang yata ito muling nakitang ngumiti matapos ang mahabang pag-iiwasan namin. " I want to get you back. " natigilan ako sa sinabi nito. " A-ano? " " I want to get you back, i still love you and i want to court you. " napapiki

