" Gusto mo nang kumain? iinit ko na lang ulit yung pagkain. " sabi ko kay Ivo, kanina ko pa kasi hinain yun kaya malamang malamig na yun pero umiling naman ito. " Maaga pa, mamaya na siguro. Parang mas gusto kong magshower muna. " sabi nito, tumango ako habang karga ko si Balck at siya naman ay si Sunflower. Sinubukan kasi naming pagsamain ang dalawa kanina at okay naman, hindi sila nag-away. " Sunflower, maiwan ka muna sa mommy. Magsho-shower lang ang daddy. " sabi nito na ikinangiti ko, inilapag niya si Sunflower sa sofa at tumayo. Na-estatwa ako nang bigla siyang yumuko at hinalikan ako sa labi sandali. " Bye love! " nakangiting sabi nito saka ako iniwan, napalunok ako at napatingin sa aao at pusa. Nakatinhin sila sa akin na tila curious sa nararamdaman ko, nakaramdam tuloy ako ng h

