" Uy Sophie, okay ka lang? " tanong ko kay Sophie nang matapos ang exam namin, alanganin naman itong ngumiti at tumango. " Tapos na exam natin, tara magcelebrate? " tanong nito. Ngayon kasi ang huling araw ng examination at after ng examination, binibigyan kami ng pahinga kaya sa Lunes na ulit ang klase namin. " Saan? " tanong ko, ngumiti ito ng matamis na tila may plano na ito. " Sa beach! isama natin si Elji. " sabi nito na ikinangiti ko rin. Limang taon na rin akong hindi nakakapunta ng beach. Ngayon ko lang narealize kung gaano karami ang mga na-missed kong bagay. Parang ngayon lang ulit ako naging tao matapos ang limang taon na pagkukulong ko sa sarili ko sa madilim kong nakaraan. " Bukas? " tanong ko agad, tumango naman ito. " Sama kami! " napalingon kami sa nagsalita at nakita

