" Calli, uuwi ka na ba? " napalingon ako kay Sophie, katatapos lang ng last na klase namin at papalabas ng kami ng room.
" Sana, bakit? " tanong ko.
" Wala naman, baka lang kasi ayaw mo pa umuwi e hindi kita masasamahang tumambay at pupunta ako sa condo ni Zach. " sagot nito na ikinangiti ko.
" Okay lang, kailangan ko na ring umuwi at ngayon ako magsisimulang magpractice ng basketball. " napalingon ito sa akin.
" Magpapaturo ka? Kanino? "
" Ah, oo doon sa nirecommend ni Elji. " sagot ko.
" Teka, talagang gagawin mo yan? " napangiti ako at tumango.
" Sabi nga, kapag may tiyaga may nilaga. "
" O sige, basta ingat ha! Mauna na ako. " paalam nito.
" Sige ingat din, enjoy dun. " sabi ko sabay ngisi, natawa naman ito bago tuluyang umalis.
Pinuntahan ko naman si Elji sa office nito at nadatnan ko itong may kausap sa cellphone.
" Yes tito, gladly wala pa namang signs na lumalala ang kalagayan niya. " rinig kong sabi nito pagpasok ko na ikinatingin niya sa akin. Mukhang nagulat pa siya nang makita ako at kitang-kita ko ang paglunok niya.
" Ahm.. Tito, i'll just call you later. " balik nito sa kausap sa cellphone at ngumiti pa.
" Yes tito, bye! " paalam niya, hindi ko marinig kung sino ang kausap niya. Pagbaba niya ng cellphone niya ay napatingin siya sa akin.
" Sit down, Calli. " nakangiting sabi nito, naglakad ako palapit.
" May problema ba? " tanong ko dahil curious ako sa pinag-usapan nila ng kausap niya.
" Ah, yun ba? Kaibigan yun ni papa, he's asking about his daughter. May depression kasi kaya minsan ay binibisita ko. " sabi nito.
" Talagang itutuloy mo na ang pagiging psychiatrist? " tanong ko dito na ikinangiti niya ng matamis at tumango. Makikita mo talagang gusto niya ang tinatahak niyang landas ngayon.
" Buti pumayag na ang parents mo? " tanong ko na ikinawala ng ngiti niya, malungkot itong tumango.
" May kondisyon silang hinihingi. " napakunot noo ako.
" Ano yun? "
" Kailangan kong pumayag sa arrange marriage. "
" Ano? Bakit naman kailangan pa yun? " tanong ko, napabuga ito ng hangin.
" Para daw may magmanage ng negosyo namin. "
" Kailangan mo ba talagang gawin yun? " tanong ko.
" Okay lang, wala naman akong boyfriend. Saka malay mo yun talaga yung nakatadhana sa akin, tulad ng mga nababasa ko sa mga nobela. " napangiwi ako sa sinabi nito.
" Huy! sa nobela lang yun, wala sa real world. " sabi ko na ikinatawa niya.
" Oo nga pala, tuloy yung basketball practice ko? " tanong ko.
" Ah oo, mabuti pa mauna ka na umuwi. Pag-out ko dito ay puntahan na lang kita. " sabi nito.
" Okay! " tumayo na ako.
" Bye! " paalam ko.
" Ingat! " pahabol nito bago ako tuluyang umalis. Pagdating ko ng bahay ay agad aking nagshower at tumambay sa sala. Ang lungkot mag-isa, hindi ko alam kung paano ko nakayanang mabuhay ng mag-isa ng ilang taon.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok dito, agad akong tumayo para pagbuksan ito. Baka si Elji na ito, tatarayan na naman ako nun kapag di ko nabuksan agad ang pintuan.
Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita si Diane na agad kong ikinangiti.
" Diane.. Kumusta ka? " tanong ko ngumiti naman ito.
" Halika, pumasok ka muna. " pumasok naman ito at umupo kami sa sofa.
" Ano pa lang nangyari sayo? Bigla ka na lang umalis noong nakaraan. " sabi ko.
" Sorry Calli, hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo e. " sabi nito.
" Buti nakadalaw ka, saan ka nakatuloy ngayon? " tanong ko.
" Sa bahay ng kaibigan ko. "
" Mabuti naman, teka gagawa ako ng meryenda. " tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.
" Wag na, hindi rin ako magtatagal. Kailangan ko ring umalis kaagad at may pupuntahan pa ako. " magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pintuan.
" Teka, andiyan na yung kaibigan ko pagbubuksan ko lang. " ngumiti ito at tumango, naglakad naman ako apalapit sa pintuan.
" Elji, pasok ka. " masayang sabi ko pagbukas ng pintuan.
" Ready ka na ba? " tanong nito pagpasok namin.
" Magbibihis na lang ako. " sabi ko, pagdating namin sa sofa ay tumayo si Diane at ngumiti habang nakatingin kay Elji.
" Ah, Elji si Diane nga pala. " napakunot noo si Elji at nilingon nang ituro ko si Diane.
" Diane, this is Elji bestfriend ko. " pagpapakilala ko din kay Elji, napatingin sa akin si Elji.
" Hi! " masayang sabi ni Diane.
" C-Calli.. " napakunot noo ako sa reaction ni Elji.
" Bakit? " takang tanong ko, nilingon niya si Elji saka ako nilingon. Umiling ito saka ngumiti at muling tumingin kay Diane.
" H-hi Diane! " napangiti naman si Diane.
" Mukhang may lakad pa kayo, mabuti pa mauna na akong umalis. " tumayo na si Diane.
" Ha? Sure ka? " tanong ko, ngumiti ito at tumango.
" O sige, ihatid na kita sa labas. " sabi ko saka nilingon si Elji.
" Ihahatid ko lang siya sa labas. " ngumiti si Elji at tumango.
" Bye Elji! " paalam ni Diane, napatingin ako kay Elji.
" Bye! " paalam din nito, ngumiti si Diane bago naglakad na sinundan ko naman.
" Ayaw yata sa akin ng kaibigan mo. " sabi nito pagkalabas namin.
" Hindi, baka nagulat lang yun. Sa ilang taon ko kasi dito ngayon lang ako nagkaroon ng ibang kaibigan. "
" Sabagay, sige alis na ako! "
" Ingat! " ngumiti ito at tumango bago tuluyang umalis. Pagbalik ko ay nadatnan ko si Elji na nakaupo sa sofa at tila malalim ang iniisip.
" Elji, may problema ba? " tanong ko, napaangat ito ng tingin sa akin.
" N-nag-aalala lang ako, b-baka mamaya masamang tao pala yung Diane na yun. Saan mo ba yun nakilala? " taning niya, umupo ako sa tabi nito.
" Wag kang mag-alala, sure akong mabuting tao si Diane. Nakilala ko siya nang minsang mapadaan ako sa may playground, umiiyak at pinalayas ng magulang. Sobrang nasasaktan yung tao at napansin kong nasa suicidal ideation state siya kaya dinala ko dito. Bigla nga siyang nawala kinabukasan e, then ngayon lang ulit siya nagpakita. " paliwanag ko.
" Basta kapag may kalokohang ginawa yun sayo sabihan mo ako agad ah! " napangiti ako at tumango, tumayo ito at naglakad papunta sa kusina na sinundan ko naman. At katulad nga ng inaasahan ko ay tsinitsek na naman niya ang mga groceries ko at laman ng ref.
" Teka, wala ka nang vitamins. " sabi nito nang mapatingin sa mga vitamins, ewan ko ba sa babaeng to. Hindi naman ako sakitin pero lagi akong binibigyan ng vitamin C.
" Naubos noong isang araw, bibili na lang ako pag naharap ko. Nalilimutan ko kasing bumili e. " sabi ko.
" Psh! Wag na, ako na lang bibili para sayo. Lagi mo namang kinakalimutan e. " sabi nito na ikinangiti ko.
" Sorry na! "
" Oo na, halika na para mahaba pa oras mong magpractice. "
" Yes master! " natawa naman ito.