Chapter 20

803 Words
Kinakabahan ako nang papasok ako ng school, ngayon malalaman ang result ng examination. " Calli... " tawag ni Sophie habang papalapit sa akin. " Nakita mo na? " tanong ko na ng tinutukoy ay ang resulta ng examination, umiling naman ito. " Gusto ko sabay nating makita. " nakangiting sabi nito na lalo kong ikinakaba. " Let's go! " aya nito, ngumiti ako at sabay naming tinungo ang bulletin board kung saan nakapaskil ang mga result. Lahat ng naroon ay dismayadong nagsialisan nang makita ang kanilang mga pangalan. Agad kaming lumapit at pinasadaan ang papel roon. " Oh my god! Calli ang galing mo... you did it! " masayang sigaw ni Sophie at akmang yayakapin ako pero mabilis akong nakalayo. " Oh sorry! " wika nito na ikinatawa ko. Muli akong napatingin sa papel, napangiti ako nng makita ang nakalagay na perfect score. Pinagtitinginan kami ng lahat at kita ko ang inggit sa kanilang mga mata. " Ang swerte mo gurl, alam mo bang ikaw pa lamang ang kauna-unahang nakaperfect score? " natutuwang wika ni Sophie. " Kaya nga, kinabahan din ako e. Baka di ako pumasa lalo na noong exam, buti na lang may nagbulungan tungkol sa birthday ni Ivo kaya nasagutan ko. " " Oo nga, nakalimutan kong sabihin yun sayo kasi minsan included yung tungkol kay Ivo sa exam. " magsasalita pa sana ako nang tumunog ang speaker sa di kalayuan. " Ms. Callixta Enrique, please proceed to the VIP room. " napatingin ako sa speaker kung saan nagmumula ang nagsasalita. VIP room, ito yung tambayan nila Zach, Ivo at Jazzie. " For sure kakausapin ka kung ano ang nais mong hilingin. " wika ni Sophie. Bigla akong kinabahan, diko alam kung tama ba ang desisyon kong ito. Sana lamang ay hindi ko ito pagsisihan. " Sige, puntahan ko muna. " paalam ko dito, tumango naman ito. " Mauna na ako sa classroom. " sabi nito, tumango ako bago umalis. Nanginginig ang mga kamay kong tinungo ng VIP room, pagdating ko roon ay napabuga muna ako ng hangin bago kumatok. " Hi! " nakangiting bati ko kay Jazzie na siyang bumukas ng pintuan, ngumiti naman ito. " Congrats! I didn't know na matalino ka pala. " masayang bati nito. " Hindi naman pero, salamat " nakangiting wika ko. " Pumasok ka, kakausapin ka ni Ivo. " sabi nito at pinapasok ako. Pagpasok ko ay nakita ko si Ivo na printeng nakaupo sa sofa. Seryuso ang mukha nito at ang mga mata ay lagi na lang parang galit. " Aalis muna kami. " paalam ni Jazzie, tumango ako. " Tara na, let's give them time. " sabi nito kay Zach na natawa rin at magkaakbay silang lumabas ni Zach na may pilyong ngiti sa labi. " So, what do you want? " napalingon ako kay Ivo, napalunok ako di malaman ang sasabihin. " Pwedeng maupo muna? " sarkastiko kong tanong na ikinalingon niya. " Go on! " umupo naman ako sa malayo sa kanya. " You're very lucky, talagang pinaghandaan mo ang examination. Ganyan mo na ba ako kagusto? " napairap ako sa hangin sa sinabi nito. Iba din ang kahanginan nito. " Siguro! " sarkastiko kong saad na ikinakunot ng kanyang noo. " Sabihin mo na ang nais mo para matapos na ito. " sabi nito at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib. " Gusto kong maging personal assistant mo. " sagot ko na ikinagulat niya. Hindi ko alam kung pagpapakamatay ba ang ginagawa ko, basta ang alam ko lang kailangan ko itong gawin para mas makakalap pa ng impormasyon tungkol sa kanya at mas makilala pa siya ng mabuti. Yeah! it's all about my career. " Sigurado kaba diyan sa gusto mo? " nakangising tanong nito, tumango naman ako dito. " Fine, you can start tomorrow. " sabi nito at inabot sa akin ang kanyang cellphone na ipinagtaka ko. " Ilagay mo ang cellphone number mo para makontak kita kapag kailangan kita. " sabi nito, kinuha ko naman ito at nilagay ang aking numero saka ibinalik sa kanya ang kanyang cellphone. " You can go now. " malamig na saad nito, wala akong mabasang emosyon sa kanya. Ang wierd talaga ng taong to, ang bilis magbago ng expression niya. Tumayo ako at tumalikod na dahil wala na rin naman akong sasabihin pa. Sapat nang makakalapit ako sa kanya paminsan minsan para makakalap ng impormasyon na magagamit ko. " Calli... " napalingon ako dito, naka evil smile at evil look ito na halatang walang gagawing mabuti. " Welcome to hell. " dagdag pa nito na ikinalunok ko, bigla akong kinilabutan sa kanyang sinabi. Kahit nakaramdam ng kaunting takot ay hindi ako nagpahalata. Sabi nga nila kapag alam nilang natatakot ka, mas lalo ka nilang tatakutin. " Psh! " tinalikuran ko na ito, kung akala niya masisindak niya ako. ASA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD