Chapter 23

990 Words
" Dwarf! uy dwarf ano ba? tinatawag kita. " sigaw ni Ivo pero hindi ko ito pinansin, ang gago talaga. Ganun na ba ako kaliit sa tingin niya? Nagulat ako nang hilain niya ang manggas ng damit ko kaya napatingin na ako dito. " Gustong gusto mo talaga akong ginagalit e noh! kanina pa kita tinatawag. " galit na sabi nito, umirap na lang ako sa inis, siya pa talaga ang may ganang magalit. " May pangalan po kasi ako. " sarkastikong sabi ko. " Pwes wala akong pakialam, kung ano ang gusto kong itawag sayo, yun ang itatawag ko. " sabi nito, napabuga na lang ako ng hangin tanda ng pagsuko. " Oo na, hindi na ako makikipagtalo sayo. Ano bang kailangan mo at tinatawag mo ako? " tanong ko. " Akin na ang number mo para matawagan kita incase na kailangan ko ang serbisyo mo. " sabi nito saka inabot sa akin ang cellphone niya. " Ha? e diba binigay ko na? " takang tanong ko dito. Noon kasing ipinatawag niya ako, kinyha na niya ang numero ko. " Nagpalit ako ng phone at tinamad akong mag-ayos ng files. Wala rin namang mahalagang files dun. " sabi nito na ikinatingin ko sa cellphone niya, bago nga ito. Itong mg matayaman talaga ang hilig magtapon ng pera. " Okay " sabi ko at kinuha ko na lang ang kanyang cellphone saka tinype ang aking numero. " Siguruhin mo lang na sasagot ka lagi sa mga tawag ko dahil kung hindi, aalisin na kita bilang Personal assistant ko at hindi kana makakalapit sa amin. " banta nito. " As if naman gusto ko talagang lumapit, kung di lang dahil sa kwentong gagawin ko hindi ako magpapaalipin sayo. " bulong ko. " A-ano? " tanong nito na lagi na lang salubong ang kilay. " Wala, aalis na ako. Bye. " sabi ko at akamang aalis na nang hilain niya ang bag ko. " Ano ba? " naiinis na tanong ko dito, na ikinasalubong ng kanyang mga kilay. " Pwede wag kang masungit? ginusto mo tong trabahong to e. " inis na sabi niya habang pinupukol ako ng matatalim na tingin, ang sarap dukutin ng knyang mga mata. " Fine.. ano yun, master? " sarkastikong tanong ko na ikinangisi niya. Mukhang tuwang-tuwa pa ang gago. " Bumili ka ng kape, gusto ko ng kape. " utos nito at tinalikuran na ako, napabuntong hininga na lang ako. " Oh, by the way. Sampo ang bilhin mo at dalhin mo doon sa klase ko, room 204 " sabi nito bago tuluyang umalis, napairap na lang ako. Bakit ko ba kasi pinasok ang problemang to? Matapos bumili ng kape ay nagtungo ako sa building ng Department nila, nang marating ang kanilang room ay nakita kong tahimik ang lahat pero walang guro. Marahil ay takot mag ingay ang ibang estudyante dahil nariyan yung demonyo. May pagdadalawang isip akong pumasok at ngumisi si Ivo nang makita ako, tumayo ito mula sa kinauupuan niya at hinila ako papasok. Pinagtitinginan kami ng lahat, mabuti na lamang at sa damit talaga niya ako palaging hinawakan o hinihila. Kinuha niya sa kamay ko ang mga kape at sinimulang ilabas sa kinalalagyan habang ako nakatayo sa tabi niya, para akong napapaso sa mga tingin ng iba. " Hold this. " utos nito at inilagay sa magkabilang kamay ko ang kapeng napakainit pa. At nanlaki ang mga mata ko nang patungan niya ng isang kape ang aking ulo. " A-anong ginagawa mo? " nag-aalalang tanong ko, ngumisi lang ito. " Mainit yan kaya wag kang gagalaw kung ayaw mong mapaso. " sabi nito, nanginginig na ako sa takot na baka mahulog ang kape at dahil narin sa matinding inis sa lalaking to, tinignan ko siya ng masama ngunit tila wala lang sa kanya. " Ivo.. stop that, hindi nakakatuwang biro yan. " wika ni Jazzie na makikita ang galit sa mukha. Nag evil smile lang si Ivo habang si Jazzie ay mabilis na lumapit sa akin at kinuha ang kape sa ulo ko at pati yung mga hawak ko. " Don't be like this, will you? " inis na sabi ni Jazzie saka ipinatong ng kape sa desk ni Ivo at akmang hahawakan ako sa kamay nng mabilis akong nakaiwas. Tila naunawaan naman niyang ayaw kong mahawakan kaya mabilis niyang hinila ang bag ko, nagpahila na lamang ako. Dinala niya ako sa rooftop ng kanilang department building, umupo siya sa upuan kaya ganun din ang ginawa ko. " Kaya mo pa ba? you can quit Calli kung sakaling ayaw mo na. " sabi nito na ikinalingon ko sa kanya at ngumiti. " Actually, expected ko nang pahihirapan niya ako. Nasimulan ko na to kaya gusto kong tapusin. Dahil naniniwala ako sa kabutihan niya, mayroong kung ano sa puso ko na gusto ko siyang baguhin. " sabi ko at tumingin sa malayo. " If it's because of what i said na gawin mo ang lahat para bumalik siya sa dati, mas mabuting wag na Calli. I don't want you to get hurt because of him, hindi yun kakayanin ng konsensiya ko. " Oh god! ibang iba talag itong si Jazzie sa kanilang tatlo. Siya na yata yung pinakamabait na taong nakilala ko. " Hanggang ngayon nangangapa pa rin ako kung bakit ko ba to ginagawa. Basta ang alam ko lang, buong buhay ko wala pa akong nagagawa na masasabi kong isang achievement. Kaya nng sabihin mong gawin ko ang makakaya ko para bumalik siya sa dating siya, parang nachallenge ako. At gusto ko, is yun sa maging achievements ko sa buhay. " sabi ko na ikinatingin niya sa akin. " You're really something, kaya siguro interesado rin siya sayo. " sabi nito na ikinakunot ng aking noo. " W-what do you mean? " tanong ko, ngumiti ito at tumayo na. " Nothing.. Let's go, may klase kapa. " wika nito at nauna nang naglakad, sumunod naman ako. Minsan nahihiwagaan din ako sa lalaking to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD