" Hey Dwarf! ikaw muna ang bahala kay sunflower. " utos ni Demonyo, ay Ivo pala.
" Okay! " sagot ko na lang, gusto ko rin namang alagaan tong asong to. Ibinigay niya sa akin si sunflower saka umalis.
Wala pa naman kaming klase kaya nagpasya akong ilakad lakad muna si sunflower.
" Calli.. " napalingon ako at nakita si Jazzie, tumakbo ito palapit sa akin at agad akong napaiwas nang akmang aakbayan ako nito, napakunot noo ito.
" Bawal ang shake hands, bawal din ang akbay. " nakangusong sabi nito.
" Sorry. " paumanhin ko, napabuntong hininga ito.
" Napakamisteryuso mo, parehong pareho kayo ni Ivo. "
Sabay kaming naglakad-lakad
" Diba kaibigan niyo si Ivo, bakit hindi niyo alam kung bakit ganun na lamang ang ugali niya? i heard, hindi naman daw siya dating ganyan. " sabi ko.
" Yeah, pero nang makagraduate kasi kami ng highschool ay sinala kami ni Zach sa ibang bansa ng parents namin at doon pinag aral. Bumalik na lang kami dito noong makagraduate kami ng highschool at ganyan na si Ivo na nadatnan namin. " kwento nito.
" Wala ba siyang sinasabi kung bakit? " curious kong tanong.
" Hmm.. wala e, kahit anong pilit namin. Basta ng sabi niya, masama naman daw talaga siyang tao kaya paninindigan na lang niya. " sagot ni Jazzie.
" Huy si Alice, nasa rooftop ng engineering department at balak magpakamatay. " napalingon kami sa babaeng humahangos doon sa kanyang mga kaibigan.
" Ano? Bakit daw? " tanong ng isa sa kaibigan niya.
" Hindi niyo ba alam yung bali-balita? Halos isang taon na siyang pinagsasamantalahan ng stpefather niya. Mukhang hindi niya na kinakaya ang mga naririnig sa paligid at ang ginagawa ng stepfather niya. " sagot ng babaeng kararating na ikinalunok ko.
Bumalik sa aking ala-ala ang lahat, napapikit-pikit ako at napa-atras. Nagsimula na namang pumailanlang sa aking pandinig ang tawa ng mga lalaki na animo'y demonyo. Nabitawan ko ang tali ng aso at napaitakip ang dalawang palad sa aking tainga.
" Calli.. Okay ka lang? " nag-aalalang tanong ni Jazzie na tila hindi ko naman naririnig.
" Hey Jazzie! What's wrong? " tanong niyang muli, kinapa ko ang aking bag at kinuha ang gamot at tubig saka mabilis na uminom.
" Calli... Do you need anything? Gusto mo dalhin kita sa ospital? " tanong ni Jazzie na ikinalingon ko dito. Nanginginig parin ang buo kong katawan at pinagpaawisan ako ng malamig.
" N-no, thanks! " malalakas ang paghingang sagot ko at napatingin sa aso na ngayon ay hawak niya na, nakatingin ito sa akin na tila nakikinig din.
" Pero ang putla mo. " sabi ni Jazzie na puno ng pag-aalala ang mukha at tila hindi makapag-isip ng dapat gawin.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa paligid saka lumingon sa kanya. Mukhang wala namang nakapansin sa nangyari sa akin.
" I'm fine, sinumpong lang yung sakit ko. " sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
" Haphephobia? Di ba, fear of touch yun? and hindi naman kita hinawakan. " nagtatakang sabi nito, tumango ako.
" Kapag may isang bagay akong naaalala, katulad kapag nahahawakan ako ay para akong napupunta sa isang madilim na lugar kung saan naroon ang mga lalaking nanakit sa akin. Naririnig ko ang mga tawa nila at para akong nababaliw sa takot. " paliwanag ko, natulala ito sa narinig at napatingin sa paligid.
" C-Calli... dahil ba sa narinig mong usapan ng mga babae kanina? " tanong nito, malungkot akong tumango.
" Y-you are... you.. "
" I need to talk to her. " kumunot ang noo nito, hindi ko na siya hinintay na magslita at patakbong tinungo ang rooftop ng engineering. Sa baba ay napakaraming estudyante at guro na nakatingin sa babaeng nasa taas. Nakatayo ito sa may may labas ng railings habang nakahawak ang mga kamay nito patalikod.
Kahit hinihingal ay mabilis kong tinungo ang itaas at pagdating doon ay napahinto ako sa may pintuan nang makita si Ivo na kinakausap ang babae.
" Umalis ka diyan ngayon din! " matapang na wika ni Ivo sa babae, tumingin sa kanya ang babae ng walang emosyon.
" Wag kang lalapit kundi tatalon ako! " sigaw niya kay Ivo nang akma siyang lalapitan ni Ivo.
" D*mn! Kung gusto mong kitilin ang buhay mo wag dito. Wag mong idamay ang school sa gagawin mo sa buhay mo. " galit na sigaw ni Ivo na ikina-inis ko, napakuyom ako ng kamao. Napaka-selfish talaga ng lalaking to, he did'nt know what that woman feel.
" Napaka-unfair talaga ng mundo. " nakangising wika ng babae.
" Bakit kailangang ang mga katulad kong mahihirap, ang mga katulad kong sira ang pamilya ay makaranas ng ganito? Samantalang ang iba, may masayang pamilya, nakukuha lahat ng gusto at kulang na lang ay matulog sa napakaraming pera. " dagdag na sigaw ng babae.
" Bakit parang kasalanan namin kung anong meron kami? Huy babae, makinig ka! Kung nngyayari man yan sayo ngayon, kasalanan mo rin. Kung sana noong una palang na gagawin na sayo ang ganyan, umalis kana. Sana kung alam mong hindi mabuting magulang ang magulang mo, iniwan mo na sila dahil kaya mo namang buhayin ang sarili mo. " lumakas ng pintig ng puso ko, demonyo talaga siya.
" Isa pa, wala akong pakialam sa himutok mo, umalis ka dito at sa iba magpakamatay kung ayaw mong ako ang papatay sayo. " banta pa ni Ivo at tinalikuran na ang babae, napahinto ito nang makita ako.
" Ibang klase rin talaga ang kasamaan mo, mukhang mahihiya pa si Satanas sayo. Sana makatulog ka mamayang gabi. " sabi ko dito pero tinignan lang niya ako ng masama.
" Get out of my way! " sabi nito habang nakatingin sa akin ng masama. Napabuga ako ng hangin at tumabi, mabilis naman itong umalis.
Napatingin ako sa babae na umiiyak at umalis doon sa kinaroroonan niya kanina kaya nasisiguro kong hindi na nito itutuloy ang balak sa ngayon pero hindi ko alam mamay o bukas.
Napasalampak ito sa sahig, ang dalawang braso ay ipinatong sa mga tuhod at sinubsob ang mukha doon saka umiyak ng umiyak, lumapit ako dito.
" I know what you feel. " hindi ako nito pinansin at patuloy lang sa pag-iyak.
" Just cry and cry until you become better, that's what you need! " dagdag ko na lalo niyang ikinaiyak.
" I know you're tired and fed-up with this kind of life. I know you're hurting and breaking. But you know what? it's okay to be hurt, that's make you stonger. It's okay to be tired but learn to rest and not to quit. " napa-angat ito ng tingin sa akin habang luhaan ang mga mata, ngumiti ako dito at umupo sa kanyang tabi.
" Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan, marami pang iba. And they keep fighting for their life kaya sana ganun ka rin. Please keep in mind that there is no disgrace in being a survivor of s****l violence. Don't be ashame because shame should be on aggressor. " dagdag ko kahit hindi ko alam kung makakatulong ba ito sa kanya. Kinuha ko ang aking bag at kinuha ang isang libro doon na ang pamagat ay Maximize Your Super Powers by Dr. Capri Cruz. Sana ay makatulong ito sa kanya, inilapag ko ito sa kanyang harapan saka tumayo.
" Sana makatulong ang librong yan sayo at sana sa susunod nating pagkikita ay maayos ka na. " sabi ko saka umalis, tila nakahinga ako ng maluwag.
Ang mga napakaraming tao sa baba kanina ay nawala na, napabuga ako ng hangin at nagtungo na sa aming room. Ngunit bago ko pa man marating iyon ay nakita ko si Ivo na nakasandal sa pader malapit sa pintuan na tila may hinihintay. Mabilis akong naglakad palapit dito at napaangat siya ng tingin sa akin nang makalapit ako.
" Where's sunflower? " masungit na tanong nito, inirapan ko naman siya.
" Binigay ko kay Jazzie kanina. " sagot ko.
" Psh! pabaya talaga kahit kailan. " bulong nito saka ako tinalikuran.
" Teka nga! Bakit ka ba ganyan? " inis na pigil ko dito na ikinalingon niya sa akin.
" What do you mean ganyan? " tanong nito.
" Sana naman inisip mo yung mararamdaman nung babae kanina. Imbes na i-comfort mo yung tao parang inuutusan mo pang mamatay na lang. " deretsong sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata na agad naman siyang nag-iwas.
" Cause i'm evil. " sabi nito saka tumalikod na.
" Ngayon alam mo na, kaya wag kanang lalapit pa sa akin. " dagdag pa nitong sabi habang naglalakad paalis.
Napahilot ako sa aking sintido at napabuga ng hangin. Ano bang gagawin ko sa lalaking to para mapaamo?