" Calli, may naghahanap sayo. " napalingon ako sa isa naming kaklase habang kunot ang noo. It's been three days mula nang huli kaming nagkausap at nagkita ng Ivo na yun, mabuti na lamang at hindi niya ako kinukulit dahil naiinis pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.
" Sino? " tanong ko dito.
" Ang sabi Rafa daw. " sagot nito.
" Thanks! " napalingon ako kay Sophie.
" Sophie, puntahan ko lang. " saad ko, ngumiti ito at tumango. Agad akong napatakbo sa labas at nakita si kuya Rafa na nakaface mask, tinanggal nito sandali ang face mask at ngumiti. Agad ding binalik ang facemask, sinamaan ko ito ng tingin at nilapitan.
" What are you doing here? di ba sinabi ko na sa inyo na wag niyo akong pupuntahan dito? " galit kong tanong, kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata.
" We miss you, baka naman pwedeng umuwi ka kahit sandali. Laging malungkot si mama dahil sa pananabik sayo. Kahit sana magpakita ka lang. " sabi nito na ikinabuntong hininga ko.
" Hindi pa rin kayo nasasanay, ilang taon na ang nagdaan. Ilang taon na tayong ganito. " sabi ko dito.
" Calli, we are your family. Mahal ka namin kaya hindi naman pwedeng basta tanggapin na lang namin na ayaw mo na sa amin. " sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin. Naalala ko na naman ang lahat lahat ng mga nangyari. Nanubig ang aking mga mata na agad kong pinigilan, ayaw kong makita nilang umiiyak ako, ayaw kong malaman nila na mahina ako.
" Hindi niyo ba talaga ako naiintindihan? Hindi niyo man lang ba naisip na sa tuwing nakikita ko kayo ay bumabalik sa ala-ala ko ang lahat? " sumbat ko dito.
" Pero Calli, pare-pareho naman nating hindi ginusto ang nangyari. Isipin mo rin sana na nasasaktan rin kami para sayo. Kung sana, pakinggan mo man lang ang paliwanag namin. " hindi ako umimik kahit na gustong-gusto ko na siyang sabihan ng masasakit, ayaw kong mawala ang respeto ko sa kanya dahil mas matanda ko pa rin siyang kapatid.
" Bakit hindi mo kami bigyan ng pagkakataong itama ang mali namin? Bakit hindi tayo magsimulang muli? " tanong nito na ikinaangat ko ng tingin sa kanya. Maliit lang ako at matangkad si kuya kaya kailangan ko pa siyang tingalain.
" Para ano? Saktan ulit ang sarili ko? Umasa ulit na proprotektahan niyo ako at mamahalin? Hindi na, ayaw ko nang masaktan at malugmok ulit. " saad ko, kita ko ang panunubig ng mga mata nito na agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko sila pwedeng makitang umiiyak dahil baka lumambot ako.
" C-Calli naman... Yes we failed to protect you pero ginawa naman namin ang lahat para..." basag ang boses na sabi nito.
" Umalis kana, pupunta ako doon bukas para manahimik na kayo. " sabi ko na lamang para umalis na siya. Tumango ito at ngumiti bago tuluyang umalis. Alam nilang ayaw kong makilala sila ng mga nakapaligid sa akin, ayaw kong malaman nila na sila ang pamilya ko.
Nagtungo muna ako ng CR para ayusin ang sarili bago nagtungo sa aming classroom. Doon ay nakita ko ang isang babaeng nakasandal sa may pader habang nakayuko, ito yung babaeng magpapakamatay sana noong nakaraan. Tinignan ko ang kanyang itsura at malayong-malayo ito sa itsura niya nang araw na yun, mukhang maayos na siya. Nakangiting lumapit ako dito at agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti rin sa akin.
" Hi! " masayang bati nito.
" Hello! Mukhang maayos kana ah! " sabi ko dito, nakangiting tumango ito.
" Pwede ba tayong mag-usap sa tahimik na lugar? " tanong niya, ngumiti ako saka tumango. Marami kasing nakiki-usyusong estudyante. Nagtungo kami sa isang garden at umupo sa isang bench doon, tahimik ang paligid at mukhang walang nagtutungo dito.
" Salamat sayo, kung hindi sayo baka wala na ako ngayon. Salamat din dito. " sabi nito saka inabot sa akin ang nakapaper bag na libro, nakangiting kinuha ko ito.
" Wala yun, masaya ako na maayos ka na. Hiling ko ang kaligayahan mo. " seryusong sabi ko, tumango naman ito.
" Ako nga pala si Alice Cruz, engineering student, 1st year. " pagpapakilala nito at inilahad ang kamay, nawala ang ngiti sa aking labi dahil dito at napaiwas ako ng tingin. Napakunot noo ito at agad binawi ang kanyang palad.
" I'm Callixta Enrique, just call me Calli. 1st year sa kursong Bachelor of Arts in Sociology. " pagpapakilala ko at napatingin sa kanya.
" Hindi ako pwedeng mahawakan, i have haphephobia. A fear of touch! " napakurap-kurap siya sa narinig.
" Mukhang mas malala ang napagdaanan mo kesa sa akin. " malungkot na sabi nito saka tumingin sa malayo.
" Hindi rin, mas malala ang napagdaanan mo kumpara sa akin. Mas naging matapang ka lang kaysa sa akin. Ako kasi napabayaan ko ang sarili ko kaya naging ganito ako. " saad ko, ngumiti namam ito.
" Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala akong kaibigan dahil pinandidirihan ako ng lahat. " mapait na sabi nito, nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Wala nga siyang haphephobia pero halos pareho naman kami ng kalagayan pagdating sa mga tao sa paligid namin.
The world is so cruel, ganito na ba katoxic ang mindset ng ibang tao? Yung imbis na damayan nila ang mga taong nahihirapan at may pinagdadaanan ay itinataboy at pinanandirihan pa. Akala ko ba ang mga Pilipino ay matulungin at mapagmahal sa kapwa?
" Oo naman noh! Mamaya ipapakilala rin kita sa kaibigan ko, mabait yun. " saad ko na ikinangiti niya at tumango. Napatingin kami sa paligid, nakakarelax dito.
" Palagi ka dito? " tanong ko.
" Oo, dito ako tumatambay lalo kapag may problema ako at wala akong makausap. Mga damo at halaman ang kausap ko. " natatawang sabi nito na ikinatawa ko rin.
" Ngayon may makakausap ka na, puntahan mo lang ako sa department namin or tawagan mo ako anytime. " sabi ko sabay lahad ng aking cellphone, nakangiti naman niyang kinuha iyon saka kinopya ang aking numero.
Nang matapos ay tamang-tama naman na tumawag si Sophie na agad kong sinagot.
" Hello, Sophie. " bungad ko
" Where are you? Kanina pa kita hinahanap e. Tapos na ang klase hindi ka pa rin bumabalik, are you okay? " napangiti ako sa pag-aalala nito, oo nga pala may klase pala dapat kami kanina.
" Nasa garden lang ako, asan ka na ba? Puntahan kita. "
" I'm at cafeteria with Elji. " sagot nito.
" Okay, hintayin niyo ako diyan. Bye! " paalam ko dito saka pinatay ang tawag, napalingon ako kay Alice na nakatingin sa akin.
" Tara sa cafeteria, libre kita. Tuloy ipakilala kita sa mga kaibigan ko, mababait ang mga iyon. " aya ko dito.
" Ha? Okay lang ba? " nag-aalinlangan niyang tanong, ngumiti ako dito ng malapad.
" oo naman noh! Hindi yun sila maarte sa kaibigan. " ngumiti ito at tumango, tumayo na ako at sumabay na rin siya.