Chapter 26

878 Words
Pagdating namin sa cafeteria ay nadatnan namin si Sophie at Elji doon sa pang-apatan na table sa isang gilid, agad akong lumapit at nakasunod naman si Alice. " Calli, saan ka galing? " tanong ni Elji at naptingin sila kay Alice. " Ah, sa garden lang. By the way, this is Alice. Alice this is Elji and Sophie. " pagpapakilala ko, ngumiti naman si Alice sa kanila. " Hello Sophie, hello mam Elji. " nahihiyang bati ni Alice, ngumiti naman ang dalawa. " Oh ikaw yung babae noong nakaraan! " wika ni Sophie, nakita kong siniko siya ni Elji kaya hindi na nagsalita pa. " Sit down! " wika ni Elji, umupo ako at ganun din si Alice kaya nasa harap na namin sila. " I'm glad that you're okay na. " sabi ni Elji na ikinatingin ko dito. " Magkakilala kayo? " tanong ko. " Ah, nakalimutan mo na yata Calli na ako ang guidance councelor dito. " sabi ni Elji. " Salamat nga po pala sa mga payo, malaking tulong din po ang mga yun sa akin. " wika ni Alice. " Naku wala yun, by the way let's eat. Calli, kumuha na kayo ng food niyo ni Alice, my treat. " napangiti ako ng malapad. " Tara Alice, siya na magbabayad mas mapera yan sa akin. " sabi ko na ikinatawa nila. Tumayo kami ni Alice at nag-order ng food. Pagbalik namin ay nagkwekwentuhan ang dalawa. " Alam mo Alice, dalasan mo ang pagsama sa amin or kapag busy ako, sumama ka dito sa dalawa. " sabi ni Elji habang kumakain kami. Ibang-iba ang pakikitungo niya kay Alice kaysa kay Diane. Sabagay si Diane hindi niya kilala, si Alice may kaunting alam na siya tungkol dito. " Kung okay lang sa dalawa. " nahihiyang sabi ni Alice. " Ano ka ba? Okay lang sa amin noh! Kulang kaya kami sa kaibigan. " sabi naman ni Sophie na ikinangiti namin. " Sige, salamat sa pagtanggap. " wika ni Alice. " Wag na wag kang mahihiya sa dalawang yan, dahil sila walang hiya mga yan. " sabi ni Elji. " Grabe ka naman! " angal ni Sophie na ikinatawa namin. Masaya kaming nagkwentuhan hanggang sa nagsibalik na kami sa aming mga classroom at si Elji ay sa kanyang opisina. Matapos ang klase ay agad nagpaalam si Sophie na uuwi na, hindi ko na rin nakita si Diane kaya nagpasya na rin akong umuwi. Pagdating ko ng tinitirahan ko ay nagbihis muna ako saka nagluto. Tamang-tama naman na may kumatok sa pinto nang matapos akong magluto. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin si Sky na nakangiti kaya napangiti rin ako. " Pasok ka! " wika ko, pumasok naman ito at pinaupo ko sa sofa. " Dinala ko lang to, nakita ko kasi noong nakaraan na may ganito kang vitamins. Ang dami kasi sa bahay, ayaw ko ring uminom nito kaya sayo na to. " sabay abot sa akin ng nakapaper bag, kinuha ko ito at tinignan. May dalawang bote ng vitamin C na tulad ng iniinom ko. " Salamat, tamang-tama hindi ko mahanapan yung vitamins na binili para sa akin ni Elji. Nagagalit pa naman si Elji kapag hindi ako nakakainom nun, ewan ko ba sa babaeng yun. Para siyang nanay ko. " natatawang sabi ko na ikinatawa niya rin ng mahina. " Mahal ka kasi niya bilang kaibigan. " sabi nito na ikinangiti ko ng malapad. " Oo nga e, ang swerte ko sa kanya. Teka, kumain ka na? " " Hindi pa, balak kong kumain na lang sa labas. Tinamad akong magluto. " sagot niya. " Naku wag na, dito ka na kumain. Mag-isa lang naman ako, tamang-tama kakatapos ko lang magluto nang kumatok ka. " sabi ko, napakamot ito sa ulo. " Wag na! " sabi nito. " Naku halika na, masarap aking magluto. " sabi ko at tumayo na, ngumiti naman ito saka tumango. Sabay kaming nagtungo sa kusina at pinaupo ko na lang siya at ako na ang naghain. " Kailan pala uuwi ang parents mo? " tanong ko habang kumakain kami. " Hindi ko pa rin alam pero kapag nagsawa ako dito susunod ako sa kanila, gusto ko ring ma-experience ang buhay sa probinsya e. " sagot nito. " Ako rin, parang ang peaceful kasi ng buhay doon. Parang ang sarap tumambay roon sa malawak na bukirin o sa tabing ilog tapos magsusulat ako ng kwento. Tapos ang tanging maririnig ko lang ay mga huni ng kulisap o mga ibon. " sabi ko at tila binubuo sa isip ko ang eksenang iyon, napangiti naman ai Skuly habang nakatingin sa akin. " You're right! Tapos ang mga pagkain doon ay mga fruits ang vegetable na inaani sa sariling mga tanim. " sabi rin nito. " Sa bakasyon talaga, magbabakasyon ako sa lola ko. " sabi ko. Yung lola ko kasi sa mother side ang buhay pa at nasa probinsya nakatira. Kinukuha ni mama dito pero ayaw niya, mas gusto niya daw ang buhay doon. " Go Calli, malay mo doon mo mabuo yung magandang kwento na papatok sa panlasa ng mga readers mo. " sabi nito na ikinangiti ko. Okay din pala ang may kasama minsan, hindi ka mabobored at mapapaisip ng kung anu-ano. Tapos magkwekwentuhan lang ng mg magagandang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD