Nang matapos mag-usap ay bumalik na rin kami sa aming mga rooms.
Sabado ngayon at papunta ako sa magulang ko, sakay ako ng aking motor.
" Calli... anak. " masayang salubong ni mama sa akin, akmang yayakapin niya ako pero mabilis akong nakaiwas na ikinalungkot niya. Pero agad din namang ngumiti sa akin.
" Tara na sa loob, naroon na ang mga kuya at papa mo. " masayang sabi nito, tumango lang ako at naglakad na kami papasok. Dumeretso kami sa may dining table kung saan naroon na ang lahat at sinalubong ako ng ngiti habang ako at seryoso lang ang mukha.
" Calli anak... " tila nananabik na wika ni papa at akmang yayakapin din ako pero mabilis akong nakaiwas, nagtinginan silang lahat. Hindi ko na lamang pinansin at umupo na lamang, si paa naman ay malungkot na bumalik sa kanyang upuan.
" Let's eat! " pagbasag ni mama sa katahimikan. Tahimik lamang akong kumilos at wala rin naman akong balak sabihin sa kanila.
" Oo nga pala Calli, ikakasal na ang kuya Adam mo sa Sabado, pumunta ka ha! " masayang balita ni mama, nakatutok lamang ang mga mata ko sa aking plato at hindi binalak na lingunin sila.
" Para ano po? " tanong ko, muli silang nagkatinginang lahat.
" Diba noong bata ka nangako ako sayong gagawin kitang bridesmaid, kaya kinuha kita. " masayang sabi ni kuya sabay akbay sa kanyang fiancee na hindi ko naman kilala dahil hindi naman ako umuuwi talaga dito.
" No thanks, i'm busy. " sagot ko saka sumubo.
" Pero- " pinigilan siya ni mama kaya nanahimik na ito.
" Oo nga pala, naisip kitang bilhan ng kotse para hindi na motor ang gamit mo. Delikado ng motor lalo na kapag gabi. " masayang wika ni papa.
" Hindi ko po kailangan ng kotse, isa pa hindi naman ako masiyadong lumalabas ng gabi. Mas gusto ko po ang mga bagay na pinagpapaguran ko. " saad ko, nagkatinginan silang lahat.
" O sige, pero sana anak kahit tuwing sabado o linggo ay makapasyal ka nmam dito. " sabi ni papa na ikinahinto ko at tumingin sa kanilang lahat.
" Akala ko po ba nagkakaintindihan na tayo? Nagpunta lang ako ngayon dahil mapilit kayo. " saad ko, tahimik silang lahat at kita ko ang lungkot at sakit s kanilang mga mata habang si mama ay tila naluluha na.
" Anak, hanggang kailan mo ba kami balak itaboy? " nalungkot na tanong ni mama, napabuga ako ng hangin.
" Hanggang ngayon nangangapa pa rin ako kung itinuturing niyo ba talaga akong kapamilya, kung mahal niyo ba talaga ako. " napahinto sila at napatingin silang lahat sa akin.
" Mahal ka namin Calli at lahat ginagawa namin para lang maging maayos tayo pero ikaw itong pinagtutulakan kami papalayo. Na akala mo ay may sakit kami na dapat mong iwasan. " may hinanakit na sabi ni kuya Ryan, napangiti ako ng mapait sa sinabi nito.
" Stop acting like you don't know what happened to me and why i'm like this. " mariing sabi ko. Tinapik ni mama ang balikat ni kuya Ryan nang akma itong magsasalita.
" Tapos na akong kumain, aalis na ako. " sabi ko saka binitawan ang kutsara at tinidor saka tumayo.
" Pero halos wala ka pang nakakain. Anak, nag aalala na ako sayo, sobrang payat mo na. Baka magkasakit ka na niyan." nag-aalalang wika ni mama.
" Edi mabuti, mas okay nga yun e. Kesa buhay nga ako, feeling ko naman wala lang din silbi ang buhay ko. " sagot ko. Ilang beses ko na bang hiniling na kunin na lamang ako ng diyos? Hindi ko na yata mabilang lalo na kapag takot na takot ako sa mga tao na mapadikit sa akin.
" Anak, wag naman ganyan. Kumain ka na, mamaya ka na umalis. " pakiusap ni mama.
" Busog na po ako, wag kayong mag alala dahil inaalagaan ko ang sarili ko. " sabi ko.
" Calli, sit down. " mariing wika ni papa na ikinalingin ko dito, nakita kong pinipigilan siya ni mama na magalit na ikinangiti ko ng mapakla.
" Sabi ko tapos na ako. Isa pa, wala akong balak magpunta dito kung hindi lang kayo makulit. " mataas ang boses na sabi ko.
" Calli, no need to raise your voice, hindi kami bingi. Isa pa, irespeto mo naman kami o kahit si papa at mama na lang, idagdag mo pang nasa harapan tayo ng pagkain.. " tila naiinis na sabi ni kuya Rafa.
" Hindi ako nagpunta dito para makipagtalo kaya sana pabayaan niyo na ako. Aalis na ako, i have a lot things to do. Enjoy your dinner. " sabi ko at akmang tatalikod na nang may maalala.
" And oh by the way, i'm busy this coming Saturday. Just enjoy the wedding at sana wag niyo na rin akong pupuntahan sa school. " sabi ko at mabilis silang tinalikuran.
Pagkasakay ko ng motor ay rinig ko ng pagtawag ni mama na tila patakbong palapit sa akin kaya agad kong pinaharurot ang aking motor, sa tuwing napapalapit ako sa kanila nakakaramdam ako ng galit, lagi kong naaalala ang nakaraan.
Pagkauwi ko ng bahay ay napatingin ako sa garden, nakita ko doon si Sky na nakatalikod at mukhang may kausap sa cellphone. Naglakad ako palapit doon, gusto ko lang ng may makakausap.
Pagkalapit ko ay napakunot noo ako nang marinig ang pangalan ni Elji, hindi ko masyadong narinig ang sinabi at tanging pangalan lang ni Elji ang narinig ko.
" Sky! " tawag ko dito na agad niyang ikinalingon, tila nagulat pa itong nakita ako. May something kaya sila ni Elji? Baka may gusto siya kay Elji.
" Si Elji yang kausap mo? " nakangiting tanong ko, napatingin siya sa cellphone niya.
" Ha? Ah oo. " sagot nito.
" Ah, Elji let's talk later. Andito si Calli. " saad nito at nagpaalam na kay Elji saka ako nilingon.
" Sut down! " sabi nito, ngumiti ako at tumango. May bench kasi dito, umupo siya at umupo naman ako sa tabi niya.
" Saan ka galing? " tanong nito.
" Sa parents ko! " malungkot kong sagot.
" Sa patents mo? E bakit ganyan ang mukha mo? Di ba dapat masaya ka? " ngumiti ako ng mapait.
" Yun naman talaga dapat, masaya ako dapat pero wala e. Kasi may sama pa rin ako ng loob sa kanila at hindi ko pa rin magawang magpatawad. " pag-amin ko.
" Alam mo ganyan naman talaga minsan, ako sa totoo lang madalas din sumama ang loob ko sa parents ko. Minsan kasi pakiramdam ko nasasakal ako sa kanila o minsan sobra na yung pakikialam nila sa buhay ko. Pero, pilit ko silang inuunawa kasi alam ko na para sa ikabubuti ko rin ang iniisip nila kaya sila nagkakaganoon. " kwento nito.
" Sana nga ganun lang kadali pero sa akin kasi ang hirap. Hindi kasi ganun kadaling kalimutan ang ginawa nila sa akin. " tumingin siya sa akin, tumungin naman ako sa malayo.
" Sky, paano kung may nangyaring masama sayo tapos imbis na hanpin ng family mo ang nanakit sayo at pagdusahin sa nagawang kasalanan ay nanahimik lang sila at nagpanggap na parang walang nangyari? Magagalit ka ba? Magagawa mo ba silang patawarin? "
" Ofcourse magagalit ako but i want to know their sides too, kung bakit nila itinago ang nangyari. " saad nito.
" I tried Sky, i always ask them why they did that pero parati silang walang sinasabi. Kaya mas lalo akong nagagalit. How can i forgive them if they can't explain to me why they choose to hide what happened? "
" Maybe, they choose to be silent for your own good. Baka iniisip nilang mas nakakabuting wag ipaalam sa ibang tao para hindi ka pagpyestahan ng marami at para hindi ka balikan ng taong nanakit sayo. " sabi nito, lagi ko ring naiisip yun pero mukhang malabo.
" I don't think so, i think they did that to save our family image. Kasi at that time kumakandidato si papa sa pagka Governor. " tumingin ito sa akin.
" So you're the daughter of Gov. Enrique. " sabi nito, napabuga ako ng hangin.
" Yeah, sana nga pwedeng magpalit ng magulang o kaya ay may mag-ampon sa akin. " saad ko.
" Ampunin na kita! " napatingin ako sa kanya at nakangiti ito.
" Mukha rin naman kitang anak sa height mong yan. " natatawang sabi nito na ikinatawa ko.
" Baliw! "
" Yan tumatawa ka na, mas bagay sayo yan. " sabi niti na ikinangiti ko.
" Teka nga, anong meron sa inyo ni Elji? Bakit kayo magkausap? Gusto mo ba siya? " tanong ko dito, nag-uwas ito ng tingin at napakamot sa ulo.
" Hindi, friend lang kami. " sabi nito, sus idedeny pa e halata naman.
" Sus, friend daw. " nagdududang sabi ko.
" Oo nga, halika sa loob magluluto ako ng chicken barbecue, doon ka na kumain. " aya nito at tumayo na.
" Sunod na lang ako, magbibihis pa ako. " sabi ko at naglakad na rin.
" Okay, pasok ka lang bukas lang ang pinto. " sabi nito at pumasok na sa loob, ako naman ay umakyat sa aking tinitirahan. Mula nang huli kaming magkita ni Diane, hindi na ito ulit nagpakita sa akin.
Kumusta kaya ang babaeng yun?