Abala ako sa pagbabasa ng libro nang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako sa aking cellphone, kinuha ko ito at napakunot ang aking noo nang makita ang unknown number na tumatawag.
" Hello? " bungad ko dito nang sagutin ito.
" Pumunta ka dito sa Cauti Bar, ngayon din. " muntik ko nang maihagis ang aking cellphone nang marinig ang kanyang boses.
" I-Ivo? " bulalas ko, rinig ko ang malademonyong tawa nito.
" Sino pa ba? pumunta ka na dito ngayon din. Kailangan ko ng makakasama mag inom. " sabi nito na ikinabuga ko ng hangin.
" Gabi na at kailangan ko nang magpahinga, hanggang sa pagpapahinga ko ba naman bubulabugin mo ako. Yung mga kaibigan mo ang papuntahin mo. " inis na sabi ko dito.
" Pupunta ka ngayon din o aalisin na kitang Personal assistant ko. " banta nito, napakamot ako sa ulo, ano ba tong napasukan ko?
" Oo na, pupunta na nga e. " sabi ko at pinatay na ang tawag, inihagis ko ang aking cellphone sa kama at padabog na binuksan ang kabinet at nagsuot ng pants at hoddie jacket, nagsuot na rin ako ng gloves para kahit mahawakan ko siya okay lang.
Ewan ko ba kung bakit napakasensitibo ko pagdating sa balat ko. Oras na nahawakan ang balat ko bigla akong nawawala sa sarili. Binabalik ako sa nakaraan kung saan dapat ko na sanang kalimutan.
Nag-taxi na lang ako, pagdating ko doon ay kulang na lang pati birthcertificate ko ay hanapin ni kuyang guard, buti pinapasok din ako sa huli. Hinanap ko si Ivo pero hindi ko makita, ang daming tao.
Napatingin ako sa aking likod nang may umakbay sa akin, buti na lang talaga naka hoddie jacket ako.
" Let's go! " sabi nito at hinila niya ako sa damit sa likod ko, palayo sa napakaraming tao, amoy ko ang matapang na alak na nagmumula sa kanya. May binuksan siyang isang pintuan. Tingin ko private room ito, iba na pag mayayaman.
Binitawan niya ako nang makapasok kami at umupo siya sa sofa kung saan naroon sa harap niya ang iba't-ibang mga alak.
" Sit down and let's have a drink. " utos nito, umupo ako sa harap niya.
" Hindi ako umiinom. " napaangat ito ng tingin sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" Kailan ka ba nabuhay ha? huy lahat ng kabataan ngayon nag-iinom na. " napairap ako dito.
" Hindi lahat! saka teka nga, bakit ka ba nandito at pati ako dinadamay mo? " tanong ko, itinagay nito ang isang bote, napailing na lang ako.
" Gusto kong makalimot.. " nakayukong sabi nito saka muling uminom ng alak.
" Gusto kong kalimutan ang nakaraan na paulit-ulit na lang akong binabagabag. " napahinto ako sa narinig, nakaraan na bumabagabag sa kanya? kung ganun pareho nga kaming may mapait na nakaraan?
" Hindi ko yun ginusto, hinding-hindi. Wala lang akong choice, wala. Minsan gusto ko na lang patayin ang sarili ko, para mabawasan yung guilt na nararamdaman ko. " I saw tears in his eyes na agad niyang pinunas. I didn't expect that the evil man in front of me ay may kahinaan din, na marunong ding umiyak at maguilty.
" Pareho lang tayo, ganyan din ang nararamdaman ko. Wala naman akong ginawang masama pero bakit pinaparusahan ako ng ganito? Pero ginagawa ko ang lahat para malagpasan ang lahat ng ito kahit na mahirap. Dahil naniniwala pa rin ako na sa dulo, may naghihintay na isang magandang kapalaran para sa akin. " kwento ko na ikinatingin niya.
" Five years ago, there's someone I like. I did a lot of things for her, i even hated myself. I promise to find her and take care of her for the rest of my life. Hinahanap ko siya kahit na wala akong lakas ng loob na harapin siya. I'm afraid that she might mad at me. At baka nga isang demonyo ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. " he smiled bitterly and drink alcohol. I don't know why I feel strange, parang may kumurot sa puso ko.
" Wala namang masama kung di mo susubukan. Malay mo naman napatawad ka na niya. " payo ko. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-inom habang ako ay pinapanood siyang nagpapakalunod ng alak.
Napailing ako nang mapahiga ito sa kinauupuang sofa at mukhang tulog na. Kinuha ko ang aking cellphone at nakitang alas onse na ng gabi. Tawagan ko na lang siguro si Sophie para hingiin ang number ni Jazzie para masundo na nila itong kaibigan nila.
" Calli? bakit? " inaanto na tanong ni Sophie nng sagutin ng tawag ko.
" Sophie pwedeng pasend yung number ni Jazzie at Zach? ipapasundo ko lang sana si Ivo sa bar. "
" Sure, wait a minute. " sabi nito, nakakahiya naisturbo ko pa ata sa tulog niya.
" Sige Sophie, salamat. Bye! " paalam ko.
" Bye Calli. " pinatay na nito ang tawag, ilang sandali pa ay tumunog na ang aking cellphone at nabasa ko ang numero nina Zach at Jazzie.