Chapter 29

1284 Words
Agad kong tinawagan si Jazzie pero hindi ito sumasagot. Nakalimang tawah na ako pero wala parin kaya isinunod ko si Zach. " Hello? who's this? " bungad nito. " Zach, this is Calli. I got your number from Sophie. " sagot ko. " Oh Calli, bakit ka napatawag? " " Lasing na lasing kasi si Ivo dito sa bar, pwedeng pakisundo ang kaibigan mo? " tanong ko. " Ha? naku sorry Calli, pwedeng ikaw muna ang bahala sa kanya? sinugod kasi sa ospital ang papa ko kanina kaya di ako pwedeng umalis at magbabantay ako. " ngayon ko lang nahimigan ang pagod sa kanyang boses, bigla tuloy akong naguilty. " Si Jazzie kasi nasa Singapore, biglaan din ang punta niya doon kanina. " dagdag pa niya. " Sige Zach, pasensiya na. Sorry sa isturbo, ako na bahala kay Ivo. " sabi ko. " Salamat Calli, bye. " napabunyong hininga ako nang patayin niya ang tawag at napagingin kay Ivo. Mabuti n lang ala at balot na balot ako bago nagtungo dito. Nilapitan ko ito at sinimulang gisingin. " Ivo.. Ivo.. tara na umuwi. " sabi ko dito, nagmulat lang ito ng mata at ngumiti na ikinalunok ko. Bakit ang gwapo niya pag nakangiti? tapos ng lapit ko pa sa kanya. Ipinilig ko ang ulo para alisin ang nasa isip at sinimulang akayin si Ivo, hirap na hirap ako dhil sa laki nito tapos ang liit ko lang. Nang makalabas ay naghanap ako ng taxi, mabuti na lang at may napadaan kaagad. Pagkasakay ay nasapo ko ang aking noo nng maalalang diko alam kung saan ang condo nito. Bahala na, iuuwi ko muna sa tinitirahan ko. Pagdating namin doon ay hirap na hirap akong ibaba siya sa sinakyan naming taxi. Pagkababa ay halos matumba na naman kaming dalawa dahil mabigat ito at ang liit ko lang din, sure akong mahihirapan akong iakyat siya sa hagdan. " Calli! " napalingon ako sa nasa likod namin, it was Sky. Salamat naman sa Diyos. " Sky! " " Sino yan? " takang tanong nito, napabuga ako ng hangin. " Kaibigan ko, pwedeng patulong akong iakyat siya sa taas? " pakiusap ko, tumango naman ito at tinulungan aking akayin si Ivo. Inakyat namin ito at agad kong binuksan ang pintuan saka ito dinala sa aking kama. Siguro ay sa sofa muna ako matutulog sa ngayon. " Salamat ha! " pasalamat ko kay Sky pagkatapos. " wala yun. " " Saan ka pala galing? " tanong ko, nakapantalon ito, white shirt at jacket tapos naka-cap din. " Nakipag-inuman sa kaibigan. " sagot nito, kaya pala amoy alak din ito, naatingin siya kay Ivo. " Talaga bang kaibigan mo yan? Safe ka bang kasama yan dito? " tanong nito na ikinangiti ko, nakikita ko kasing concern ito sa akin. " Oo, mabait yan kaya don't worry. " tumango naman ito. " Kung ganun, alis na ako. Kapag kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako. " " Sige salamat! " tumango ito at sinamahan ko siya hanggang sa pintuan. Paglabas niya ay agad kong sinara ang pinto at nagtungo sa kusina para kumuha ng pampunas kay Ivo. Pagbalik ko ng kwarto ay inalis ko ang jacket nito at sapatos saka medyas, sinimulan ko siyang punasan sa kanyang mukha. Ang gwapo sana ng lalaking to kung hindi laging galit sa mundo. Ang kaal ng kilay, ang haba ng mga pilikmata, may kalaliman din ang kanyang mga mata na bumagay sa kanya. Matangos ang ilong at ang kinis ng balat. Napalunok ako nang mapatingin sa kanyang labi, mapupula ang mga ito na tila kay sarap halikan. " Calli ano bang iniisip mo? " ipinilig ko ang ulo at pinalis ang nasa isip at nag concentrate sa pagpupunas, matapos sa mukha at leeg niya ay sa kamay at paa naman. Nang matapos ay sinindihan ko yung aircon, minsan lang ako magbukas nun dahil okay na sa akin ang electric fan lang. Pero dahil si Ivo ito na alam kung hindi sanay sa simpleng buhay na meron ako, hayaan ko siyang mag-aircon. Nang matapos ay kumuha ako ng unan at comforter saka nagtungo sa sala at doon humiga. IVO Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko, pagmulat ko ng mata ay isang hindi pamilyar na maliit na kwarto ang bumungad sa akin. Agad akong napaupo, inikot ko ng tingin ng kwarto at nakita ang jacket ko sa isang upuan at ang sapatos saka medyas sa gilid ng kama. Kinuha ko ang mga ito at lumabas ng kwarto, paglabas ko ay dito ko napagtanto na narito ako sa tirahan ni Calli. Oo nga pala, tinawagan ko nga pala siya kagabi. Psh! Sana tinawagan na lang niya sina Jazzie para sunduin ako, kaysa inuwi niya ako dito. Inikot ko ang paningin at natagpuan ko siya sa sofa na tahimik na natutulog. Lumapit ako dito at napangiti nang mapagmasdan ang mukha nito. Kapag tulog akala mo ay anghel, pamilyar sa akin ang mukha niya. Lalo na ang mga mata niya, parang nakita ko na siya sa kung saan. Maliit nga siya pero maganda siya, maganda rin ang katawan niya. Napailing ako nang marealize ang nasa isip ko. Nag-iwas ako ng tingin at napangiti nang makita ang marker pen sa center table. Kinuha ko ito at binuksan saka umupo sa gilid ni Calli tapat ng mukha at sinimulang sulatan ang kanyang makinis na balat. Siguradong bwisit na bwisit na naman ito sa akin paggising niya at makita ito. Nilagyan ko siya ng tatlong guhit sa pisngi na parang pusa. Nilagyan ko rin ng bilog sa tuktok ng kanyang ilong tapos pinakapal ko ang kilay niya gamit ang marker pen. Pigil na pigil ko ng tawa ko nang matapos at mapagmasdan ito. Tumayo ako at lumayo saka kinapa ang cellphone sa bulsa ng jacket, narito naman ito. Tinawagan ko ang driver sa bahay at nagpasundo nang matapos ay napansin kong gumalaw si Calli at kasabay nito ay nagmulat na siya ng mata. " Aalis na ako! " sabi ko, umupo siya at tumingin sa akin. " Buti naman, para masolo ko ng kwarto ko. Napabukas pa ako ng aircon dahil sayo. " reklamo nito, ibang klase talaga ang babaeng to. " Wag kang mag-alala babayaran kita. " sabi ko na ikinakunot ng noo niya. " Hindi ko kailangan ng pera mo, umuwi ka na kung gusto mo. " sabi nito at nagtungo na sa kusina. Psh! Hindi man lang ba niya ako ipagluluto bago ko umuwi? Kahit naman hindi ako kumakain ng agahan, gusto ko pa ring subukan niya akong ipagluto. Hayst! Bakit ba ako ganito? Makaalis na nga. " I'm going! " saad ko at hindi na hinintay na sumagot siya, paglabas ko ay narito na ang sundo ko. " Pahatid po sa bahay ko " simpleng utos ko. " Sige po sir. " sagot nito, pinagbuksan niya ako ng pinto na agad naman akong pumasok. Mabilis naman siyang umikot sa driver seat at pinatakbo ang sasakyan. Pagdating sa bahay ko ay pinauwi ko rin ito sa family house namin, naligo ako at nagbihis dahil may pasok pa kami. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito, kinuha ko ito at napangiti nang makita ang pangalan ni Calli saka ito sinagot. " Bwisit ka talagang animal ka... " agad kong nailayo sa tainga ang cellphone ko sa sigaw nito. " Wala ka na bang magawa sa buhay mo? Nakakainis ka talaga! Bwisit ka! " sigaw pa nito na ikinatawa ko ng mahina, siguradong nakita na niya ang mukha niya at parang gusto king makita ang itsura niyang galit na galit ngayon. " Wala pang sumisigaw sa akin ng ganyan, wait for your punishment. " sabi ko saka ito pinatayan. Napangiti ako at napailing saka nagdesisyong pumasok na sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD