" Callixta Enrique, please proceed to the basketball court. Ivo is waiting for you. " napayuko ako dahil sa narinig. Nasa classroom ako at buong school ay narinig ang sinabi ng kung sino man. Bakit doon pa niya ako ipinatawag? Sana tinawagan na lang ako ng demonyong yun. Hindi ko pa nga makalimutan ang ginawa niya sa mukha ko kaninang umaga. Pagkatapos ko siyang tulungan kagabi ganun oa ang gagawin sa akin, nakakabwisit.
" Calli, samahan kita. Total mamaya pa ang klase natin. " sabi ni Sophie, tumango ako dito at kinuha ang aking bag saka tumayo, ganun din ng ginawa nito at sabay kaming lumabas.
" Calli, are you sure na kaya mo pa ang ginagawa sayo ng Ivo na yun? " tanong ni Sophie habang papunta kami sa basketball court.
" Kaya ko pa naman, isa pa alam ko na may kabutihan din siyang tinatago. " sagot ko, hindi ko pa nga pala nasasabi kay Sophie ang tungkol sa una naming pagkikita ni Ivo. Bilin kasi nito na wag ko ipagsabi sa iba, baka lalo na naman aking pahirapan nun. Kahit na nabubwisit ako sa kanya ngayon ay naniniwala pa rin ako sa kabutihan ng g*gong yun.
Saktong pagpasok namin ng basketball court at bigla na lang akong natumba dahil sa pagtama ng bola sa aking ulo. Nakaramdam ako ng hilo at napapikit, kung sino man ang bumato sa akin lord kunin mo na at ikaw na ang bahala.
" Ivo... sumusobra ka na. " rinig kong sigaw ni Sophie na halata ang galit kaya napamulat ako.
" Ops.. sorry. nadulas sa kamay ko yung bila. " nakangising wika ni Ivo, sinamaan sila ng tingin ni Sophie saka ako nilingon.
" Are you okay? " nag-aalalang taong nito, ngumiti ako at tumango. Inalalayan naman niya akong makatayo. Sayang talaga ang kagwapuhan ng lalaking to. Hindi tugma yung mukha sa ugali niya.
" What do you want? " cold na tanong ko dito. Konti na lang ang pasensiya ko sa kanya, papatulan ko na talaga to.
" Ibili mo kami ng pagkain, nagugutom na ako. " sabi nito saka naglakad patungo sa kanyang bag.
" And you! hindi ka nagrereply sa mga message ko, halika dito. " napalingon ako kay Zach, kinuha nito ang kamay ni Sophie at akmamg hihilain niya ito pero itinulak siya ni Sophie.
Ano kayang problema nila?
" May mga tao, mauna ka na susunod ako. " sabi ni Sophie kay Zach na ikinakunot ng noo ni Zach pero sinunod din naman ang sinabi ni Sophie.
" Kakausapin ko lang yung lalaking yun. Susunod ako sayo mamaya. " paalam ni Sophie, tumango naman ako. Mamaya ko na lamamg siya uusisahin.
" Here! " napalingon ako kay Ivo at iniaabot niya sa akin ang pera.
" Anong pagkain ang bibilhin ko? " tanong ko dito.
" Bahala ka na. " sagot nito at tinalikuran na lang ako basta saka ipinagpatuloy ang paglalaro ng basketball. Napabuntong hininga ako bago umalis.
pagkatapos bumili ay bumalik ako kaagad pero bago pa man ako makalapit kila Ivo ay napansin ko ang isang batang babae. Siguro 12 years old ito, may hawak hawak siyang camera at panay ang kuha niya ng larawan kay Ivo. Siguro ay isa rin ito sa nahuhumaling kay Ivo kaya patago na kumukuha ng larawan.
Napailing na lang ako bago nilapitan sila Ivo, huminto naman sila sa paglalaro at umupo.
" May iuutos ka pa ba? " tanong ko saka iniabot sa kanila ang pagkain.
" Punasan mo ang pawis ko.. " nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, ano ako? Girlfriend niya? Ew!
" Aba't... huy mister, may kamay ka. " inis na sabi ko dito na ikinatawa ng mga kasama niya.
" You're right, pero personal assistant kita. Saka parusa mo to sa pagsigaw mo sa akin kanina, muntik na akong mabingi dahil sayo. " sabi nito na ikina-irap ko.
" Ikaw n arin ang nagsabi, personal assistant mo ako at hindi mo ako maid. Is pa, kasalanan mo rin naman kung bakit kita sinigawan. Dapat nga ako ang magpaparusa sa kag*guhan mo. " sabi ko dito.
" Pupunasan mo ang pawis ko o hindi ka na makakalapit pa sa akin? " tanong nito. Napabuga ako ng hangin, para sa future best seller kong kwento, sige hahayaan kong gawin akong alipin ng bw*sit na to.
" Fine.. " inis na sabi ko at kinuha ang towel sa tabi niya saka siya pinunasan, ngiting ngiti pa ang gago. Maingat ang bawat kilos ko at sinisigurong hindi niya ako mahahawakan.
Pero ewan ko ba, parang natutuwa pa akong punasan ang bwisit na to. Ang gwapi naman kasi niyang pawisan tapos hindi siya maasim, ang bango pa nga niya e.
" Laway mo! " bulong nito, doon ko lang narealize na nakatitig na pala ako sa kanya.
" T-tapos na... a-alis na ako. " sabi ko dito pagkatapos siyang punasan, tumayo ito at akmang hahawakan ako sa kamay pero mabilis akong nakaiwas na ikinakunot ng kanyang noo.
" Ang arte... sige alis na bago pa magbago ng isip ko. " inis na sabi nito kaya mabilis akong tumakbo palayo at napahinga ng maluwag.
Pabalik na sana ako sa classroom nang madaanan ko yung batang babae kanina na kausap ang iba pang estudyante, mukhang may pinagkakaguluhan sila.
" Bigyan mo ako ng tig-iisang copy sa lahat ng pictures. Isend mo sakin at isesend ko rin yung bayad. " sabi ng isang estudyante sa bata na ipinagtaka ko.
" Okay! ikaw? hindi ka kukuha? bukas marami na naman akong picture niya. " sabi ng bata doon sa isa pang babae.
" Gusto ko yung picture niya noong baby siya, meron ba? " nakangiting tanong ng babae na ikinatawa ng batang babae.
" Meron, ako bahala. Ako pa ba? " mayabang na wika ng batang babae. Napapailing na lang akong nilampasan sila. Akala ko pa naman fan siya ni Ivo, pinagkakakitaan lang pala niya ang mg pictures na kinukuha niya.
Pagdating ko sa classroom ay naabutan kong nakaupos si Sophie at tahimik, umupo ako sa tabi nito.
" Kumusta yung pag-uusap niyo? " tanong ko dito, tulala lang siya at di ako nilingon.
" Sophie... " tawag ko dito.
" Ha? ahh.. andyan ka na pala, ano yun? " tanong nito.
" Okay ka lang ba? anong problema? " nag-aalalang tanong ko dito. Biglang nanubig ang mga mata nito at ngumiti siya ng mapait.
" B-break na kami. " sagot nito na ikinagulat.
" Ano? bakit? " tanong ko dito.
" Hindi ko rin alam. Ang gulo na rin kasi ng relasyon namin. Isa pa, pagod na akong intindihin siya palagi at itago ang relasyon namin. " sagot nito kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Tumayo ako sa harap niya na ipinagtaka niya pero agad din naman niyang nakuha ang aking nais, niyakap niya ako sa tiyan.
Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin dahil hindi ko alam kung gaano ba kahirap ang pinagdadaanan niya sa ngayon dahil wala pa naman akong karanasan sa mga ganitong bagay.