Chapter 31

1103 Words
" Elji, this is Sophie. Sophie this is Elji. " pagpapakilala ko sa dalawa, narito kami sa bahay nila Elji. Tumawag kasi ito at mag overnight daw kami dahil sabado na bukas at wala kaming klase. Isinama ko si Sophie para mas marami, mas masaya. " Nice to meet you! " batian ng dalawa with matching hand shake. " Let's go, doon tayo sa rooftop. " aya ni Elji saka kami hinila ni Sophie, hawak niya sa kamay si Sophie at ako ay hila hila niya sa laylayan ng damit ko. " Kumusta pala yung gagawin mong kwento? Mayroon na ba? " tanong ni Elji pagkaupo namin. Nakahanda na pala talaga ang mga gagamitin namin, mayroon ding mga pagkain. Maganda dito sa rooftop nila, dito kami madalas tumambay ni Elji. " Hindi ko pa rin alam ang dapat isulat. " sagot ko na ikinakunot ng kanyang noo. " Akala ko ba nahanap mo na yung lalaking nagligtas sayo nang may humarang sayong babae? " tanong nito, muntik ko nang takpan ang bibig kaso nakatingin si Sophie at idagdag mo pang diko siya pwedeng hawakan. " Ah... oo.. " sagot ko na lang. " Sino? " tanong ni Sophie, napakamot na lang ako sa ulo. " Sasabihin ko pero wag mong ipagsasabi sa iba ha, lalo na kay Zach. " sabi ko. " Calli, kaibigan mo ako. Magtiwala ka sakin, isa pa tigilan mo na ang kababanggit sa Zach na yan, paano ako makaka move on niyan? " sabi ni Sophie na ikinatawa namin, nakwekwento ko naman kay Elji ang tungkol kay Sophie kaya alam na nito. Siguradong magkakasundo rin ang dalawang to dahil pareho naman silang mabait. " Ganito kasi yun, bago pasukan muntik na akong mapahamak. May babaeng humingi ng tulong dahil binubugbog ng asawa, ako naman si gaga hindi muna nag isip. Lasing pala yung lalaki at ang laki ng katawan, akala ko nga sasaktan na ako buti na lang dumating si Ivo. " kwento ko na ikinabilog ng kanyang mga mata. " Ivo? as in Ivo Meyers? " di makapaniwalang tanong nito, nahihiyang tumango ako dito. " Iniligtas ka niya? kaya pala ganun kana lang ka confident na may kabutihan din ang lalaking yun. " sabi ni Sophie na ikinatawa namin. " Kaso pinagbantaan niya ako na kapag sinabi ko sa kahit kanino ang tungkol doon, patay daw ako. " nakangusong sabi ko. " Patay kana nga. " sabay nilang sabi na lalo kong ikinanguso. " Nakakabwisit na yung lalaking yun, napakasungit at napakapahirap sa buhay " sabi ko saka kumuha ng pizza at kumagat dito. Nagkwentuhan kami at kumain, mayroon ding soju ay fried chicken. Nakasanayan na namin ito ni Elji, ang sarap kasi ng combination ng soju at fried chicken. " Ubos na! " napatingin ako sa huling bote ng soju. " Dapat pala isang case ang binili ko " dagdag pa ni Elji. " Bibili na lang ako " prisinta ko na ikinatingin ni Sophie. " Samahan na kita. " tumango naman ako sa kanya, may malapit lang naman ma convenience store dito at bukas sila magdamag. " Sige, kukuha naman ako ng chicken sa kusina. " sabi ni Elji kaya sabay-sabay na kaming bumaba. 11pm pa lang naman at hindi naman nakakatakot dito sa kanila. Pagdating namin sa store ay kumuha kami ng soju at mga chips. " Ako na ang magbayad. " prisinta ni Sophie, tumango ako. " Hintayin na kita sa labas. " sabi ko, ngumiti ito at tumango bago ako lumabas. Habang hinihintay siya ay napapatingin ako s mga napapadaan. Nang biglang may nakita ako sa di kalayuan na lalaki, pamilyar ang kasuotan nito. Agad akong tumakbo para habulin ito, pumasok ito sa isang madilim na eskinita. Kahit na nakakatakot ang lugar ay sinundan ko ito at nakita ko siyang may kausap na lalaki. Pareho silang nakasuot ng black mask at sumbrero kaya diko makilala. Pero ang kasuotan ng isa ang pamilyar sa akin, ganito ang suot ng taong nagligtas sa akin noon. Hindi ko marinig ang usapan nila, ilang sandali pa ay umalis na ang mga ito. Susundan ko na sana pero halos himatayin na ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, buti na lang at naka hoodie jacket ako. " Anong ginagawa mo dito? " nakahinga ako ng maluwag nang masilayan ang mukha ni Jazzie. " Ikaw, anong ginagawa mo dito? " tanong ko. " Tara, doon tayo mag-usap. " wika nito, napatingin ako sa dalawang lalaki kanina ngunit wala na ang mga ito. Lumabas kami sa madilim na eskinita at naglakad pabalik sa convenience store, nakalimutan kong kasama ko pala si Sophie. Sana lang ay hindi iyon magalit o magtampo sa akin. " Tell me, bakit ka naroon? " tanong ni Jazzie. " May nakita lang akong lalaki na kamukha ng kakilala ko. " sagot ko. " E ikaw? " tanong ko dito. " Malapit lang dito ang bahay namin, naglakad ako patungo sa convenience store para bumili ng candy. Gusto ko kasing kumain nun kapag marami akong iniisip. " sagot niya. " E bakit ka nandun sa eskinitng yun? " nagdududang tanong ko. " Nakita kitang pumasok dun kaya sinundan kita. " sagot niya na ikinakamot ko sa ulo. " Sorry! " mahihiya kong sabi. " Calli, saan kaba nanggaling? tinakot mo naman ako. " nakangusong slubong ni Sophie hawak ang mg pinamili. " Sorry, may nakita lang akong kamukha ng kakilala ko kaya sinundan ko, tapos nakasalubong ko si Jazzie. " sagot ko, napatingin naman siya kay Jazzie. " Tara na? " tanong nito, tumango ako. " Gusto mong sumama? " baling ko kay Jazzie. " Saan kayo? " tanong niya. " Diyan lang sa bahay na yan oh! " turo ko sa di kalayuang bahay nila Elji. " Ano niyo sila? kamag-anak mo? " tanong niy na ikina-iling ko. " Kaibigan ko ang anak nila, si Elji. " halatang nagulat ito. " What a small world. " bulong niya na diko masiyadong naintindihan. " Ha? " kunot noong tanong ko. " Wala. sige kayo na lang, may gagawin pa ako e. " sagot niya at napatingin kay Sophie, hindi naman siya matignan ni Sophie. " Sophie, sana mag-usap kayo ni Zach! Mahal ka niya. " sabi niya, ngumiti ng maait si Sophie at umiling. " Hindi lang sinasabi ang pagmamahal kundi pinapakita. " sabi ni Sophie at nauna ng naglakad paalis. " Sige alis na kami. " sabi ko kay Jazzie at hinabol na si Sophie. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kila Elji. Naging masigla naman ulit siya nang magkwentuhan kaming muli pero iniiwasan na niya ang topic tungkol kila Zach, Jazzie at Ivo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD