Chapter 32

804 Words
Papasok na ako sa school nang may madaanan akong isang babae na maraming dala at nahihirapang tumawid sa kalsada. Pupuntahan ko na sana ito para tulungan nang may makitang isang pamilyar na bulto na tumulong dito. Binuhat niya ang ibang bag na dala ng babae at sinabayan niya ito sa pagtawid. Napangiti ako sa nakikita. Tama ako, may kabutihan parin siyang taglay. Nagtataka lang ako kung bakit pinipilit niyang maging masama at ayaw niyang nalalaman ng iba ang kabutihan niya. Primitivo Meyers, napakamisteryoso mo. Pagdating ko sa school ay ipinarada ko ang aking motor at hinintay siya sa may gate. Napakunot noo ito nang makita akong nakaabang sa may gate, agad ko itong nilapitan. " I saw you kanina. " nakangiting bungad ko na ikinasama ng tingin niya sa akin na ikina atras ko. Ayan na naman yung evil look niya, ewan ko ba pero hindi ako natatakot. Nagugulat lang ako minsan pero hindi ako takot dahil alam king mabuti talaga siyang tao. " And? " tanong nito na ikinalunok ko. " You helped her. " sagot ko dito at ngumiti na laling ikinasama ng tingin niya sakin. " No one should know about it. Sa oras na ipinagsabi mo ito sa iba, you're dead! " banta nito pero hindi ako nagpasindak, kung matatakot lang ako sa kanya mas lalo lang niya akong tatakutin. " But why? bakit ayaw mong malaman ng iba na hindi ka naman talaga masamang tao? " tanong ko dito, ngumiti ito na tila ba demonyo. " Mukhang mali ang pagkakakilala mo sa akin. Sinasabi ko na sayo, hindi ako mabuting tao. Masama akong tao, at yung nakita mo kanina? It's just an act dahil pinababantayan ako ng lolo ko. " sagot nito pero hindi ako naniniwala dahil halata namang hindi yun ang dahilan. " Kung ayaw mong sabih- " napahinto ako dahil hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla na lamang niya akong hinila sa aking pulsuhan at mariin ang pagkakahawak niya dito na tila bumabaon sa aking balat ang kanyang mga kuko. Pero hindi ko na iyon naisip pa dahil tulad ng kadalasang mangyari kapag nahahawakan ang aking balat ay biglang nagdidilim ang aking paningin, nawawala ako sa sarili at bumabalik sa aking mga ala ala ang nangyari noon. Naitulak ko siya at agad akong napaatras na ikinakunot ng noo niya. Mabilis na tumulo ang aking mga luha at tila nag uunahang pumatak. Akmang lalapit ito sa akin muli at kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. " Wag! wag kang lalapit. Nakikiusap ako, wag mo aking sasaktan.... wag... " takot na takot na sabi ko at mabilis na tumakbo papalayo habang yakap yakap ang sarili. Wala akong ibang nakikita kundi ang sarili ko at ang taong nanakit sa akin. Nakakulay itim ang lalaki at may takip ang mukha na itim na face mask kaya hanggang ngayon hindi ko parin matukoy kung sino ito. Isa lang ang alam, grupo sila ng mga masasamang tao. Tila nag-e-echo ng paulit-ulit ang tawa ng mga kasamahan niya. Para akong mababaliw sa naririnig. Hindi ko na alam kung saan ako papunta basta ang nais ko lang ay makalayo sa kanila at hindi ko na marinig ng mga tawa nila. " Ayaw ko na! " iyak ko at naghanap ng mapagtataguan, napatingin ako sa hagdan at patakbong inakyat ito umaasang may mapagtataguan ako roon. " Tigilan niyo na ako, parang awa niyo na. " iyak ko at tinakpan ang akimg mga tainga gamit ng aking mga palad. Namg marating ang hangganan ng hagdan ay agad kong isiniksik ang sarili sa isang gilid. Ang tamging nasa isip ko lang ay kailangan kong magtago bago pa man ako makota ng mga taong yun. " Tulungan niyo ako! " mahinang iyak ko, habamg mariing nakapikit. " Mama... papa... asan kayo? tulungan niyo ako. Kuya adam... kuya Rafa..... kuya Ryan... please save me. " bulong ko at naramdaman ko ng panghihina, tila ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay. May boses akong narinig at halatang nag-aalala pero hindi ko na ito nakilala dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. Napatingin ako sa paligid, puro puti ang aking nakikita. Inikot ko ang paningin at nakita ko ang isang batang nakaputi at nakangiti sa akin. Napangiti ako dito at lalapitan sana siya nang tumakbo ito. " Baby sandali... " habol ko dito, kanino bang anak to? huminto siya at cute na tumawa. Kumaway ito na ikinakunot ng aking noo, at naglaho na lamang bigla. Napatingin ako sa aking paligid at napakunot noo, asan ako? bakit puro puti ang nasa paligid ko? " Calli... Calli wake up! " narinig ko ang boses ni Sophie. " Sophie, nasaan ka? " sigaw ko ngunit hindi siya sumagot hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napaupo ako at napapikit. " Calli, please wake up! " iyon ang huli kong narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD