Ivo
" Anong nangyari dun? " tanong ko sa sarili ko nang bigla na lamang tumakbo si Calli na tila ba takot na takot sa akin.
Napapailing na lamang ako bago tuluyang pumasok sa school. Pagdating ko sa aking locker para kumuha ng gamit ay may naglakas loob na namang nagdikit sa pintuan ng locker ng isang love letter.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ano bang gusto nila sa akin? I'm an evil pero they still fantasizing me.
Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat na pangalan. Marahil ay baguhan ito kaya hindi pa ako masyadong kilala kaya naglakas loob magbigay ng sulat.
" Maikee Fajardo " basa ko sa pangalan nito pagkatapos ay nilukot ko ito ng mariin at salubong ang kilay na tinungo ang cafeteria ng school dahil doon madalas tumambay ang mga estudyante. Pagkapasok ko dito ay nagtinginan ang mga estudyante sa akin.
" Lagot, may nagbigay na naman ng ssulat. " rinog kong bulungan nila. Umiigting ang pangang inikot ang paningin sa buong cafeteria.
" Who is Maikee Fajardo? " mariing sigaw ko at kita ko ang yltakot sa kanilang mga mata. Well, i'm evil kaya sinong hindi matatakot?
" I said, who is Maikee Fajardo? " sigaw kong muli, nagtinginan ang mga estudyante.
" Dark, she's a second year transferee student in Engineering Department. " sagot ng isang lalaki. Hawak ng kamay kong mariing nakakuyom ang sulat, sinamaan ko sila ng tingin bago umalis roon.
" Lagot siya. " bulungan nila na hindi ko na pinansin at tinungo ang Engineering building. Pagdating ko sa 2nd floor kung saan naroon ang mga 2nd year ay nagtitinginan sila sa akin.
" Where's Maikee Fajardo? " sigaw ko sa kanila na ikinatahimik nilang lahat.
" I'm here... " napalingon ako sa babaeng papalabas ng pintuan ng classroom na nakangiting palapit sa akin.
" Hi Ivo.. " masayasang bati nito na ikinasama lalo ng mukha ko. Sinalubong ko ito at inihagis ang sulat sa kanyang mukha.
" Oh my god! for the fifth times, nangyari na naman ang ganitong scene. " bulungan ng mga estudyante.
" Stop smiling and don't you dare call me Ivo cause we're not friends. " bulong ko sa Maikee na to.
" And what did you do if i can't? " nanghahamong nitong tanong sa akin na ikinangisi ko.
" Try me! " sabi ko dito, pinagkrus nito ang kanyang mga braso sa dibdib at ngumiti sa akin habang nakatitig ang mga mata sa akin na lalo kong ikinainis.
Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang pinaiang head ng school na agad niyang sinagot.
" Hello sir, this is Mr. Harrison Veniegas, the- "
" Drop out Ms. Maikee Fajardo, second year student from Engineering Department right now. " mariing utos ko dito na hindi na pinatapos pa ang nais niyang sabihin.
" Who? " napakunot noo akong lumingon sa sumigaw, there i saw my mother walking near me with her angry face, as always.
" What are you doing here? " mariing tanong ko dito.
" Stop asking me that. It's not impossible for me to be here, i'm the daughter of the school owners so you should behave. " masungit nitong sabi. She's always like that but she's kind, mukha lang siyang masungit sa pananalita.
" Ikaw narin ang nagsabi, you're only the daughter of the school owner. May i ask you, kung sino ang tagapagmana ng school na to? " Tanong ko dito, ngumiti ito at napapailing.
" Tagapagmana ka nga pero hindi mapapasayo ang school na to hangga't hindi ka nakaka graduate kaya wala ka paring karapatang magdesisyon kung sino ang dapat alisin sa school na to. " sabi nito na ikina inis ko dahil muli akong natalo sa magaling kong ina.
" B*llsh*t! " mariing sigaw ko dahil sa inis na ikinatawa ng aking ina.
" Maikee iha, go back to your room. Wag mong pansinin si Ivo. " baling ni mama dun sa Maikee na ikinakunot ng noo ko. So, they know each other.
" Sige po tita. " magalang na sabi nito saka bumaling sa akin, tinignan ko lang ito ng masama.
" Bye Ivo. " sabi nito na lalo kong ikina inis.
" I said, don't call me with that name. " sigaw ko dito pero tila hindi ito natinag dahil ngumiti lamang ito saka umalis.
" You evil man, halika dito. " sabi ng aking ina at piningot ako sa aking taenga at hinila.
" Aray ko mamaaaaaa.... " reklamo ko dito. Kapag talaga siya ang kaharap ko nasisira ang pagiging evil ko. For sure, tatalakan na naman lamang ako nito, nakakabwisit.
" Ano ba ma! " sigaw ko kaya binitawan niya ako, inayos ko ang aking tindig. Sirang sira talaga ang image ko pag pumupunta dito si mama.
" Ano bang kailangan niyo? " inis na tanong ko dito.
" Umuwi ka naman sa bahay. Aba'y halos isang buwan ka ng hindi umuuwi. " sabi ni mama na ikinabuntong hininga ko.
" Wala naman po akong gagawin sa bahay. Isa pa, masanay na kayo mama. Hindi na po ako bata. " sabi ko dito, hinampas ako niti sa braso.
" Aray naman mama.. " reklamo ko saka hinaplos ng hinampas nito.
" Ikaw bata ka! Namimiss kana ng kapatid mo, sana man lang bumisita ka dun. " sabi nito.
" Oo na po, mamayang hapon uuwi ako. Umalis na po kayo. " sabi ko dito, hindi ko na tinanong ang tungkol sa Maikee na yun dahil ganun naman talaga si mama sa lahat. Isa pa hindi ako intresado sa babaeng yun, baka masapak ko pa.
" Okay, we'll wait for you. " sabi ni mama na dinuro pa ako bago umalis. Napabuga ako ng hangin bago tinungo ang classroom namin.
Pagkapasok ko rito ay tahimik ang lahat, deretso aking pumasok at ibinagsak ang katawan sa aking upuan.
" Anong nangyari? " tanong ni Zach.
" Bumisita si mother earth. " natatawang sabi ni Jazzie, mukhang nakita niya si mama.
" Kaya naman pala masama ang mukha nito e. Sigurado, sira na naman ng pagiging evil mo. " natatawang sabi ni Zach.
" Ivooooooo.... " napalinhon kami sa sumigaw at bigla na lang pumasok si Sophie na salubong ang kilay na akala mo ay suntukan ang pupuntahan. Napahilot ako sa aking sintido, kung hindi lang ito girlfeiend ni Zach matagal naring nakatikim ito sa akin dahil sa palagi niyang pagsusungit sa akin.
" What? " inis na sigaw ko dito habang papalapit siya sa amin.
" Sophie, let's talk outside. " sabi ni Zach dito pero hindi siya nito pinansin.
" I have no business with you. " mariing sabi nito at hindi man lang nilingon si Zach.
" And you! " turo nito sa akin, isinandal ko ang aking likod sa aking upuan at pinag krus ang aking mga braso.
" Where's Calli? ano na namang inutos mo sa kanya? Tapos na ang first class namin at hindi siya nakapasok. " tanong nito, i rolled my eyes.
" Ang arte ng kaibigan mo, nahawakan ko lang akala mo nalagyan ko na ng virus. Ayon, tumakbo na lang bigla. Gusto lang yata talaga umiwas sa mga utos ko. Sabihin mo sa kan- "
" Sh*t! " mariing sabi ni Sophie at mabilis na tumakbo paalis na ikinakunot ng noo ko. Anong nangyari dun? Ang OA naman nila.
Napabuntong hininga ako at nilingon ang dalawa na nakatingin sa akin na tila nagtayanong, nagkibit balikat lamang ako.