Sophie
" D*mn! where are you Calli? " nag-aalalang tanong ko habang hinahanap siya sa buong school.
Mapapatay ko tong demonyong Ivo na to e. Asan kana ba Calli? Okay lang kaya siya? Ano kayang nararamdaman niya whenever others youch her? Ang hirap ng pinagdadaanan niya, yung tipong normal ka ngang tao pero hindi ka makakilos ng normal.
" Hey, did you see Calli? " tanong ko sa isang estudyante pero umiling lang ito. Muli akong tumakbo, halos mahalughog ko na ang buong school pero hindi ko parin ito makita. Masakit na ang paa ko sa kakalakad
Nagdesisyon na akong tawagan si Elji para magtanong, baka sakaling may idea ito kung saan nagpupunta si Calli pag nangyayari ang ganitong bagay, sinagot naman nito agad. Mabuti na lang pala at kinuha ko noon ang contact number niya.
" Sophie, what's up? " bungad nito.
" Elji, do you have any idea kung saan nagpupunta si Calli sa tuwing aksidente siyang nahahawakan ng iba? " tanong ko dito.
" What? " gulat na tanong nito at ramdam ko ang pag-aalala nito.
" May nangyari ba? " nag aalala niyang tanong.
" Yeah! Nahawakan daw siya ni Ivo, kanina ko pa siya hinahanap sa buong school pero hindi ko makita. " sagot ko dito.
" F*ck! Sa tuwing nangyayari ang ganyang bagay, she's just run away without thinking where she's going. Find her, papunta na ako dyan. " sabi nito at ramdam ko ang pagka aligaga nito.
" Okay! " sagot dito at muli ay naghanap na naman.
" Hey, dis you see her? " tanong ko habang pinapakita ang picture ni Calli sa IG, hibdi naman kasi lahat ng estudyante dito kilala siya kaya mas okay na ipakita ko na lang ang picture.
" Ah! siya yung umiiyak kanina habang oatakbong nagtungo sa rooftop ng Bachelor of Arts Department. " sagot ng estudyante na ikinabilog ng mga mata ko.
" Salamat! " sabi ko dito at mabilis na tinakbo ang rooftop. Pagdating ko dito ay tahimik ang buong paligid, dahan dahan kong iginala ng mga mata. Ans there, i saw her na pilit isinisiksik ang sarili sa gilid habang nakaupo at yakap yakap ang sarili.
Tila kinurot ang puso ko sa aking nakikita. She's a nice person, she has a good heart at masaya siyang kasama. Hindi mo talaga aakalaing may ganito siyang pinagdadaanan everytime na magsasalita siya. She's so strong, siguro kung sa akin mangyayari ang ganito baka nabaliw na ako or baka kung ano na ang ginawa ko sa sarili ko. Pero siya, she's different. Kinakaya niya lahat at pilit pang kinakaya ang lahat ng nangyayari sa kanya.
Dahan dahan akong lumapit dito, kita kong tila takot na takot ito.
" Calli! " tawag ko dito pero hindi pa man ako nakakalapit ay bumagsak na ito sa sahig na ikinatakbo ko para saluhin ito.
" Calli... Calli wake up. " gising ko sa kanya, natatakot pa akong baka lumala ang kalagayan niya dahil hawak ko siya.
" Calli please wake up! " naiiyak ko nang sabi pero wala pa rin. Kinuha ko kaagad ang aking cellphone at tinawagan si Elji, agad naman itong sinagot. Buti na lamang at nakuha ko ang numero nito nang pumunta kami sa kanila.
" Sophie, did you find her? andito na ako sa school niyo. " bungad nito.
" Elji, she passed out. Hindi ko alam ang gagawin, andito kami sa rooftop ng Bachelor of arts department. " iyak ko.
" Sh*t! don't worry papunta na kami. " sabi nito bago pinatay ang tawag, hinaplos ko ang mukha ni Calli. Awang-awa ako sa kanya, bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganito?
" Sophie! " napalingon ako sa pintuan, patakbong lumapit sa amin si Elji kasama ang isang lalaki.
" Pakibuhat siya kuya. " utos nito na mabilis sinunod ng lalaki, patakbo kaming bumaba ng rooftop at sinakay siya sa kotse.
" We should take her to the hospital. " sabi ko pero umiling si Elji.
" No, Sophie. Ayaw niya roon, at tingin ko maaaring mas lumala ang kalagayan niya. Noon kasing minsan ko siyang dinala doon ay nagwala siya at halos mabaliw lalo na nang makakita ng mga doctor at nurses. " paliwanag ni Elji kaya lalo akong nasasaktan para sa kalagayan ng kaibigan ko.
" What should we do? " i asked, at di napigilan ang maluha.
" I wi take her home, don't worry too much. Malakas siya Sophie at naniniwala akong makakaya niang lampasan ang lahat ng ito. " tumango ako sa sinabi ni Elji at pinunasan ang aking mga luha.
Doon kami sa tinitirahan ni Calli nagtungo at binuhat ulit ito papasok, maliit lang ang lugar pero malinis. Inihiga siya sa kama at inayos ni Elji ang kumot nito.
" You should go home, ako na ang bahala sa kanya. " sabi ko na ikinatingin niya sa akin.
" Are you sure? nasa meeting kasi ako kanina. " sabi nito na ikinangiti ko, she really loves Calli.
" Yeah! don't worry. "
" Just call.me if you need anything. Paggising niya, painumin mo ng gamot na nasa bed side table. " bilin niya, tumango ako bago ito umalis.
Binantayan ko si Calli at nag-order ng pagkain para paggising nito ay may makain kami. Tinignan ko ang mga librong nasa isang maliit na book shelves at napangiti dito, mga libro niya ito. Sa kabila namang book shelvea ay mga sociology at history books.
" Wag... please wag... " she's crying, napalapit ako kaagad dito. Gising na siya at tila takot na takot pa rin.
" Shhhhh! it's me Calli, I'm Sophie. " sabi ko dito na lalo niyang ikinaiyak, pinatatag ko ang loob ko.
" Sophie... you came... tara na umalis na tayo, andito siya... nakita ko siya... masama siya... andito siya... " sabi nito at kung titignan mo siya ay aakalain mong baliw siya dahil sa itsura niya. She's suffering from a trauma, gustong-gusto ko na siyang yakapin pero baka lumala ang nararamdaman niya ngayon.
" Wala na siya, Calli. Nakauwi na tayo at babantayan kita para hindi ka niya malapitan. " sabi ko dito saka kinuha ang kanyang gamot at tubig.
" Talaga? promise ba yan? " tila batang tanong niya, ngumiti ako at tumango.
" Here! inumin mo to para gumaan amg pakiramdam mo. " napatingin siya sa kamay ko, inilahat niya ang palad kaya nilagay ko dito ang gamot saka binigay ang tubig. Agad naman niya itong ininom.
" Magpahinga kana ulit, dito lang ako sa tabi mo. " utos, ngumiti ito saka tumango bago ipinikit ang mga mata. Napatitig ako sa kanya, she looks like angel.
Ano bang dahilan at nagkaganito siya? Sinong nanakit sa kanya? Anong ginawa sa kanya? Asan ang pamilya niya?
Ang dami kong tanong pero ayaw ko nmamg pilitin siyang magslita. Kaya dadamayan ko na lang siya palagi.