Chapter 35

1100 Words
Sabado ng umaga at kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama habang nakatitig sa Kisame. Mula nang nawala na naman ako sa sarili ay hindi na muna ako pumasok, dalawang araw narin at ngayon nga ay Sabado na, araw ng kasal ni kuya Adam.Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. FLASHBACK....... " Princess, andito na ang kuya. " masaya akong tumakbo mula sa kusina patungo sa sala kung saan naroon si kuya Adam. " Kuya.... " tuwang-tuwang tawag ko dito at nagpakandong sa kanya, 10 taong gulang pa lamang ako. " how's our princess? " tanong nito habang inaayos ang aking buhok. " I'm okay kuya, how about you? Are you tired? " tanong ko dito na ikinangiti niya. " Yes, pero makita ko lang ang prinsesa namin. Okay na ako. " sabi nito na ikinatuwa ko. " Calli.... " napatingin kami sa pintuan kung saan pumasok sina kuya Rafa at kuya " Kuya... " sabi ko dito at lumapit sa kanila saka yumakap. " Miss us? " tanong ni kuya Rafa na agad kong ikinatango. " Our princess is getting bigger na ah! " wika ni kuya. " Paano po ag big girl na ako? Princess niyo parin po ako? " tanong ko na ikinatawa nila. " Ofcourse, you are our princess forever. " sagot ni kuya Adam. " And we will always protect you, no matter what happened. " kuya Rafa added that makes me happy. " I love you kuya... " masayang sabi ko saka sila niyakap isa-isa. " We love you princess. " they answered. End of Flashbacks... I wiped my tears, everytime i remember all the happy moments, kasunod nito ang malulungkot at masasakit na ala-ala. Tumayo ako at nagbihis ng hodded jacket, jogging pants, rubbers shoes with gloves pa sa kamay kahit ang init ng panahon. Iniwan ko na ang aking motor at nagpasya na lamang mag commute. " Kuya, sa simbahan po. " sabi ko kay Manong driver na agad naman niyang sinunod. Pagdating ay agad akong bumaba at tumayo sa isang gilid at maingat ang kilos para hindi nila ako makita. Nasa labas sina kuya, mama at papa na tila naghihintay sa aking pagdating. Napatingin ako sa aking relo at 9:30 am pa lamang ng umaga. 10:00 magsisimula ang kasal. Nakatingin lamang ako sa kanila na halata ang kalungkutan. Am i that bad? Kasalanan ko ba kung hindi ko pa kayang magpatawad? Kasalanan bang gusto ko munang malayo s kanila? " Mama, i told you. She don't want to go. " malungkot na wika ni kuya Adam. " Adam, pumasok kana. Ilang sandali na lamang ay darating na ang bride. Wag na tayong umasa na darating ang kapatid niyo. " rinig kong wika ni papa at kita ko ang tila pagdadalawang isip ni kuya Adam. Habang si mama ay maiyak-iyak. Tinapik nila kuya Rafa at kuya ang balikat ni kuya Adam. Malungkot naman itong pumasok sa loob ng simbahan. Hanggang sa dumating na ang bride at nagsimula na ang kasal. Matapos ang kasal ay mabilis akong umalis at pagdating ko sa aking tinitirahan ay siya namang pagtunog ng aking cellphone. Napabuntong hininga ako saka kinuha ito at sinagot. " Calli, i'm just worried about you. You are two days absent already, are you okay? " nag-aalalang tanong ni Sophie. Laking pasalamat ko sa kanya nang araw na yun dahil hindi niya ako pinabayaan at inalagaan ako. " ahm.. Yes Sophie, don't worry about me. By the way, thank you for what you did. " sabi ko dito. " It's okay, you're my friend. Isa pa kahit hindi kita kaibigan kung nakita kitang nasa ganung sitwasyon, i will definitely help you. " sabi ni Sophie na ikinangiti ko. She's truly an angel, hindi lang sa mukha kundi pati sa ugali. " Sa Monday for sure, papasok na ako. " sabi ko dito. " Mabuti naman, nabubwisit na kasi ako sa katatanong ni Ivo. " sabi nito na ikinahinto ko. " Ano pa lang sinabi mo, bat ako absent? " tanong ko. " Ano pa ng ba? Sabi ko may sakit ka. Kaso demonyo talaga, ang sabi nagdadahilan ka lang para hindi ka niya mautos utusan. " sagot ni Sophie. " Wag mo na lang siyang pansinin. " sabi ko dito. " Talaga! " desididong sabi nito. " Sige na Calli, i have to go na at hinihintay na ako ng parents ko. May bonding kasi kami. " masayang paalam nito. " Sige Sophie, bye. Ingat! " paalam ko rin saka pinatay amg tawag. I envy them, they have a very supportive at lovable family, unlike me. Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok dito, dahan-dahan akong lumapit dito at binuksan ng kaunti. Namilog ng mga mata ko nang makita si Ivo kaya agad kong nilakihan ang pagkakabukas. " Anong ginagawa mo dito? " tanong ko, tinignan niya ako ng masama. " Hindi mo ba ako papapasukin? " inis na tanong nito. " Pasok ka! " sabi ko at napangiti nng makigang hawak niya si sunflower, pumasok siya at naupo sa sofa. Isinarado ko naman ang pintuan, pag upo ko sa di kalayuan sa kanya ay tumakbo kaagad si sunflower sa akim na lalo kong ikinangiti. Gumagalaw pa ang buntot nito at dinidilaan ang kamay ko. Agad ko itong binuhat at hinalik-halikan. " Namiss mo ako? namiss din kita e. " masayang kausap ko dito, saka hinahaplos ito. Napahinto ako nang makitamg nakantingin si Ivo sa akin, nag-iwas naman siya agad ng tingin. " Hmm.. dito muna si sunflower sayo, alagaan mo ha! Diko kasi mabantayan at busy ako. " sabi nito na ikinatuwa ko. " Sige akong bahala. " sagot ko, napatingin kami sa may pintuan nang may kumatok. " Ako na! " prisinta ni Ivo at agad tumayo para pagbuksan ito. Napatingin ako sa pintuan, ito minsan ang driver niya. May mga inabot ito kay Ivo na nakapaper bag saka umalis din. " Here, pagkain at mga gamit ni sunflower. " inilagay niya sa center table ang mga ito. " She loves to take a bath with cold water, narito ang sabon at shampoo niya. Pag matutulog ay sa tabi mo siya, nasanay kasi siya sa tabi ko. " bilin nito na ikinatango ko. " If you need anything just call me. " sabi nito at tumalikod na. " Sunflower, ba-bye na kay Daddy " sabi ko sa aso at kinuha ang isang paa niya saka ikinawag kay Ivo, napalingon si Ivo at napakunot noo saka tuluyang umalis pero hindi nakaligtas sa akin ang maliit niyang ngiti. " Daddy mo, masungit! " sabi ko kay sunflower saka hinagod ang buhok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD