Chapter 36

1091 Words
" Sunflower, ihahatid kana ng mommy sa amo mo. " sabi ko habang karga-karga ang aso papunya sa VIP room. " Magpapakabait ka ha, lagi mong iinisin yung amo mo. " sabi ko saka natawa pa sa kalokohan ko. Pagdating sa VIP room ay kumatok ako, si Zach ang nag bukas sa akin. " Sunflower! " masayang bungad nito nmg makita ang aso, mukhang namiss rin nila ito. " Wala pa si Ivo e, kami na lang bahala kay sunflower. " sabi naman ni Jazzie, kinuha ni Zach si sunflower sa akin, hinaplos naman ito ni Jazzie. " Ito pala yung mga gamit ni sunflower. " inabot ko ang hawak kong paper bag, kinuba naman ni Jazzie. " Thanks Calli. " sabi niya, tumalikod naman na si Zach at naupo sa sofa kandong ang aso. " Sige, alis na ako. " paalam ko, tumango siya bago ako umalis. Nagugutom ako, maaga pa naman kaya pupuntauna ako sa cafeteria. " Dwarf... " Ito na naman tong bwisit na to. Nagpatuloy ko sa paglalakad at hindi siya pinansin. Walang hiyang tawag yan, ang ganda ng pangalan ko e. " Dwarf, alam kong naririnig mo ako. " galit na sigaw nito. Ano kayang problema nitong bwisit na lalaking to na pinaglihi sa sama ng loob. " Callixta Enrique! " napahinto ako at inis na nilingon ito. " Gustong-gusto mo talaga akong ginagalit. " inis na sabi rin nito. " Ano na naman bang kailangan mo? " tanong ko dito. " Where's sunflower? " " Nasa VIP room na po sir, hawak na ng dalawa mong kaibigan. " sarkastiko kong sabi. " Good! " sabi niya akmang aalis na ako nng harangin niya ako. " Ano na naman ba? " nawawalan na ako ng pasensiya. " May practice kami ng basketball, you're going to be our temporary team manager. " sabi nito na ikinakunot ng aking noo. " Ayaw ko, isa pa may team manager na kayo. Saka may klase pa ako. " sabi ko dito. " May pinuntahan ang team manager namin. Ako bahala sa klase mo, i'm the owner kaya wala kang dapat ipag alala. Wag kang maarte, it's just for today. " sabi nito na ikina ikot ng aking mata. As if naman may choice ako. " Fine! But can i eat first? " tanong ko dito, hindi pa ako kumakain ng agahan nambubuwisit na siya. " Hindi parin ako kumakain. " sabi nito. " And so? " mataray kong tanong, tila nagtransform na naman sa pagiging demonyo ang kanyang mukha. " Sabay na tayo kumain. " masungit na sabi nito at mabilis na umalis at nagtungo sa cafeteria, napabuga na lang ako sa hangin at sumunod. Pagkatapos kumuha ng pagkain ay nakita ko siyang hinatidan ng pagkain sa isang table sa gilid. Ibang klase din tong taong to, nang makakuha ng pagkain ay naghanap ako ng mauupuan. " Calli, dito kana. " aya niya, tamad na naglakad ako palapit doon at umupo sa harap niya. " So, how's your day with sunflower? " tanong niya habang kumakain kami. " Great! " maikling sagot ko. Nanahimik naman na ito at ganun din ako hanggang sa matapos kumain. " Pumunta kana lang sa basketball court mamayang hapon. " Nauna siyang umalis at nagtungo sa kanyang klase, ganun din ang ginawa ko. Nadatnan ko sa room si Sophie. " Kumusta kana? " masiglang tanong niya na ikinangiti. " Maayos na, magaling kasi yung nurse ko. " natawa naman siya sa sagot ko. Ilang sandali pa ay dumating na ang aming guro. " Calli, sabay ka na sa akin. " sabi ni Sophie nang matapos lahat ng subjects namin. " Mauna kana Sophie, pinapapunta ako ni Ivo sa basketball court e. " sabi ko habang inaayos ang gamit ko. " Calli, tumigil kana kaya? natatakot ako para sayo e. What if mahawakan ka niya ulit o lung sino pang tao roon? " nag-aalalang tanong nito na ikinangiti ko. " Sophie, ginagawa ko to hindi lang para sa gagawin kong kwento, hindi lang para kay Ivo kundi para rin sa sarili ko. Gusto kong malabanan yung takot ko, gusto kong masanay ako sa pakikihalubilo. " napabuga si Sophie ng hangin. " Naiintindihan kita, basta mag-iingat ka ha! " i smiled and nodded. " Thank you Sophie! " ngumiti naman ito. " Wala yun, kaibigan kita e. O sige, mauna na ako ha! " tumango ako sa kanya bago ito umalis. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa basketball court at pagpasok na pagpasok ko pa lamang doon ay bumungad na sa akin ang bola at tumama sa aking noo. Hindi naman ganun kalakas pero masakit parin at medyo nahilo ako. " Calli, are you okay? " napaangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang gwapong mala demonyong mukha ni Ivo. " Hindi yata, tumama lang naman ang bola sa ulo ko. " sarkastiko kong sabi na ikinangisi niya. " Calli, okay ka lang? " napalingon ako kay Jazzie. " Yep, salamat dito sa pambabato ng bola ng kaibigan mo. " sabi ko na ikinatawa niya. " Sorry Calli, diko sinasadyang mapunta sayo ang bola. " napamaang ako sa sinabi niya at napatingin kay Ivo na nakatayo na. " Psh! dinaluhan na nga sinisi pa ako. Masiyadong maganda ang araw ko ngayon at wala ako sa mood pagtripan ka. " sabi niya at naglakad paalis, napanguso na lang ako. " Halika na, ipapakilala kita sa mga kateam namin. " Tumango ako kay Jazzie saka tumayo, sabay kaming lumapit sa mga kasamahan nila na nagsisimula nang magpractice. Pumalakpak si Jazzie kaya lumapit silang lahat. " Guys, this is Calli, our team manager for today. Calli, this is Caleb, Jerson, Hunter, Vincent and Sean. " pagpapakilala ni Jazzie. " Hello! " nakangiting sabi ko. " Hello, welcome to our team. " masayang wika nila. " Salamat! " " You may go back! " utos ni Jazzie sa kanila na agad nilang ginawa. " So, anong gagawin ko? " tanong ko kay Jazzie. " Ikaw lang ng mag-aayos ng mga bola, mag-aabot ng mga tubi, towel at bibili ng foods. " " Okay, sisimulan ko na lang muna sa pagpulot ng bola. " marami kasing nagkalat na bola sa gilid. " Salamat at pasensiya na sa abala. " nahihiyang sabi nito. " Okay lang yun. " " O sige maiwan muna kita, kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako. " tumango ako saka ito umalis. Sinimulan ko na rin ng gagawin. Napalingon ako sa paligid nanh hindi makota si Ivo, nasaan yun? Dapat pala magsorry ako dahil dun kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD